Chapter 52
Kinabukasan...
"Inaantok pa talaga ako." Kausap ko ang sarili ko sabay pikit ng mga mata sabay hawak sa batok ko at himas dito.
Nakakabuysit lang dahil bukod sa pinagalitan na ako ni Tatay e tatlong oras lang yata 'yung tulog ko. Papunta ako ngayon sa Shining Company para ayusin do'n 'yung mga gamit ni Crystal.Naglalakad lang ako dahil walang masakyan na tricycle nang biglang may van na huminto sa tapat ko at kinuha nila ako.
"Oh my gulay, may gana pa talaga kayong kidnapin ako e nerd naman ako. Pakawalan n'yo ako aaah!"
"Balat!"
"Aaaa—eh?" Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. "A-Ate Mimi?" ani ko nang makita siya.
"Oo, ako nga 'to. Grabe sa pagsigaw, ah?"
"Eh, nagulat naman po kasi ako. Bakit po kayo nandito?""May pupuntahan tayo," sabi niya na parang may binabalak. Awkward akong ngumiti sa kanya. Mukhang hindi ko 'to magugustuhan ah.
Makalipas ang ilan pang minuto ng pagbiyahe, nagtataka lang naman ako bakit dito kami huminto sa tapat ng isang mamahaling parlor.
"A-Ano pong ginagawa natin dito, Ate Mimi?" tanong ko. 'Wag niyang sabihin na gagawin niya rin sa akin 'yung ginawa nila kay Best friend noon? "A-Ate Mimi, kontento na po ako sa pagiging nerd," dugsong ko.
"Puwes, ako hindi."
Biglang may sumakbit sa magkabila kong braso sabay binuhat nila ako papasok sa loob. At dahil matatangkad sila ni hindi ko man lang nailapat 'yung mga paa ko sa lapag.
Pagpasok namin dito tila set up na ang lahat. Nilapag ako nung dalawang ma'mang malaki sa upuan. Nasa harap ako ngayon ng malaking salamin at pinapalibutan ako ngayon ng higit lima katao sabay tinalian nila ako sa upuan.
"'W-Wag n'yo pong gagalawin ang kahit ano na meron ako!" Pagbabanta ko pero umiling lang sila.
"Gawin n'yo na!" utos ni Ate Mimi kaya napasigaw ako ng malakas.MIMI'S POV
Ilang oras na rin ang lumipas pero palagay ko matagal-tagal pang aayusan si Balat. Sana pumatok din siya sa mga netizens dahil siya ang ipapalit ko sa mga malditang sina Moira at Nana. Tignan nalang natin kung hindi sila bumagsak sa gagawin ko.
DARREN'S POV
Nandito ako ngayon sa office ko nang maisipan kong maghahalf day ako mamaya. Plano ko kasing mapaamo si Balat. Tignan natin kung hindi siya bumigay sa kalokohan na gagawin ko. Ayaw pa kasi niyang umamin na may gusto siya sa akin.
Nang biglang may kumatok, pagtingin ko sa pinto si Zyren pala. "Woah! Woah! Anong klaseng ngiti 'yan, ha?" kantsaw ko sa kanya. "Mukhang may nangyari, ah?" dugsong ko pa. Kita ko kasing abot tainga ang ngiti niya. Mukhang nadali niya talaga 'yung magandang babae na kasama niya kahapon.
"Ako pa ba?" pagmamalaki niya sabay upo sa sofa habang nakadikuwatro pa. "Ikaw? Kumusta kayo ni Balat kahapon?" tanong niya. Pumunta ako sa harapan niya at umupo rin ako sa sofa."Ano ka ba, dre! 'Wag si Balat 'yung kumustahin mo. Damn it! Mayroon akong natikman kagabi. Grabe, she's so f* crazy! Hindi ko siya kinaya. Suko ako sa kanya pagdating sa kama," kuwento ko sabay taas pa ng kamay.
"Woah! At saan mo naman nakilala 'yon?" naging interesado rin siya.
"Sumulpot lang. Alam mo naman, tayo na ang lalapitan."Umiiling siya sabay ngiti. "Sige na, nakakainggit ka na," sabay tawa niya.
"Grabe! Hindi ko lang siya makalimutan. She's so f* damn hot, men."
Nang bigla ulit may kumatok kaya napatingin kami sa pinto. Nag-iba ang awra ko nang si Nana 'yung makita ko. "Sa palagay ko kailangan ko nang mauna." Tumayo na si Zyren.
"Sige dre, balik ka ha?" Nakipagtango lang siya kay Nana nang magharap sila sa pinto."Why are you here?" I asked her sabay tumayo ako.
"I miss you," aniya sabay yakap sa akin nang talikuran ko siya.
Okay na sana 'to si Nana kaso kung pagbibigyan ko naman siya napaka-unfair no'n para kina Ozu at Crystal."I'm sorry Nana pero..." Tinatanggal ko 'yung mga kamay niya na nakayakap sa akin.
"Please Darren, kung sina Ezikiel at Moira hindi na puwedeng magkaayos sana naman tayo puwede?" Ayaw niya akong bitiwan kundi mas hinigpitan pa niya lalo 'yung pagkakayap niya sa akin. "I love you." dagdag pa niya.
"Yeah I know, matagal na 'di ba? Pero mali 'yung ginawa n'yo ni Moira kaya sa tingin ko putulin na natin kung anong may ugnayan meron tayo. Makakaalis ka na."*****
NANA'S POV"Ugh! Nakakainis!" Binato ko 'yung sandals at bag ko sa sahig.
"Puwede ba? 'Wag ka ngang maingay diyan?" sabi ni Moira.Nasa lamesa siya at ang daming bote ng alak sa harapan niya. Lasing na lasing na siya at ang pangit na niya. Nandito ako sa condo niya matapos kong umalis do'n sa office ni Darren kanina.
"Kasalanan mo kasi 'to, e!" bulyaw ko sa kanya sabay upo sa sofa. "Malapit na sana maging kami, nakakainis talaga! Aaah!" Halos maglupasay ako rito.
"Ano ka ba! Itagay mo nalang 'yan." Inaabutan niya ako ng isang boteng alak kaya kinuha ko naman 'yon at nilaklak.
"Hindi ako makakapayag na mapunta si Darren sa iba!" Gigil na gigil kong sigaw sabay ngiti. Halos magtawanan kaming parang mga baliw nang madami na kaming mainom dahil nahihibang na kami kina Ezikiel at Darren.
MIMI'S POVPinatawag na ako ngayon ng mga stylist na inutusan ko kanina, 'yung mga nag-ayos para pagandahin si Balat.
Pumasok na ako sa isang kuwarto.
"Oh my gosh! Siya na ba 'yan?" Nagulat ko nang makita siya sa isang sulok at tila nahihiyang lumabas. "Wait! Nakita mo na ba 'yung sarili mo sa salamin ha, Balat?"Umiling agad siya.
"Bakit ba kasi nagtatago ka riyan? Halika rito!" Hinila ko siya papunta samalaking salamin. "Oh, ayan! Tignan mo 'yung sarili mo. Ang ganda mo kaya!"
"A-Ako 'to?" 'di niya makapaniwalang tanong kaya tumango-tango naman ako nangbigla siyang mawalan ng malay."Hala! Crystal lang ang peg? Hinimatay din siya. "Balat! Gumising ka!"
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!💕
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Roman pour AdolescentsBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle