Chapter 28
Pagod akong sumandal rito sa swivel chair ko. Kahit ganitong paper works lang 'yung trabaho ko sobrang nakakapagod din talaga. Pinikit ko ang mga mata ko para makapagpahinga kahit na ilang minuto lang.
Nang biglang may kumatok. "Come in." Umayos ako ng upo pero pagkakita ko sa kanya, si rascal pala, siya na naman."Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi ko sa 'yong lumabas ka?" Napayuko siya sa sinabi ko. Nakakunot-noo akong nakatingin sa kanya.
"S-Sir, nandito po kasi 'yung mga kaibigan n'yo raw po." Napatingin ako sa pintuan pagkasabi niya no'n.
"Yow!"
"Mr. Ozu Kang, ang init naman yata ng ulo mo rito sa P.A mo?"
Napangisi ako. 'Yung dalawang ugok nandito sila. Sina Darren at Zyren kaya tumayo ako. "Maupo kayo." Pumunta ako sa sofa at iniwan 'yung table ko pero napatingin muna ako kay rascal. "Hey! Bring us some food her," utos ko na agad naman niyang sinunod.Umalis siya at lumabas ng office ko.
"Hey! Pinuno, grabe naman trato mo ro'n." Tinapik ako ni Zyren sa tuhod ko.
"Ano ka ba? Parang hindi kanaman nasanay diyan, dre. Dati palang ganyan na siya," ngising sabi ni Darren.
"Tigilan n'yo nga akong dalawa. Bakit pala napadaan kayo rito?" Sumandal ako sasofa.
"Gusto lang namin ibigay sa 'yo 'to," sabi ni Zyren sabay abot ng puting sobre.
"Para saan naman 'to?" Kinuha ko 'yon.
"Invitation card para sa kasal nina Ezikiel at Moira." Darren."What?" Gulat ko. "Tinotoo niya talaga 'yong sinabi niya?" Binuksan ko ang sobre at ayon nga ang nakalagay dito. "So, ibig sabihin ikakasal na sila next month?"
"Yup," tumango lang sila nang biglang dumating si rascal kaya napakunot muli ang noo ko.
"Hi! Anong pangalan mo?" tanong ni Darren sa kanya nang makalapit ito sa amin dala ang mga pagkain at maiinom.
"J-Jelly po Sir," nahihiya niyang sabi sabay lapag ng mga bibit niya sa harapan namin."Puwede ba Darren, 'wag mo nga 'yang kinakausap?" Saway ko. Tinitigan ko ng masama si rascal. Napailing naman si Zyren.
"'Wag ka namang mainit ang ulo Pinuno. Can you please give me some ice? Thanks!" utos pa ni Darren sabay kindat kay rascal kaya kinilig naman 'to. What the heck! Naiirita talaga ako sa kanya. Lumabas na ulit siya at sana 'wag na siyang bumalik pa."Oy! Ozu, bakit naman gano'n pakitungo mo ro'n sa tao," tanong ni Zyren sabay kuha nito ng basong may lamang juice.
"Coz' I hate her! Iba kutob ko sa kanya. Kung hindi nga lang dahil kay Pangit tatanggalin ko 'yon e, tch!"
"Oh, siya! Siya! 'Wag nang mainit ang ulo baka kung saan pa mapunta 'yan. Ang mabuti pa, uminom na muna tayo," ani Darren.
NANA'S POV
Hindi alam ng mga King na kanina ko pa sila pinagmamasdan mula rito sa kinatatayuan ko. Hindi nila alam na may binabalak na akong masama sa kaibigan nilang si Ozu kanina pa.
Humanda ka siya sa akin mamaya.
Pagpasok ko kanina sa loob ng bathroom matapos niya akong sigaw-sigawan kanina, inis na inis lang naman akong humarap sa salamin. Nakakainis kasi siya. Ang hirap-hirap niya talagang pakisamahan.
Tinanggal ko ang wig ko at kung ano-ano pang kolorete ang tinapal ko sa mukha ko. Napatitig ako sa salimin no'n habang nakakunot ang noo pero biglang may pumasok sa isip ko kaya napangiti nalang ako bigla."Bakit hindi ko kaagad 'yon naisip?" bulong ko.
Tapos bumalik ulit ako sa ulirat ko ngayon. "Tignan natin kung hanggang saan ang itatagal mo Ozu," napangisi ako habang patuloy na pinagmamasdan ng masamang tingin ang mga King.
"Dre, aalis na kami," pagpapaalam nila Zyren.
"'Yung napag usapan natin, ah," sabi naman ni Darren."Okay, mag-iingat kayo." Nagkamayan sila tapos lumabas na ang mga 'to. Hindi ako nagpakita sa kanila. Nagtago ako sa medyo gilid nitong pader kung saan hindi nila ako nakita nung lumabas sila.
Ngayong umalis na sina Darren at Zyren pinagmamasdan ko lang si Ozu mula sa malayo. Unti-unti itong nahihilo kaya unti-unti ko rin siyang nilalapitan.OZU'S POV
Bakit ganito 'yungpakiramdam ko? Umupo muna ako sandali at tumungo sa mesa. Hindi ko alam kung bakitnahihilo ako at nanlalabo 'yung paningin ko. I've tried to call my wife perohindi niya sinasagot. I'm sure naman na hindi na babalik dito sina Zyren atDarren.
"Hey!" tawag ko kay rascal habang nakatingin sa kanya pero nagdodoble na 'yungpaningin ko at ang tingin ko sa kanya sobrang sexy niya at maganda. Parangnagbagong anyo siya."Ozu." Bigkas niya pero dahil sa sobrang pagkahilo ko naging madilim na ang lahat.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Novela JuvenilBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle