[NOW PLAYING: Lost Stars : Jeon Jungkook]
OZU'S POV
Mag-isa akong pumunta sa private room ni Crystal kung saan wala pa rin siyang malay hanggang ngayon. Inaamin kong nangangatog ako habang binubuksan ko ang pintuan dahil dala ko pa rin 'yung guilty na nararamdaman ko.
Wala namang ibang dapat sisihin dito kundi ako lang dahil hindi ko sila nagawang protektahan ng magiging anak namin.
Nang makalapit ako sa kanya agad kong hinawakan ang mga kamay niya at hinalikan ko 'yon.
"Pangit..." pabulong kong tawag sa kanya. "I'm..." hindi ko napansin na bigla na palang tumulo ang mga luha ko at 'di ko mabigkas 'yung gusto kong sabihin sa kanya. "sorry..." dugsong ko.
Napasinghap ako. "Sana mapatawad mo ako kung hindi ko kayo prinotektahan. I love you so much, please, gumising ka na." Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko nang pagmasdan ko ang kalagayan niya.MOIRA'S POV
Nang matapos ang interview agad kaming tumayo ni Nana dahilan para pagpiyestahan kami ng mga tao. Madami rin kaming narinig na bulong-bulungan mula sa kanila at pinagpulungan nila kami.
Galit na galit sila sa amin dahil sa video na nagkalat nang itulak namin si Crystal. Kapit kamay lang kami ni Nana dahil binabato nila kami ng kung ano-ano.
"Ang sasama ninyo!"
"Paano n'yo nagawa 'yon?! Mamamatay tao kayo!"
"Hindi nakikita ang kagandahan sa panlabas na anyo! Ang papangit n'yo!"
"Kayo 'yung mga tunay na Pangit!"
"Hindi dapat hangaan ang katulad ninyo!"
"Mga sinungaling!"
Halos mapayuko kami ni Nana dahil sa mga binabato nilang masasakit na salita tungkol sa amin. Dali-dali naman kaming pumasok sa loob ng kotse nang makapunta kami sa parking lot."Aaah!" sigaw ko sabay bato ng bag nang makapasok kami sa loob ng kotse. "Nakakainis sila!" dugsong ko pa.
"Kasalanan mo 'tong lahat!Dinamay mo pa ako!" sigaw din sa akin ni Nana na parang sinisisi niya ako.
"Hoy! Para sabihin ko sa 'yo, gusto mo rin naman 'yung ginawa mo!" sigaw ko rinsa kanya dahilan para matahimik siya pero inirapan niya ako. Sa galit ko ngayonhalos mayukot ko ang hawak kong papel.
MIMI'S POV
Pagkatapos ng interview kina Moira at Nana, nabalitaan kong maaari na raw bisitahin si Crystal kaya agad akong umuwi ng bahay para sunduin si Mini. Hindi ko kasi siya sinama kanina sa interview nina Moira at Nana dahil ayoko siyang ma-stress dito dahil nga buntis din siya.
PAGPASOK namin sa loob ng private room ni Crystal naabutan naming tulog si Ozu na nakaupo sa upuan at nakahawak ang kamay kay Crystal. Nagkatinginan nalang kami ni Mini dahil naaawa kami sa sitwasyon ng kapatid namin. Nilapitan namin siya at hinimas ang likuran."Ozu..." Mahina kong tawag sa pangalan niya dahilan para magising siya.
"Hindi ka na kumakain, baka mamaya ikaw naman ang magkasakit niyan." Sabi naman ni Mini sabay lapag nito nang mga pagkain sa lamesa at hinainan siya.
"Ozu, hindi mo dapat pabayaan ang sarili mo. Paano kong magising si Crystal? Ikaw dapat ang maging lakas niya kaya kumain ka." Nakayuko lang siya at hindi sumasagot. "Kumain ka na." Pagpupumilit ko. Mabuti naman at sumunod siya.
"Dinalhan ka na rin namin ng mga damit mo. Pagkatapos niyan puwede ka nang magpalit. 'Wag mong alalahanin si Crystal dahil nandito naman kami sa tabi niya at babantayan din namin siya."
"'Yung tungkol nga pala kina Moi—"
"Please cut it off." Mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko at biglang nagsalubong ang mga kilay niya.
"Okay, I understand, just eat." Nakatingin lang kami sa kanya ni Mimi habang nakain siya. Pagkatapos nito tinignan naman namin ang kalagayan ni Crystal. Nilapitan namin siya at pinagmasdan.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!💕
![](https://img.wattpad.com/cover/95324112-288-k446740.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle