Chapter 70
MIMI'S POVSina Ozu at Crystal nalang ang wala rito sa hapagkainan ngayon. Umalis na si Ezikiel kaninang madaling araw pero nakakapagtaka naman 'tong apat na katabi ko ngayon dahil hindi sila nag-iimikan.
Nakatingin lang ako sa kanila ngayon habang nasa pinakagitna ako ng malaking lamesa katabi ang baby boy ko na si Russel. Magkatabi itong dalawang king na sina Darren at Zyren habang magkatabi naman sina Sophia at Ehdrey. Magkakatapat silang apat.Kung may nangyari man na kakaiba sa kanila kagabi, puwes, matatanda naman na sila at alam na nila 'yung ginawa nila.
"Good morning everyone!" narinig kong boses ni Crystal kaya nang mapatingin ako sa kanila napangiti ako. Magkaholding hands kasi sila ni Ozu at sa tingin ko wala na akong po-problemahin sa dalawang 'to. Anak nalang talaga ang kulang sa kanila at sana magkaroon na sila no'n.
"Anong meron?" tanong ni Ozu. Tumabi siya sa dalawang King at si Crystal naman tumabi kina Sophia at Ehdrey. Pero ang nakakatuwa ro'n hindi pa rin sila umiimik na apat."Hmm, I think may nangyari," turan ko sabay tingin sa kanilang apat.
"Ah! Nagugutom na ako," sabi ni Darren sabay kuha ng pagkain gano'n din 'tong si Sophia. Pero itong si Ehdrey at Zyren tila nagpapakiramdaman pa sila sa isa't-isa. Ang awkward namin silang tinignan dahil sa mga kilos nila.
"Hey, dre, okay ka lang?" puna ni Ozu kay Zyren pero tumango lang siya sabay napatingin naman kami kay Crystal na parang sinasabi namin na si Ehdrey din tanungin mo.
"Okay ka lang Ehdrey?" tanong niya nang magets ang sinabi namin kaya naghihintay kami sa isasagot ni Ehdrey ngayon.
"Ha?" pero nagulat siya. Parang wala siya sa sarili niya. "Ah, oo, ayos lang ako. S-Sige, kakain na ako." Utal niyang pagkakasabi sabay kuha ng plato. Pero ang mas ikinagulat namin ay nang biglang tumayo itong si Zyren at hinila siya papalayo sa amin. Nagkatinginan nalang tuloy kaming lahat. Palagay ko may nangyari nga sa kanila pero ano naman kaya 'yon?
ZYREN'S POVHindi na ako nakatiis pa kaya tumayo na ako at hinila ko si Ehdrey papalayo sa mga kasama namin hanggang sa huminto kami sa malaking puno. Pero nang makita kong biglang tumulo 'yung mga luha niya bigla akong nakaramdam ng lungkot. Umiwas siya ng tingin sa akin.
"Kung may mabuo man tayo, pananagutan ko 'yan," straight to the point kong sabi sa kanya pero hindi pa rin siya umiimik. Nananatili pa rin siyang humihikbi. "Ehdrey, I'm so sorr—"
"Mamaya nalang tayo mag-usap." Tumakbo agad siya papalayo sa akin matapos niyang sabihin 'yon. Napabuga tuloy ako ng hininga. Hindi ko na tuloy na sabi pa sa kanya 'yung gusto kong sabihin. Hindi ko na siya nagawa pang pigilan dahil nararamdaman kong galit siya sa akin.
Napasandal nalang tuloy ako sa puno. Ayoko munang ipaalam 'to sa mga King dahil mas mabuti nang kaming dalawa nalang muna ni Ehdrey ang mag-usap tungkol dito. Nagtataka akong tinignan ng mga kasama namin nang muli akong bumalik do'n pero lumihis ako ng daan at pumunta nalang ako sa kuwarto ko. Hindi na ako kumain tutal wala rin naman do'n si Ehdrey.
Hanggang sa lumipas ang ilan pang oras hindi ako lumabas ng kuwarto kaya pinuntahan ako nina Ozu at Darren dito. Pero sa pagsasaliksik nila kung anong nangyari hindi pa rin ako umaamin, basta ang sinabi ko nalang sa kanila na na-i-in love na kasi ako kay Ehdrey. Bukod pa ro'n wala nang lumabas pa na kahit ano at mabuti naman hindi na sila nangulit pa.
EHDREY'S POV
Nandito sa kuwarto ko sina Crystal at Sophia ngayon. Tinatanong nila ako kung ano ba raw ang nangyari sa amin ni Zyren kagabi. Umarte nalang akong parang kinikilig at nanghula nalang ako ng palusot ko pero sa totoo lang itinago ko 'yung nararamdaman ko sa kanila.
Paano kung magbunga 'yung ginawa namin ni Zyren kagabi? Kailangan naming mag-usap mamaya. Kanina kasi hindi pa talaga ako handa na harapin siya. Pero mamaya sa tingin ko makakapag-usap na kami dahil nakapag-isip-isip naman na ako.
Hanggang sa lumipas na ulit ang oras at nag-ala-siyete na ng gabi. Tumuntong na ulit sa oras 'yung utos sa dare namin. Nang naglalakad na ako papunta sa kuwarto kung saan doon kami ni Zyren magsasama, nagkagulatan kami nang magkasabay kami sa pagpasok dito.
"Amh," matipid niyang bigkas pero bigla niya akong hinawakan sa kamay ko at hinila niya ako papasok sa loob. Nang umupo ako sa kama tinabihan niya ako at hinawakan 'yung chin ko at pinatingin niya ako sa mga mata niya.
"Ehdrey," sabi niya kaya tinitigan ko siya. "Makinig ka sa akin," mahinahon niyang sabi. "Kung naalala mo 'yung mga sinabi ko sa 'yo kagabi, totoo 'yon, gusto na kita. Kung may mabuo man sa ginawa natin handa akong maging ama niyan dahil mahal kita."
Matapos kong marinig 'yon mula sa kanya hindi ko alam kung bakit bigla akong napangiti pero may luhang tumulo sa mga mata ko. Napangiti rin siya at pinunasan ang mga luha ko. Tapos no'n niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya pabalik."It's okay, hindi natin itatago 'yan. Kung pagagalitan ka ng mga magulang mo haharapin ko sila." Umiling lang ako matapos niyang sabihin 'yon. Tapos parang nagtataka niya akong tinignan nang magbitaw kaming dalawa.
"Mag-isa nalang ako sa buhay, galing ako sa bahay ampunan kaya wala akong kinilalang mga magulang."
"W-Wala ka nang pamilya?" Pagtataka niya kaya tumango lang ako sabay niyakap niya muli ako. Pero ang pinagtataka ko ay hinigpitan niya 'yon ng husto.
Siguro naaawa siya sa kalagayan ko pero 'yon naman ang totoo. "Kung gano'n, saan ka nakatira? Sino mga kasama mo sa bahay? Hindi ka na puwedeng magsolo ngayon dahil baka kasi mamaya, may nabuo nga tayo," sabi niya nang muli niya akong bitiwan.
"Ahm, ano kasi Zyren..." napayuko nalang ako tapos naghihintay siya sa sasabihin ko.
Ang alam niya kasi sa akin ay stalker niya ako, pero hindi ko sinabi sa kanya na 'yung babaeng nag-utos sa akin para sampalin ko siya nang una kaming magkita sa bar ay ex-girlfriend niya, at 'yung ex-girlfriend niya na 'yon at ang pamilya no'n ang tumutulong sa akin para may matulugan ako sa araw-araw.Bumuga muna ako ng hininga saka ko siya tinignan sa mga mata niya. "Zyren, I'm sorry kung nagsinungaling ako sa 'yo. Hindi mo talaga ako totoong stalker," napayuko kong sabi. "Napag-utusan lang ako na sampalin ka nung araw na sumulpot ako sa harapan mo doon sa Bar—"
"I know." pinutol niya 'yungsinasabi ko at nagulat ako sa hinayag niya.
A-Anong alam niya? Curious lang akong nakatingin sa kanyangayon.
"Isa ako sa mga King at alam ko kung may mga taong gumagawa ng hindi magandakapag nakatalikod ako." Bigla akong kinabahan sa sinabi niyang 'yon. Bakakamunghian niya ako kasi nga nagsinungaling ako sa kanya.
"Alam ko 'yung tungkol sa laro ninyo ng mga kaibigan mo. Isa sa naging EX ko'yung nag-utos sa 'yo 'di ba? Si Tala?" Napatungo ako nang lumingon siya saakin. Ang tanga ko. Bakit hindi ko nalaman na alam na pala niya 'yung tungkoldo'n? "Nung pangawala nating pagkikita sa Shining Company wala pa akong alamtungkol do'n—pero ayos lang dahil hindi 'yon importante."
"Zyren, nakatira ako sa bahay nila Tala. Hindi ako puwedeng umalis do'n dahilmalaki ang utang ng loob ko sa pamilya niya. Isa pa, ex mo siya. Ano nalang angsasabihin niya sa akin kung malaman niya ang tungkol sa ating d—"
Bigla nalang nanlaki 'yung mga mata ko nang muli niya akong halikan dahilanpara mapatigil ako sa sinasabi ko. Ano bang binabalak niya?
Nang tumigil siya sa paghalik sa akin nginitian niya lang ako at niyakap. Gulattuloy akong nakatitig sa kawalan. "Simula ngayon, gusto kong magsama na tayo sabahay. Umalis ka na ro'n kina Tala." Mas lalong lumaki 'yung mga mata komatapos kong marinig 'yon mula sa kanya.
"A-Ayos ka lang, Zyren?" tanong ko na siya niyang ikinatango agad.
"Puwera nalang kung ayaw mo akong makasama?"
"Ha? H-Hindi 'no! Wala naman akong sinabi," sabi ko sabay iwas ng tingin. Taposno'n hinawakan niya ulit 'yung chin ko kaya napatingin ulit ako sa mga mataniya.
"Ehdrey..." sambit niya kaya napalunok ako. "Once na nalaman kong magkakababytayo—pakakasalan kita. Pumapayag ka ba?" Parang napako yata ako sa kinauupuanko nang marinig ko 'yon mula sa kanya. Totoo ba ang lahat ng mga nangyayaringayon? Ang isa sa mga King na si Zyren Do na Playboy pakakasalan ako?
"T-Totoo ba 'yung mga sinasabi mo Zyren?" nangigilid luha kong tanong."Yup." Magkatitigan lang kami. Hindi niya alam kung gaano niya ako pinasaya sa mga sinabi niya. Naiiyak na tuloy ako. Bigla ko siyang niyakap dahil alam kung babagsak na 'yong mga luha ko. Parang nakaramdam ako ngayon ng pag-asa na magkakaroon din ako ng sarili kong pamilya sa wakas na kahit kailan sa buong buhay ko, hindi ko man lang naramdaman.
"Nakakainis ka!" nagpupunas ako ngayon ng luha gamit ang damit niya."Sagutin mo naman ako. Pumapayag ka bang pakasalan ako?"
"Oo naman!" mabilis kong sagot.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak. Tapos no'n mas lalo niyang hinigpitan 'yung pagkakayakap niya sa akin at nang muling pagtagpuin ang mga mata namin, muli na naman niyang hinagkan ang labi ko kaya sa ngayon, tumugon na ako sa mga halik niyang 'yon. Hindi na ako pumalag pa
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle