Chapter 26

46.4K 1.6K 114
                                    

Chapter 26

Tch! She's kinda weird talaga.Ayoko talaga siyang tignan pero i-interview-hin ko kasi siya. "What is yourname?" I asked her habang nakatingin ako sa papel na hawak ko at ballpen. She'sinfront of me.

"My name is Jelly Ace."

"What? Are you kidding me?" Sa gulat ko napatingin ako sa kanya.

"No. Sir, I'm serious, that's my name."

"K. Fine. Why are you applying here? How old are you?" Bumalik muli ako nang tingin sa hawak kong papel.

"Sir, because I need a job. I'm 20 years old."

Ano raw?

"K. Tell me about yourself."

"Sir, I'm ugly, weird, poor..."

Nasapo ko ang ulunan ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya. Ano ba namang klaseng sagot 'yon?

Tumayo ako bigla dahil nag-iinit na ang ulo ko. "Your not belong her—"

"Ozu Kang?"

Napalingon ako bigla sa pinto nang marinig ko ang boses ni Pangit at hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. Damn it! Baka pingutin na naman niya ako.

"T-Tanggap ka na. Congratulations." Sakto na nakapasok dito si Pangit sa loob ng office ko. Nakangiti siya habang papalapit sa amin.

"Hi! Congratulations! You're hired?" tanong niya sa babaeng weird.

"Ah, yes Ma'am! Thank you so much po." Nakipagkamay siya kay Crystal.

"Sa kanya ka dapat magpasalamat because he hired you. Ikaw 'yung magiging new P.A ng husband ko, right?"

Nakikipagkuwentuhan si Pangit sa kanya habang nakaupo lang ako rito sa swivel chair ko at nakatingin lang sa kanila. Ayoko sana sa babaeng 'yan dahil iba ang kutob ko sa kanya. I don't know why.

Hahanap lang ako ng tyempo at tatanggalin ko siya.

"K-Kayo po 'yung wife ni Sir?"

Ang weird niya talaga.

"Yes, ako nga. Sige, puwede ka nang magsimula bukas."

"Wow, thank you po Ma'am! Thank you po talaga." Hinawakan niya 'yung kamay ni Pangit tapos todo yuko siya habang nagpapasalamat.

"You're welcome. Good luck for tommorow."

"Tch! Good luck talaga sa kanya," wala sa sarili kong sabi.

"May sinasabi ka Ozu Kang?" Napalingon sa akin si Pangit.

"Ha? Wala." Todo ang pag-iling ko tapos umalis na 'yung weird na babae. Salamat naman dahil baka mabato ko na siya sa sobrang inis ko sa kanya.

"By the way, this is your lunch." Naghain siya ng mga pagkain sa lamesa kaya agad akong natakam. "Halika na." Anyaya niya kaya pumunta naman agad ako sa tabi niya.

Sinubuan niya ako kaya nakangiti ako ngayon habang nakain. "Ang sarap ng mga niluto mo, Pangit," sabi ko kahit na may laman pa 'yung bibig ko.

"Ginawa ko talaga 'to lahat para sa 'yo. Mabuti naman at natutunan mo na kung paano makitungo ng maayos sa mga tao mo ngayon." Nagkangitian kaming dalawa.

"Turo mo 'yon, e," pakunwari akong ngumiti.

Maayos naman ang trato ko sa mga tao ko pero kapag kaharap ko lang naman itong si Pangit. Nang bigla siyang natahimik kaya nagtaka ako.

"Oh, bakit? Okay ka lang?" pag-aalala ko. Humawak siya bigla sa sintido niya tapos napahinga siya ng malalim.

"Napagod lang siguro ako."

"Gusto mo munang magpahinga rito?"

"Yeah."

"Sige, lalakasan ko 'yung aircon."

Tumayo ako tapos inuna kong ayusin 'yung sofa para makahiga siya. Tapos kinuha ko 'yung remote para sa aircon at nilakasan ko 'yon.

"Hindi ko alam kung bakit bigla akong nahilo," narinig kong sabi niya kaya tinabihan ko siya.

Nang biglang may kumatok. "Come in!" turan ko.

"Sir, pasensiya na po sa storbo. May nagpapabigay po kasi nito sa inyo." Napabangon si Pangit nang makita niyang may dalang cake itong tauhan ko.

"Kanino galing 'yan?" tanong niya. Kinuha niya 'yon at tinignan ang palibot ng cake pero umiling lang 'yung tauhan ko nang hindi niya alam.

"Okay. Thank you, you're now dismissed. I need time for my wife. I'll call you when I need something important."

"Okay, Sir." Pagkalabas nito tinignan namin ng mabuti 'yung cake.

"Kanino ba 'to galing?" ani Crystal.

"I don't know," pagtataka ako.

"Wait, may card sa ilalim." Tinignan namin ang nakasulat dito. "This is for Mr. Ozu Kang," basa ni Pangit.

"What? Kanino naman galing 'yan? Bakit niya ako padadalhan ng cake?"

"Walang nakalagay kung kanino galing." Kinuha ko 'to sabay tinapon ko sa basurahan.

"Bakit mo tinapon? Baka mamaya galing lang 'yon kina Mama or Ate Mimi or kung sino man sa mga kaibigan mo."

"Kung magpapadala sila, dapat may pangalan nila 'yon. Imposible," pagkasabi ko no'n bigla ulit siyang nahilo.

"Wag na nga nating intindihin 'yon. Magpahinga ka na muna rito." Inalalayan ko siyang makahiga sa sofa at binantayan ko siya hanggang sa nakatulog siya.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon