Chapter 50

46.7K 1.4K 38
                                    

Chapter 50

Masama kong tinapunan ng tingin si Darren nang plumakda ako rito sa front mirror ng kotse niya. "Balak mo ba talaga akong patayin ngayong araw ha, Darren?!" bulyaw ko sa kanya.

Pero hindi naman pala siya nakikinig sa akin. May kausap siya sa phone kaya pala pinatay na rin niya 'yung tugtog niya.

"Anong sinabi mo? Oo. Pupunta na ako riyan ngayon. Hay! Mga babae talaga!" Kinausap niya ang sarili niya.

Tapos muli na naman niyang pinaharurot ng mabilis 'tong kotse dahilan para magtaka ako dahil naiba 'yung daan namin. Madaling-madali siya.

"Oy Darren! Saan ba tayo pupunta? Bakit nag-iba daan natin?!" sumigaw na naman ako dahil pinatugtog niya ulit 'yung music niyang nakakarindi.

"Ha? 'Wag ka nang madaming tanong basta ihahatid naman kita, e. 'Wag kang mag-alala!" Napasimangot nalang ako dahil wala rin naman akong magagawa dahil nga nakikisakay lang ako sa kotse niya.

Dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya hininto niya itong kotse niya sa isang BAR. Tapos no'n madaling-madali siyang bumaba kasi nga nakakita kami ng dalawang grupo ng kababaihan na nagsasabunutan sa front door nito.

At dahil hindi ako marunong magtanggal ng seat belt, hindi ako makalabas dito. Nakalimutan yata ako ni Darren.

Pinapanuod ko lang sila mula rito sa loob habang nagrarambulan. Samantala si Darren inaawat niya ang mga babae. Palagay ko mga babae niya lahat 'yon.

"Hala! Sige! Kalbuhin mo!" turan ko habang tinatawanan sila mula rito. Hindi naman nila ako nakikita kasi nga nakasara itong bintana ng kotse ni Darren tapos tinted pa 'to.



DARREN'S POV

Nakakabaliw na talaga ang maging magandang lalaki.

"Ano ba! Magsitigil na nga kayo!" Pumagitna ako sa kanila.

"S*! Your f* ugly!" sigaw ni Glenda.

"Ah, really? How's your f* p*?!" Gano'n din 'tong si Aimi. Mukhang hindi sila parehong magpapaawat.

"Please, you two shut up?!" Napasigaw na ako sa galit dahil parang ayaw talaga nilang magpapigil—pero siyempre eksena ko lang 'yon para magsitigil na sila.

"Babe, tell her na ako talaga 'yung gusto mo. 'Di ba?" Kinapitan ako ni Aimi sa braso ko.

"Yuck! Excuse me, mas nauna akong Babe ni Darren kaysa sa 'yo 'no!" Sabay hila naman ni Glenda sa akin kaya napailing nalang ako.

Sa totoo lang gustong-gusto ko silang nag-aaway dahil pinag-aagawan nila ako—but this time wala naman akong maikakama sa kanila dahil sawang-sawa na ako sa kanila.

"Hey! Bakit n'yo pinag-aawayan ang Baby ko? Puwede ba? Magsitabi nga kayo dahil ang papangit n'yo!" May babaeng hot, cool, at sexy ang biglang lumapit sa amin kaya napanganga ako.

"Wow!" bigkas ko sa hangin sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

Kailangan kong magkunwari na siya 'yung bago kong dini-date ngayon para magsi-tigil na 'tong dalawa. Kailangan kong makisakay sa kanya.

"Baby, let's go," sabi pa niya sabay kindat at hila sa damit ko kaya nagpatangay na ako sa kanya.

"Ugh! Sino siya?!"

"Aaah! Who's that f* girl?!"

Nahagip ko pa ng tingin sina Aimi at Glenda na naglulupasay habang sinusundan kami ng tingin papasok sa loob.

Mabuti nalang at dumating 'tong babaeng 'to. She's so damn hot, but I don't know if she knows me. Pero sino nga ba'ng hindi makakakilala sa isang Chick Magnet King na katulad ko. Napakagat-labi nalang ako.

Pagpasok namin sa vip room umupo agad siya sa kama at parang nang-aakit na siya. Napangisi tuloy ako kasabay ng pag-iling ko kaya nilocked ko agad 'yung pinto.

Sa palagay ko oras na paramatikmam ko siya.

Gano'n din naman kasi siguro ang ginagawa ngayon ni Zyren sa bago niyang kasama na babae.







Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon