Chapter 22
OZU'S POVPinagmamasdan ko ngayon si Pangit dahil sa na tatangi niyang ganda. Isa pa, ang sexy niya sa suot niya. Tinahi niya 'yung binili kong swimsuit na ginupit-gupit niya kanina kaya napapangiti ako.
"Ozu Kang! Halika na maligo na tayo!" sigaw niya nang tumakbo siya papunta sa dagat. Hinihikaya't na niya akong maligo.
"Oo na!"Nagmadali na rin akong lumusong sa dagat at hinabol ko siya.
Wala kaming ginawa sa maghapon kundi ang magbonding dalawa. Ang sarap niyang kasama, wala na kaming ginawa kundi ang tumawa.
I really love this girl. Mamahalin ko siya hanggang sa huli kong hininga.
CRYSTAL'S POVGabi na naman at nahihibang na naman ako sa mga oras na 'to ngayon. Pabalik-balik kasi sa ispan ko 'yung mga sermon ni Balat sa akin kahapon.
Magkatabi ulit kami ngayon ni Ozu sa kama pero nagkakailangan na naman kami. Magkatalikod kami at 'di nag-iimikan habang may unan sa pagitan naming dalawa.
"Pangit?"
Bigla akong nanigas nang tawagin niya ako. "B-Bakit? Hindi ka ba makatulog?"
"Umh."
Dinadagundong na naman ako ngayon ng kaba."G-Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?"
"Sige, ayos lang."
OZU'S POVNaramdaman kong lumabas na siya ng kuwarto. Nang biglang bumalik na naman sa isipan ko ngayon 'yung mga payo sa akin ni Darren kahapon.
Isipin ko raw kasi 'yung mission namin ni Crystal lalo na 'yung trophy na sinasabi niya. Pero baka kasi mamaya gagawa na naman ako ng moves tapos mapapahiya lang ako—wag nalang kaya.
Naramdaman kong paakyat na ulit siya rito sa kuwarto namin kaya pinikit ko na ulit ang mga mata ko.
CRYSTAL'S POVPag-akyat ko sa taas nakita kong nakapikit na 'yung mga mata niya. Nakatulog na pala siya.
Napahinga ako ng malalim saka ako naupo sa sahig para mapantayan ko ang mukha niya.
"Ozu Kang..." mahina kong bigkas. Pinagmamasdan ko ngayon ang mala anghel at guwapo niyang mukha.
At nang makita ko ang labi niya, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Hindi ko na napigilan na hindi ko siya hagkan.
Nang mapag-alaman kong gising pala siya at nakatingin sa akin kung kaya't napatayo ako bigla.
"Ah, u-uminom ka na muna ng gatas." Nagkunwari akong walang ginawa sa kanya.
Habang iniinom niya 'yon hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin sa kanya na handa na akong gawin 'yung mission namin.
Pero kung hindi ako maglalakas ng loob sabihin 'to, mahirap naman kung mambabae siya at doon niya gawin 'yung mission niya. Tapos magkakaanak sila ng babae— tapos sila 'yung magsasama—tapos ayon 'yung magmamana ng pag-aari niya— tapos goodbye pangit na ako—tapos happily ever after pa sila—tapos aaah! Ayoko no'n!
"O-Ozu Kang!" bigla kong nabigkas 'yung pangalan niya kaya napalingon siya sa akin.
"Hmm?" magkatitigan kaming dalawa.
"A-a-ano kasi..." hindi ko talaga masabi. Ang hirap!
"Bakit? Hindi ka rin ba makatulog?"
Tumayo siya tapos pinatay niya 'yung ilaw kaya bahagyang dumilim ang kuwarto."Halika na. Matulog ka na." Hinihintay niya akong tumabi sa kanya. Humiga na kasi siya sa kama tapos ako nakatayo pa. "Salamat pala sa pagtimpla mo sa akin ng gatas," sabi niya.
"Wala 'yon." Lumapit na ako at tumabi sa kanya. Pinagpapawisan tuloy ako. "Ah, O-Ozu Kang?" Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Umh?"
"T-Tutulog ka na ba?"
"Hindi pa naman. Bakit?"
"Ah, kasi... ano..."
"Ano?"
"T-Tungkol sa mission natin..."
"I know. I understand if you're not ready about that."
"H-Hindi naman 'yon, e."
"Ha? Ang alin ba?"
"Ano... kasi..."
"Kasi?""Handa na ako Ozu Kang!" Napapikit ako nang sabihin ko 'yon.
"Ha?" pagtataka niya.
Huminga muna ako ng malalim sabay idinilat ko ulit ang mga mata ko. Isipin ko nalang na kapag hindi ko 'to ginawa, baka sa ibang babae pa siya mapunta."Handa na ulit akong ibigay sa 'yo ang sarili ko." Napatitig siya sa akin pagkatapos ko iyong sabihin tapos hindi siya nakapagsalita.
"Umh, kasi, naisip ko lang na—"Pero nagdadrama palang ako ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko kaya napalunok ako.
Nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa ilang saglit pa hinalikan na niya ako kaya nagpadala na ako sa kanya. Mabilis ko ring naramdaman ang pag-ibabaw niya sa akin kaya hindi na ako pumalag pa.
Lalo na nang maramdaman ko kung gaano siya kasabik na gawin namin ang bagay na 'to ngayon. Tuluyan ko nang binigay ang sarili ko sa kanya. Sinunod ko lahat ng gusto niya. Masaya naming pinagsaluhan ang gabing kaaya-aya para sa aming dalawa.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle