Chapter 48
OZU'S POVPagpasok namin dito sa loob ng bahay siyang takbuhan nitong dalawang bata sa sala. "Hoy! Halika muna kayo ang dudumi ng mga paa n'yo!" Mabaliw-baliw ko silang hinabol dahil ako na naman 'yung mahihirapang maglinis ng sahig dahil puro buhangin 'yung mga paa nila.
Tuwang-tuwa lang ngayon na nakatingin sa amin si Pangit.
"Huli kayo!" Binitbit ko sila ng sabay papasok sa loob ng banyo. Nagkulong kaming tatlo rito. Pinaliguan ko sila kahit first time ko lang gawin 'yon. Sobrang kulit nila pero tiniis ko lang para 'di ako pagalitan ni Pangit.
Nang matapos na kami maligong tatlo kinarga ko sila paakyat sa taas kung saan nando'n si Crystal sa kuwarto namin. Nilocked ko 'yung pinto para 'di sila lumabas.
"Oshu Kan! Lego pa teyo!" nagmamaktol itong napakakulit na bata at halos hatakin niya 'yung tuwalya na nakabalot sa bewang ko.
"Hoy! Ano ka ba?! Mahuhubaran na ako!" Pagkatingin ko naman do'n sa isa wala siyang tigil kakatalon sa kama namin. Mababaliw na yata ako.
"Eh, shige na lego pa tayo! Aaah!" Naglulupasay na siya sa sahig.Nang makita kami ni Pangitnilapitan niya kami lalo na nang hindi ko na alam kung anong gagawin ko. "Babyboy, dapat sumusunod ka kay Ozu Kang kasi parang Daddy mo na siya."
"Oshu Kan daddy ko?" Tinuro niya ang sarili niya. Natigil siya sa pagmamaktol.
"Umh! Katulad ng totoo mong Daddy."
"Eh, si ikaw, tino ka?""Ako? Katulad ng Mommy mo. So, dapat nakikinig ka sa amin." Pinagmamasdan ko lang siya habang pinapaamo niya itong isa tapos no'n lumapit din 'yong isa pa sa kanya. "Mommy!" Tawag nung bata sa kanya. "Taen ato."
"Nagugutom siya?" Naintindihan ko 'yung ibig niyang sabihin dahil nakahawak siya sa tiyan niya.
"Ozu Kang, magbihis ka na muna." Inabutan niya ako ng mga damit ko kaya mabilis akong nagbihis para matulungan ko siya sa paghanda ng pagkain para sa aming lahat.
Nang makalabas ako ng banyo nakakatuwa lang dahil nadatnan ko pa ring nakahubad itong dalawang bata at nakabalot lang sila ng tuwalya. "Wala akong maipasuot sa kanila," sabi ni Pangit na tila na momroblema.Nakaisip ako ng paraan. Kinuha ko 'yung mga damit ko at sinuot ko 'yon sa kanila. Nilagyan ko lang ng mga sipit para 'di maluwag.
Ngayon tawang-tawa siPangit samantala 'yung dalawang bata nakasimangot sa akin.
"Bakit nakasimangot kayo? Dapat matuwa pa kayo kasi damit ko 'yan!" Nakapamewang ako.
"Oshu Kan wela ako blep taka sholt."
"Ha?" Pagtataka ko, 'di ko kasi naintindihan.
"Ozu Kang, wala raw siyang brief at saka short," natatawang sabi ni Pangit."Anong gusto mo ipasuot ko sa 'yo 'yung brief ko? Hindi puwede kasi malaki 'yon sa 'yo." Mas sumimangot 'yung bata kaya mas tawang-tawa si Pangit.
****Ilang minuto pa ang lumipas, nilutuan ko sila ng hotcake kaya tuwang-tuwa sila at sarap na sarap. Hanggang sa mas lumipas pa ang mga oras. Pagkatingin ko sa orasan 7pm na pala. Nakita kong nag-e-enjoy pa si Pangit kasama ang dalawang bata sa kama habang naglalaro sila. Tinitignan ko lang sila dahil ang saya-saya nila.
Kung kanino mang anak 'tong dalawang bata at least, napasaya nila ang asawa ko. Pansamantala ko na muna silang iniwanan sa kuwarto at pumunta ako ng sala para manuod ng palabas sa TV.
Pero ilang minuto pa lang akong nakaupo rito nang biglang may kumatok kaya binuksan ko 'yon. Binungad ako ng mag-asawa. Napag-alaman kong sila ang magulang ng dalawang bata.*****
"Maraming salamat po sa pag-aalaga n'yo sa kanila. Mauuna na po kami."
Naramdaman kong nalungkot si Crystal nang unti-unti nang lumayo sa amin ang dalawa bata.
Bigla siyang nagmadaling tumakbo pataas kaya sinundan ko siya.
"Pangit..." Tinabihan ko siya sa kama.
"Napuwing lang ako." Pinunasan niya 'yung mga mata niya. Alam kong umiyak siya. Ramdam ko naman na nalungkot siya.
Wala na akong nagawa kundi ang yakapin siya ngayon. "Pangit, gusto mo bang pumunta ng Paris?" paglalambing ko sa kanya na labis niyang ikinagulat.
"P-Para saan?" Nginitian ko na muna siya bago sagutin.
"Magbabakasyon tayong dalawa. Hindi tayo babalik dito sa Pilipinas hangga't hindi ka bumabalik sa dati mong sigla. Gusto kong 'yon 'yung magsilbi nating honeymoon para naman makalimutan mo na ang nakaraan. Ayoko kasing nakikita kang ganyan."
CRYSTAL'S POVSumang-ayon agad ako nang sabihin 'yon sa akin ni Ozu. Mabilis ko rin siyang niyakap ng mahigpit at naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo ko.
"Pangit, gusto kong maging masaya ka, tayong dalawa. Naniniwala akong magkakaanak pa tayo. Hindi ba't limang pares pa nga?"
Niloko na naman niya ako dahilan para pisilin ko siya sa ilong. Bahagyang nawala ang lungkot ko. Aaminin kong napakasuwerte kong si Ozu ang napangasawa ko dahil pilit niyang iniintindi ang sitwasyon ko. Pilit niya akong pinapasaya kapag sobrang lungkot ko.
"Ozu Kang haha! Tama na ano ba! 'Wag diyan may kiliti ako riyan hahaha!" Nagpupumiglas ako ngayon nang magsimula niya akong kilitiin.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle