Chapter 33
CRYSTAL'S POV
Pagdating ko sa pinto ng office ni Ozu napabuntong hininga muna ako. Sana! Sana! Hindi 'yon totoo. Dapat handa ako sa kung anong makikita ko ngayon. Binuksan ko na 'yung pintuan nang dahan-dahan at nagsimula na rin akong maglakad papasok sa loob pero na shocked ako sa nakita ko kaya natulala ako.
Pinagmamasdan ko lang sila. May babaeng nakapatong kay Ozu at maganda ang pangangatawan nito pero hindi ko siya makilala kung sino. Pero wala pa akong lakas ng loob para lapitan sila.
Pinagmasdan ko na muna kung anong ginagawa niya sa asawa ko. Pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang hinahalikan niya na si Ozu.
At dahil 'di na ako nakapagpigil, lumapit na ako sa babaeng malandi na 'to saka ko hinablot ng mahigpit ang buhok niya.BALAT'S POV
Nang ituro sa akin ng isa sa mga impliyado rito kung nasaan ang office ni Ozu nagmadali agad ako papunta ro'n.
At nang makarating nga ako rito tama ako ng hinala, nakikipagsabunutan na ngayon si Crystal sa babaeng sinasabi nga raw na babae ni Ozu.
"Walang hiya ka malandi ka! Nang aagaw ka nang may asawa nang may asawa!" sigaw niya habang sabunot ang buhok ng babae.
"Ano ba! Bitiwan mo ako! Araay ko!" angal nung mukhang maganda na babae samantala si Ozu nakahiga pa rin siya sa sofa at tulog. Pero bakit tulog siya? Nakakapagtaka naman.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi kita nakakalbo! Hay*p kang babae ka! Asawa ko pa talaga ang napili mong landiin, ha?!" sigaw pa ni Best friend.At siyempre, hahayaan ko ba namang si Crystal lang ang tumapos ng gulong 'yon, kaya lumapit na rin ako sa kanila at nakipagsabunutan.
"Halika kang malandi ka! I-a-apload ko 'to sa facebook at vi-videohan kitang g*g* ka! Nang makita naman ng buong mundo 'yang pagkatao mo! Mukha ka pa namang modelo buysit ka! Malandi ka pala!" Pinagtulungan namin siyang sampalin habang salitang sinasabunutan ang buhok niya.
"Ano ha? Masarap? Ito pa!""Araay!"
Pilit pinupunit ni Crystal 'yung dress niya habang ako sinasampal siya at hawak 'yung buhok niya. Wala siyang laban sa amin ni Best friend dahil pinagtutulungan talaga namin siya.
"Aagawin mo pa si Ozu buysit ka!"
"Malandi ang dapat itawag sa 'yo!"DARREN'S POV
Napangiti tuloy ako sa sinabi ni Balat sa akin kanina. "Ang mga babae talaga ang bilis ma-fall sa mga poging katulad ko pangit man o maganda," napailing kong sabi sa sarili.
Napangisi pa ako nang sa pagtingin ko sa inupuan kanina ni Balat, naiwanan niya yata 'yung cell phone niya kaya kinuha ko 'yon at mabilis akong bumaba ng kotse ko.Pumasok ako sa loob ng Kang Tower para ihabol kay Balat 'tong cell phone niya pero pagpunta ko rito nagulat ako nang parang nagkakagulo ang mga impliyado.
"Hey, what happen?" tanong ko ro'n sa guard.
"Sir Darren, kayo po pala, nagkakagulo raw po ngayon sa office ni Sir Ozu."
"What?"
Napatakbo ako bigla nang malaman ko 'yon. Pagkaakyat ko sa taas nagmadali akong pumunta sa office ni Pinuno. At kahit maraming empliyado rito sumisingit pa rin ako.
"Hey! Hey! Hey!" Hinahawi ko 'yung mga nakikiisyoso.
"Ay! Si Sir Darren."
"Si Sir Darren daw."
"Magsitabi kayo si Sir Darren nandiyan."
Nang magtabihan sila agad akong sumilip sa office ni Ozu pero nagulat ako nang makita ko si Nana na pinagtutulungan nina Crystal at Balat.
"Nana!" Mabilis akong lumapit sa kanila para maawat ang kaguluhan.
CRYSTAL'S POV
Ano raw si Nana?
Napabitaw ako bigla dahil sa narinig ko ang pangalan niya. "Darren, pinagtutulungan nila ako." Nag-iinarte niyang sumbong kay Darren.
"Ah! Talagang nagsusumbong ka pa? Buysit ka?!" bulyaw ni Balat sa kanya habang nasa gitna nila si Darren. Inaawat ni Darren si Balat dahil gustong-gusto pa niyang sugurin si Nana.
"Oh my gosh! Tignan mo 'yung ginawa nila sa dress ko Darren." Kunyari siyang umiiyak tapos inaayos niya 'yung dress niya.
"Wag ka ngang maniwala sa kanya Darren! Napakasinungaling niyan!" sigaw ulit ni Best friend samantala napatahimik nalang ako habang hinihingal.Halos hindi na ako makapagsalita dahil ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon. Si Nana kasi best friend siya ni Moira at paano niya nagagawa kay Ozu 'to e alam naman niyang asawa ko na si Ozu.
Naguguluhan lang akong nakatitig sa kanila ngayon. Hindi ko siya nakilala kanina dala na rin ng galit ko.
"Stop!" sigaw ni Darren dahil hindi pa rin nagpapaawat si Balat. Samantala nagising naman si Ozu."Anong nangyayari rito? Bakit nandito kayong lahat? Bakit ang daming tao rito sa office ko?" sunod-sunod niyang tanong na tila walang nalalaman sa mga nangyari.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle