Chapter 24

50.9K 1.8K 37
                                    

Chapter 24


Kailangan kong gumamit ng cr kaya nagpaalam ako sa kanila sandali lalo na sa asawa kong si Ozu.


MOIRA'S POV

"Are you okay?" Ezikiel asked me. Medyo madami na rin ang naiinom ng mga King.

"Yeah, I'm fine. Pupunta lang ako ng CR."

Pagkapaalam ko sa kanya sila nalang magkakaibigan ang natira ro'n at nagkukuwentuhan. Habang papunta naman ako ng cr nando'n nga rin pala si Crystal. Nakita ko siyang nag-aayos sa harapan ng salamin nang pumasok ako rito kaya nagkangitian kaming dalawa.

"Uuwi na ba kayo ni Ozu?" I asked her habang kumukuha ako ng tissue.

"Oo. Gabi na rin kasi may pasok pa kami bukas," tumango lang ako.

"Okay, see you next time," nakangiti kong turan.

"Sige, bye! I'll be going. Mag-iingat kayo ni Ezikiel," tumango nalang ulit ako at nagbeso-beso kaming dalawa bago tuluyang magpaalam sa isa't-isa.

Nang matapos naman akong gumamit ng cr nagulat ako nang may makita ako sa sahig na isang manipis at maliit na wallet.

"Kanino 'to?" kausap ko sarili ko. I just being curious kung anong nilalaman nito kaya tinignan ko but I was shocked sa nakita ko.

"Melanie Dimakales?" Basa ko sa I.d na nakalagay sa lumang manipis na wallet kaya biglang may bumalik na alaala sa isipan ko.

Hindi ba't ayon 'yung dating pangit na binubully ng mga King? Am I right?

"Kung gano'n nandito siya? E, kami lang naman ni Crystal ang huling nag-usap dito ngayon," pagtataka ko.



*****

CRYSTAL'S POV

Tatlong linggo na ang nakakalipas buhat nang magsimula kaming magsama ni Ozu.

Pareho rin kaming nagtatrabaho sa katunayan nandito ako ngayon sa Shining Company habang nag-aayos para sa panibagong pictorial ko.

Nang bigla akong puntahan dito ng isa sa mga tauhan niya. "Ma'am Crystal, nagtatanggal na naman po ngayon si Sir Ozu ng tao sa Kang Tower."

Nang mabalitaan ko 'yon agad kong iniwanan ang trabaho ko para puntahan siya.

*****

MABILIS akong nakarating dito sa Kang Tower at habang naglalakad ako papasok sa loob binabati ako ng mga impliyado niya. Nagtatabihan din sila.

Humanda ka sa akin Ozu Kang!




OZU'S POV

"You're fired!" sigaw ko sa impliyadong hindi marunong sa trabaho niya.

"President Kang, please, 'wag n'yo po akong tanggalin pakiusap po." halos magmakaawa siya sa harapan ko pero wala akong pakialam.

"Pakialis na siya rito sa office ko ngayon na!" Mabilis nagsikilos ang mga bodyguards ko habang patuloy pa rin sa pagmamakaawa ang lalaki. "Tch! Dapat kasi sumusunod kayo sa rules ko." Napapailing kong sabi.

"OZU KANG!"

Nang biglang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Pangit na para bang papalapit nang papalapit ang pagpunta niya rito.

Nakatingin lang ako ngayon sa pinto nang binungad nga siya nito ilang segundo.

Pero bigla lang naman niya akong piningot. "Aaah! Pangit, ano ba?! Bitawan mo ako! Masakit!" Pagpupumalag ko.

Sh*t! Ang sakit!

"Lalong sasakit 'yan kung hindi mo papatawarin 'tong impliyado mo!" Muling ibinalik dito ng mga bodyguards ko sa loob 'yung tinanggal kong impliyado kanina. Sa utos 'yon ni Pangit sigurado.

"Araay! Araay! Oo na! Bitiwan mo na ako. Masakit. Araay!"

Nang bigla na niya akong binitawan. Damn it! Bumakat yata 'yung kuko niya. Sh*t! Ang sakit talaga!

Nilapitan niya iyong lalaking tinanggal ko.

"Hello po, ako po 'yung wife ni Mr. President Kang. 'Wag po kayong mag-alala, makakabalik na po ulit kayo sa trabaho ninyo ngayon."

Nanlaki 'yung mga mata ko nang sabihin niya'yon.

"Talaga po Misis Kang? Kung gano'n, maraming-marami pong salamat. Kailangan ko po kasi talaga itong trabaho ko para sa pamilya ko. Salamat po talaga."

Nakatingin lang ako sa kanila ngayon habang palihim akong nakakunot ng noo. Nakakaasar lang dahil binalik niya pa 'yung lalaking tinanggal ko kanina.

"Walang anuman po. Sige na ho, bumalik na po kayo sa ginagawa n'yo ngayon at pagbutihin n'yo pa po ang pagtatrabaho." Agad umalis 'yung lalaki sa utos ni Pangit.

Tapos tinitigan naman niya 'yung mga bodyguards ko kaya nagsilabasan ang mga 'yon. Dalawa nalang kami ngayon dito.

Nang tignan naman niya ako ng masama, napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya. Tapos ngayong lumapit siya sa akin akala ko pipingutin niya ulit ako kaya napaatras ako bigla, 'yon pala hindi naman.

"Ozu Kang! Ano ka ba naman!" Napapikit ako nang sigawan niya ko.

"A-Ano?" Hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Anong-ano? Uubusin mo ba lahat ng mga tauhan mo rito?!" Sermon niya.
"Eh, h-hindi naman niya kasi inaayos 'yung trabaho niya," reklamo ko.

"May second chance, Ozu Kang!"

"Hay!" pagmamaktol ko. Hindi nalang ako sumagot dahil sigurado namang talo ako sa kanya e kaya hindi na ako nakipagpilitan pa.

"Umuwi na tayo," anyaya niya kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Kung hindi ko lang siya mahal hindi ako susunod sa kanya. Kinuha ko nalang 'yung bag ko sabay naglakad ako ng padabog.

"Ano Ozu Kang nagdadabog ka ba?!"

Mabilis kong inayos 'yung paglalakad ko. "Hindi kaya. Ang ayos-ayos ko nga maglakad, oh!" In-straight ko 'yung paglalakad ko at ipinakita ko 'yon sa kanya.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon