Chapter 27

45.7K 1.5K 167
                                    

Chapter 27

MOIRA'S POV

Sana naman hindi nahirapan si Nana sa pinagawa ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa isang private room ng isang restaurant at hinihintay ko siyang dumating.

Nang tumatawag na siya sinagot ko agad 'yon.

"Saan ka banda?" tanong niya sa kabilang linya.

"Room number three. Make it fast, I'm waiting for you."

"Okay, nandito na ako."

Mayamaya pa nakita ko ngang bumukas na 'yung pintuan at siya ang bumungad. Nakangiti siya ng nakakaloka habang naglalakad sa akin papalapit. Palagay ko nagtagumpay siya sa ginawa niya. Nagbeso-beso muna kami bago tuluyang nag-usap.

"Ano girl? Mukhang nakangiti ka. Ano? Nagtagumpay ka ba, ha?" Excited ako sa ibabalita niya.

"Tch! Ako pa ba? Siyempre naman!" proud na proud niyang sabi kaya sa tingin ko magtatagumpay ako sa mga pinaplano ko.

Napangiti tuloy ako ng malawak. "Bakit pala ayaw mo pang ipaalam sa mga King 'yung nadiskubre mo?" tanong niya sa akin sabay inom sa juice na pinaorder ko para sa kanya.

Nginisian ko siya. "Ano ka ba? Gusto ko pang maglaro." Nakataas kilay kong sabi sabay inom din sa juice na nasa harapan ko.

"Hay! Ibang klase ka talaga." Napailing siya.

"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko." Mas itinaas ko pa ang dalawa kong kilay sabay inirapan ko siya. Napailing nalang ulit siya.

"Okay! Okay! Kilala kita 'noh—pero sana naman malaman na rin ni Ozu 'yan at nang mga King dahil nagmumukha lang silang tanga. Hindi nila alam na 'yong kaharap nilang si Crystal e fake ang ganda niya. Hays, grabe talaga."

"Don't worry girl, may pasabog ako riyan," sabay ngiti ko nang matagumpay. Nakita kong napangisi nalang si Nana dahil sa sobrang saya ko. Tumawa pa ako. "Teka, kuwentuhan mo naman pala ako sa nangyari kanina sa office ni Ozu." Pangungulit ko sa kanya kaya tumango siya.


"Alam mo bang medyo nahirapan akong ipitin ang malaki kong boses para lang hindi niya ako makilala? Grabe si Ozu, ang guwapo pa rin niya talaga kahit may asawa na siya. Ang hirap tumitig sa mga mata niya lalo na kapag Pangit ka," kuwento niya sabay iling.

Oo nga naman. Attitude na kasi talaga ni Ozu 'yon.

"Ano ka ba! Diyan din namansila nagsimula nung pangit na 'yon 'no. Kaya tama lang na magpapanggap kabilang P.A niya. I'm sure marami tayong puwedeng gawin para magkasira silangdalawa," nakangiti kong sabi at tumango naman siya.

"Okay, kung anong gusto mo gawin nalang natin."

"Kaya best friend kita, e!" Sa tuwa ko napaakbay ako sa kanya.

"Ano ka ba may bayad 'to! Basta tulungan mo ako kay Darren. Gusto ko kasitalaga siyang maging boyfriend haha!" Kinikilig siya. Gustong-gusto niya kasitalaga si Darren noon pa.

"Oo naman, tutulungan kita!" Nagtoast pa kaming dalawa sabay tuloy sa pagkukuwento ng kung ano-ano. Nagtatawanan pa kami.







*****
Kinabukasan...

OZU'S POV

Pagpasok ko sa office ko nagulat ako sa nakita ko. Pambihira! May rascal na nga pala akong makakasama simula ngayon. Pumunta ako sa swivel chair ko.

"Hi Sir, good morning po," bati niya sa akin pero para saan pa para batiin ko rin siya pabalik? Hindi ko siya pinansin. "Sir, gusto n'yo po bang ipagtimpla ko kayo ng kape?"

Hindi ko siya sinagot sa inalok niyang 'yon. Basta tuloy lang ako sa pagkuha ng mga folder at pinirmahan ko ito isa-isa, habang siya, hindi ko alam kung anong pinagbubuting-ting niya rito sa loob ng office ko.

Kalampag dito, kalampag do'n, kaya naiinis na ako dahil sa sobra niyang ingay.

Napahinto ako sa ginagawa ko at napakunot-noo. "Please, get out." pagpipigil ko ng galit.

"B-Bakit po Sir?"

Tinapunan ko siya ng masama kong pagtitig. Ewan ko ba pero hindi ko talaga siya gustong makita. "I said, get out!" Sinigawan ko siya ng malakas.





Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon