Chapter 47
OZU'S POV
Hindi na rin nagtagal at nagpaalam na rin sina Zyren at Darren pagkatapos nila akong payuhan. Pumasok na ako sa loob ng bahay at siniguradong sarado ang lahat ng mga pinto at bintana.
Umakyat na ako sa taas at tinignan si Crystal. Nakaupo lang ako sa tabi niya habang pinagmamasdan siya. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ko 'yon. Matagal ko na ring hindi nakikita 'yung mga ngiti niya. Hanggang kailan ba siya magkakaganito? Miss na miss ko na siya. Halos mapapikit ako habang tumutulo ang mga luha ko.
Natatakot akong mawala siya isang araw sa akin. Hindi ko alam kung anong pakiramdam mawalan ng anak mula sa sinapupunan niya pero nasasaktan din ako dahil anak ko rin siya. Pero paano na kami kung patuloy siyang magiging ganito?
"Ozu Kang..." Nagising siya kaya tinabihan ko siya sa kama. "I love you," mahina niyang sabi dahilan para yakapin ko siya at patulugin sa mga himig ko.Kinabukasan...
Nagising na naman ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. At nang mapatingin ako sa kama, sa tabi ko, "Damn it!" mariin kong bigkas sabay bangon. Hindi ko na naman namalayan na bigla siyang umalis at mawala sa tabi ko.
"Crystal!" tawag ko mula taas hanggang makababa. Nasaan na naman siya? Hinagilap ko na naman ang buong bahay para mahanap siya.Nag-aalala na naman ako. Ano na naman ang gagawin niya sa sarili niya? Patuloy akong kinakabahan dahil hindi ko siya makita.
Pero nang mapatingin muli ako sa dagat, nagtaka ako nang may dalawang bata na kalaro si Crystal doon. Pinagmasdan ko lang sila mula rito sa terrace hanggang sa nilapitan ko na sila.
"Ozu Kang," sambit niya habang nakangiti sa akin.Nagulat naman ako nangbigla akong lapitan ng dalawang batang lalaki na ang edad siguro ay limangtaong gulang. Parang nagpapakarga sila sa akin. Sa tingin ko, ang kulit kulitdin nila sa itsura pa lang.
"Oshu Kan, kalga mo ko!" sabi nung isa habang nakahawak sa short ko.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil baka mahubaran ako."Ako dapat kalga niya. Oshu Kan, kalga mo na ko plit?" sabi naman nung isa habang hila-hila ang damit ko.
"Ha?" Pagtataka ko sabay tingin kay Crystal. "S-Sino ba kayo?" tanong ko sa dalawang bata na nasa harapan ko ngayon tapos tumingin ulit ako kay Crystal na parang nagtatanong na sino sila pero nagkibit balikat lang din siya na sinasabing hindi ko rin sila kilala.
"Kargahin mo na," sabi niya sabay lapit sa akin kaya wala na akong nagawa.
"Sige," Agad nagtulakan 'yung dalawang bata. "Psh, 'wag mag-away." Saway ko sa kanila. "Pareho ko kayong kakargahin."Nilagay ko 'yung isa sa batok ko at 'yung isa naman karga-karga ko. Inaalalayan ako ngayon ni Crystal nang bigla ko siyang marinig na tumawa kaya napatitig ako sa kanya.
"Oshu Kan, dun teyo!""Indi, unta teyo do'n! Do'n oh!"
Nawala ang pagkakatig ko sa kanya nang magtalo 'tong dalawang bata.
Hindi sila magkasundo kung saan kami unang pupunta. Sa dagat ang gusto ng isa at sa malayo naman 'yung gusto ng isa.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" nalilito kong tanong kay Crystal.Feeling ko isang masayang pamilya kami ngayon dahil sa dalawang batang 'to. Parang nawala 'yung problema namin ni Crystal dahil sa kanila.
Nakita ko na ulit 'yung mga ngiti niya.
"Doon muna tayo." Tinuro niya ang isang malaking puno habang ang likot nitong dalawang bata na karga ko. "'Wag malikot, ha?" Saway niya sa mga bata lalo na 'yung bata na nasa batok ko—kasi ang kulit niya kaysa sa isa na karga ko.
*****UMUPO ako sa buhangin nang mapagod ako dahil sa tagal ng paglalaro namin. Nakangiti lang akong pinagmamasdan ngayon si Crystal habang kalaro pa rin niya 'yung dalawa bata. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya.
Nang makita niya akong nakatingin sa kanila nilapitan niya ako.
"Napagod ka ba?" aniya. Tumabi siya sa akin.
"Okay lang ako pero gusto ko sanang malaman kung sino 'yung dalawang bata?"
"Hindi ko rin sila kilala, 'yon ang totoo. Natanaw ko lang sila rito kanina nung nagluluto ako mula sa kusina. Sa tingin ko, nawawala sila."
"Gano'n ba? So, anong balak natin sa kanila? Hindi natin alam kung saan sila nanggaling."
"Puwede bang pansamantalang sa atin muna sila? Habang hindi sila nakikita ng mga magulang nila?""Sigurado ka?" Agad siyang tumango.
Napangiti ako dahil mukhang masaya naman siya na gawin 'yon. "Kung gusto mo 'yon ayos lang din naman sa akin." Bigla siyang napayakap sa akin kaya hinalikan ko siya sa ulunan niya. "Basta mamaya ireport natin sa mga pulis na nasa atin sila ha? Nang sa gayon madali silang mahanap ng mga tunay nilang magulang." Nakangiti siyang tumango.
Masaya ko namang binalikan 'yung mga bata at muli ko silang nilaro.
CRYSTAL'S POVNapangiti ako nang makita kong masaya si Ozu kasama ang dalawang bata na natagpuan ko lang kanina dito.
Nang biglang sumagi sa isip ko ang batang nasa sinapupunan ko dati. Napahawak ako sa tiyan ko at nagbabadyang tumulo ang luha.
Siguro kung prinotektahan ko lang siya, lalaki siyang malusog na bata. Sana mapatawad niya ako sa pangyayari.
"Pangit..." turan ni Ozu nang mapansin niya siguro ako kaya't pinunasan ko agad ang luha ko. Nananatili lang akong nakayuko.
Ayoko kasing makita niya akong ganito. Naawa kasi ako sa kanya kagabi nang sabihin niya sa aking hirap na hirap na siyang makita ako sa ganitong sitwasyon. Sa totoo lang, 'yung dalawang bata na nakikita ko kagabi, mukhang nagdedelerio na ako no'n, kakaisip na dapat magkakaroon na rin kami ng sarili naming anak.
Inangat niya ang ulo ko. "Siguro limang pares na kambal dapat ang gawin ko?" Pagbibiro niya kaya nahampas ko tuloy siya.
"Tingin mo ba kaya ko 'yon?" Pinagmulahan ako.
"Siyempre para 'di ka na malungkot. Maraming kukulit sa 'yo, ayaw mo ba no'n?" sabi niya with aksyon pa kaya natawa tuloy ako.
"Ewan ko sa 'yo. Halika na nga at baka giniginaw na 'yang dalawang bata." Tumayo na kaming pareho at nilapitan ang dalawang bata.
"Hoy! Kayong dalawa! Ako naman dapat ang kargahin n'yo kasi pagod na ako," angal niya. Sumimangot naman 'yung dalawang bata kaya hinampas ko siya."Paano kung anak mo 'yan 'di mo titiisin na mapagod ka para sa kanila?"
"Pangit naman, e! 'Di ko naman sila anak gagawa tayo nang atin 'di ba?" nagpapapadyak siya.
"Oy Ozu Kang! Ano ka ba? May mga bata tayong kasama!" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Hindi. Joke lang, nagbibiro lang naman ako." Natawa kaming pareho. Napangiti naman ako nang pag-agawan siya ng dalawang bata at nag-uunahan pa sa pagpapakarga sa kanya. Para kaming isang napakasayang pamilya ngayong araw.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle