Chapter 12
Nakahiga na kami ngayon ni Ozu sa kama namin. Pero katulad kagabi sa resort, magkatalikod ulit kaming dalawa habang may unan sa gitna.Nakakainis lang dahil pilit pumapasok sa isipan ko 'yung mga nangyari sa amin kagabi.
Erase! Erase!
"Pangit," Nag-grin ako bigla nang magsalita siya.
"B-Bakit?" nautal ako."Wala lang—akala ko tulog ka na."
"Ah, hindi pa. Ang tagal kasi ng tulog ko kanina 'di ba?" Hindi na siya sumagot.
"Ozu Kang?"
"Bakit?"
Ang bilis niyang sumagot. Akala ko tulog na siya. "Ha? Wala. Akala ko kasi tulog ka na."
"Hindi ako makatulog.""Ha? Bakit?"
"Naiisip ko lang 'yung mga nakaraan natin."
Bigla na naman akong pinagmulahan. Nagmumuni-muni pala kasi siya sa mga nakaraan namin noon. Kinilig tuloy ako bigla. "Alin naman do'n?" tanong ko.
"Siyempre lahat. Masaya ka ba sa akin ngayon bilang asawa mo?"
Bigla akong napabalikwas ng bangon matapos niyang sabihin 'yon. Napatitig ako sa kanya."Oo naman. Bakit mo naman naitanong 'yan?" Humarap din siya sa akin kaya nagkatitigan kaming dalawa. Umiling siya.
"Ozu Kang, alam mo ba kung bakit kita nagustuhan?" Agad siyang umiling.
"Bakit?"
"Kasi kakaiba ka."
Nagkatitigan kaming dalawa at nagkangitian matapos kong sabihin 'yon.
Sabi ng karamihan, makikita mo ang ugali ng isang tao kapag nakasama mo na ito sa iisang bahay. Pero sa nakikita ko ngayon pa lang, unti-unti ko nang nakikita ang mabuting kalooban ni Ozu.
"Pangit..."
"Hm, bakit?" Magkatitigan lang kaming dalawa.
"Paano kung hindi tayo makabuo sa loob ng tatlong buwan?"
"Ha?" nagulat ako sa tinanong niya.
"'Yung tungkol sa panibago nating mission," dugsong pa niya. Hindi na ako nakaimik."Alam ko namang hindi ka pa handa ro'n 'di ba kaya hindi kita pipilitin. 'Wag kang mag-alala tungkol sa divorcer paper, kung sakali mang totohanin 'yon nina Ate, hinding-hindi ko 'yon mapapayagan."
Sinusundan ko lang siya ngayon ng tingin dahil bumangon siya,
"Saan ka pupunta?" tanong ko dahil nagsuot siya ng pambahay niyang tsinelas.
"Sa baba. Doon muna ako matutulog."
"Ha? Pero bakit?"
"Ayos lang ako." Hindi ko na siya napigilan pa nang tuluyan na niya akong iwanan dito mag-isa.
Nang humiga ako tinuktukan ko ang ulo ko. Hindi ako makatulog kakaisip kay Ozu. Napabuntong-hininga ako.Naisipan kong bumaba para sundan siya kaya lang nakakaramdam ako ng kaba dahil sobrang dilim dito sa baba.
Nang buksan ko 'yung ilaw napasigaw ako ng malakas nang may maaninagan akong anino.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle