Chapter 73

43.5K 1.4K 48
                                    

Chapter 73

ZYREN'S POV

Lumipas ang ilang oras, pinuntahan ko si Ehdrey sa kuwarto niya para tulungan siya sa mga bitbit niya. Nag-aabang na silang lahat sa amin do'n sa may sasakyan dahil paalis na nga kami ng resort ngayon. Hinolding hands ko ulit siya kaya nung makita nila kami, nakatingin lang silang lahat sa amin.

"Wait lang guys, ha?" sabi ni Ate Mimi nang makapasok kami ni Ehdrey sa loob ng sasakyan. Magkatabi kaming dalawa habang nasa tapat naman namin sina Darren at Sophia. At ngayon, nakatingin lang kami kay Ate Mimi dahil may gusto yata siyang sabihin sa amin.

"Naguguluhan kasi ako, e. Magtapat nga kayo sa akin, Darren, Sophia, Zyren, at Ehdrey? Ano bang meron?" Nagkatinginan kaming apat nang banggitin niya 'yung mga pangalan namin.

"Oy Ate! Hindi pa ba halata sa 'yo? Siyempre nagkakamabutihan na sila. Hayaan mo na sila," sabi ni Pinuno.

"Oy Ozu! Babatukan na kita! Gusto ko lang naman kasing i-confirm at sa kanila mismo manggaling ang sagot. Ano? Magsasalita ba kayo o ano?" Nagkatinginan ulit kaming apat dahil baka mamaya tuluyan pang magkabangayan itong si Ate Mimi at Ozu.

"Girlfriend ko na si SophiaAte Mimi," bunyag ni Darren.

"Kami na rin ni Ehdrey," dugsong ko naman.

"Oh my gosh! Talaga ba?" Nagulat naman si Crystal sabay kagat sa braso ni Ozu.

"Araay! Pangit naman ang sakit no'n!" Angal niya kaya nagtawanan kami.

"Sorry naman kinikilig kasi ako para sa kanila~"

"Hay! Grabe! Di ko inaasahan 'yon, ah?" 'di makapaniwalang sabi ni Ate Mimi sabay iling niya habang napapangiti.

"Dapat ang tawag sa 'yo Ate Mimi, match maker. Tignan mo kasi, ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon kami ng kaniya-kaniya naming love life."

"Oh, my gosh, pero ang saya ko," naiiyak naman niyang sabi.

Kung sabagay siya naman talaga ang dahilan ng lahat simula pa kay Ozu, Crystal, at ngayon sa amin nina Darren, Sophia, ako, at si Ehdrey—silang dalawa ni Ate Mini. But speaking of Ate Mini, hindi siya nakasama rito kasi nga nag-iingat siya sa una niyang pinagbubuntis ngayon. Isa pa, malapit na siyang manganak kaya hindi na siya ipinasama ni Ate Mimi rito.

Lumipas ang ilang oras nang kulitan at kantsawan, nagpababa na ako sa isang restaurant at isinama ko si Ehdrey. Mga limang minuto lang ang lumipas dumating na rin 'yung driver ko sakay ng kotse kong kulay itim. Inalalayan ko si Ehdrey papasok sa loob at hinolding hands ko siya.

"Ahm, Zyren," nahihiya niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. Umaandar na 'yung sasakyan.

"Hmm? Bakit?" Tinitigan ko siya.

"S-Sigurado ka bang sa bahay mo na ako titira ngayon?" paniniguro niya.

"Oo naman. Bakit? Nag-aalinlangan ka ba?"

"M-Medyo? Kasi, paano 'yung mga magulang mo? Baka kung anong sabihin nila tungkol sa akin." Sa sinabi niyang 'yon bigla akong natawa ng mahina. "Ano ka ba? Bakit mo ako tinatawanan? Kinakabahan na kaya ako ngayon pa lang." Hinampas pa niya ako ng mahina sa dibdib ko.

Maginoo ko naman siyang hinalikan sa kamay niya. "Hindi mo dapat pinoproblema 'yan. Lolo ko nalang naman na ang kasama ko sa bahay. Katulad mo wala na rin akong mga magulang. They are both death since grade school. But don't worry nakamove on na ako. Masaya na rin naman ako kung saan na sila nandon ngayon. Kahit minsan namimiss ko sila, dumating ka naman na sa buhay ko 'di ba?"

Biglang nangilid 'yung luha niya matapos kong sabihin 'yon. "Grabe, iyakin ka pala," kantsaw ko sa kanya sabay ngiti.

"Hindi ko lang expected na pareho pala tayo ng pinagdadaanan."
Pinunasan ko 'yung nangigilid niyang luha at muli akong ngumiti. "Don't mind it. Ang mahalaga sa ngayon makakasama na kita. Bubuo tayo ng sarili nating pamilya at pahahalagahan natin 'yon, okay? 'Wag ka ng umiyak, Babe," tumango-tango siya.

Hinalikan ko siya sa ulunan niya kaya napangiti na ulit siya. Nang tumingin naman ako sa labas ng bintana napangiti rin ako. Sigurado akong pag-uwi ko sa bahay at kapag nakita siya ni Lolo, sasabihin no'n sa akin na sa wakas, magkakaroon na rin siya ng apo sa tuhod.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon