Chapter 54

50K 1.5K 55
                                    

Chapter 54

BALAT'S POV

Nagmagandang loob sa akin si Darren na ihahatid niya raw ako sa amin kaya hindi ko na tinanggihan.

"Hachu!"

Napabahing na ako wala pa ngang sampung minuto na nagtatagal 'tong bulaklak na binigay niya sa akin kanina.


"Hachu!"

Inihinto niya 'yung sasakyan niya at pinarking sa isang tabi. Inabutan niya ako ng tissue.

"Hachu! Salamat."

"Akin na 'yung bulaklak. Allergy ka ba rito?" Kinuha niya 'yon tapos nilagay sapassenger seat.

"Oo. Hachu!"

"Ah, gano'n ba?" Tumango lang ako. Tapos parang nalungkot 'yung mukha niya.

"Hachu!"

"Amh, okay ka lang ba? Pasensiya na. Hindi ko alam na allergy ka sa bulaklak,"maamo niyang pagkakasabi.

"Oo, ayos lang ako. Okay lang. Maya-maya mawawala na rin 'to kasi wala na 'yong bulaklak sa kamay ko, hindi ko na malalanghap 'yong bango."

Di na siya sumagot tapos pinaandar na niya ulit 'yung kotse niya. Nang bigla akong makaramdam ng gutom kaya kinuha ko 'yung chocolate na binigay niya sa akin.

"Kainin ko na, ha? Gutom nakasi ako e." Nagulat ako sa laman. Snickers kasi.

"Oh, sure." Biglang nagbago 'yung mood niya nang kumain ako ng chocolate na binigayniya. Napangiti siya.

"Ah, Darren, bakit ka pala pumunta sa Shining Company kanina? Wala naman siNana ro'n, ah?"

"Hindi naman si Nana pinuntahan ko ro'n."

"Talaga? Sino naman?"

"Ikaw."

Nalunok ko tuloy nang buo 'yung chocolate na kinakain ko pagkasabi niya no'n. "Talagang pinagtitripan mo ako 'no?"

"Hindi nga! Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Siguraduhin mo lang kasi patay ka sa akin kong oo." Tapos napaisip naman ako bigla, "Teka lang? 'Wag mong sabihing... yeee~" Tinusok-tusok ko 'yung tagiliran niya. "Siguro, ikaw ang may gusto sa akin 'no? Aminin mo na."

"Ako? Magkakagusto sa 'yo? Pambihira ka naman Balat, oh!"

"Oh siya! Binibiro lang naman kita para mapatawa ka diyan."

"Sa susunod 'wag mo nang ulitin."

"Yeee~ talagang totoo naman~"

"Hay! Bahala ka sa ilusyon mo," cool niyang pagkakasabi.

"Sus! Linya ko 'yan, e."





DARREN'S POV

Ano ba 'yung sinasabi niya? 'Wag kang bibigay Darren, tandaan mo isa kang Chick Magnet King. Tinutukso pa rin niya ako at binabalik niya 'yung mga sinasabi ko sa kanya dati.

Nang ihinto ko na 'yung sasakyan sa isang tabi— "Sandali. Gusto ko nga lang pala malaman kung bakit bigla kang nagchange ng look? Nerd transform in to..."

"to..." naghihintay siya ng kadugsong kong sasabihin.

"Maganda ba, ha? Ayaw pa kasing sabihin ang totoo Darren," sabay tawa niya kaya napangisi naman ako. May pagkabaliw din siya. "Ay, nandito na pala ako sa amin. Salamat sa paghatid, ha? Patanggal naman nitong seat belt."

Sa ngayon hindi ko na magawa 'yung paglapit ng mukha ko sa mukha niya kasi—oo inaamin ko maganda nga siya. Natanggal ko na 'yung seat belt niya at bumaba na rin kami ng kotse. Kinuha ko na 'yung mga paper bag sa loob at iniwan ko na 'yung bulaklak kasi nga allergy daw siya ro'n.

"Sigurado ka bang hindi na kita ihahatid papasok sa inyo?" tanong ko.

"Naku! 'Wag na! Madaming tambay do'n baka mabangasan ang guwapo mong mukha."

"Tch! Kaya ko rin naman makipagsabayan sa mga 'yon. Ano tingin mo sa akin?"

"Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin. Ayoko lang pagdiskitahan ka nila." Napangiti ako na ewan dahil sa sinabi niya. Inabot ko na sa kanya 'yung mga paper bag. "Oh, bakit ito lang? Nasaan na 'yung bulaklak ko?"

"Ha? Di ba ang sabi mo allergy ka ro'n?"

"E, ano naman? First time lang may nagbigay sa akin no'n kaya bakit ko pa tatanggihan? Bilis! Pakikuha na medyo ngalay na kasi ako." Agad kong kinuha 'yung isang boquet of flowers na ibinigay ko sa kanya dahilan para dumami 'yung mga dala niya.

"Sigurado kang kaya mo?"

"Oo naman! Amazona rin ako katulad ni Crystal 'no! Oh siya! Mag-iingat ka sa pag-uwi mo, ha? Bye!" Tumalikod na siya at pinagmamasdan ko lang ang likuran niya dahil natutuwa ako sa kanya.

"Darren Min, hindi ka dapat ma-fall sa kanya, SIYA ang dapat ma-fall sa 'yo. Tama!" sabi ko sa sarili ko sabay agad na nagmadaling umalis do'n.






BALAT'S POV

"Nay! Tay! Nandito na po ako!" Nilapag ko ang mga bitbit ko sa sofa. "Grabe! Ang dami kong pagod ngayong araw." Umupo ako at nakataas pa 'yung dalawa kong paa. "May pagkain na po ba ta—" Naputol 'yung sasabihin ko nang makita ko silang gulat na nakatitig sa akin. "Nanay, Tatay, Bunso, ayos lang kayo? Ano ba! Ako 'to si Balat," sabay nguso ko.

Ayon kasi 'yung palatandaan nila sa akin laging nakanguso.

"Ikaw ba talaga 'yan, anak?" 'di makapaniwalang sabi ni nanay habang pinagmamasdan 'yung mukha ko. Habang si Tatay tinitignan rin ako mula ulo hanggang paa. At itong kapatid ko naman pinagpipiyestahan na 'yung mga chocolate na binigay sa akin ni Darren.

"Nay, Tay, make-up lang 'to. 'Wag po kayong mag-alala, may pinirmahan lang po akong kontrata sa bago kong trabaho kaya masanay na po kayo na ilang linggo akong ganito."

"Aba'y anak, napakaganda mo! 'Wag mo nang ibalik 'yung dati mong itsura ano ka ba!" nakangiting sabi ni Nanay sabay yakap niya sa akin.

"Oy! Anak, nakabihag ka na ba nang mayamang lalaki, ha, ?" sabat naman ni Tatay.

"Tay naman, trabaho lang po. May pagkain na po ba? Gutom na po kasi ako, e," pumunta ako ng kusina. Tapos sinundan pala nila ako hanggang dito. Nakita ko naman 'tong si Tatay bitbit 'yung bulaklak na binigay sa akin ni Darren. "Tay, wala lang 'yan. 'Wag n'yo pong intindihin 'yan."

"Sus! Magpapaganda ka ba naman nang ganyan kung walang nanliligaw sa 'yo?" Pinakita niya sa akin 'yung isang boquet of flowers.

"Wala talaga akong kawala sa inyo e 'no? Opo, ibinigay sa akin 'yan ng kaibigan ni Ozu Kang 'yung asawa ni Crystal."

"Ah, 'yung babaeng best friend mo na modelo?"

"Siya nga, Nay."

Hindi ko pinaalam sa kanila hanggang ngayon na iisa lang sina Bebang at Crystal kahit close pa nila Nanay si Best friend. Kasi nga, sekretong malupit lang 'yon.

Bumalik na ako sa sala pero nakabuntot pa rin sila sa akin. "Anong pangalan no'n, Anak?" Ang tinutukoy niya yata si Darren.

"Ipunta mo naman siya rito para makilatis namin."

"Ate, magkakaboyfriend ka na? Mayaman ba, ha?"

"Ano ba? Tumigil nga kayo. Magkaibigan lang kami no'n." Kinuha ko 'yung wallet ko at inabutan ko si Nanay ng pera.

"Oh? Bakit ang dami naman yata nito?" Nagulat sina Nanay at Tatay.

"Ibili n'yo ng mga pangangailangan natin dito sa bahay, Nay."

"Oy Anak! Baka naman nagbebenta ka na ng laman, ha? Magugulpi kitang bata ka! Kahit isang kahig isang tuka tayo ayos lang 'yon basta 'wag ka lang magbebenta ng laman mo!"

Napailing nalang ako. I'm sure kasi magdadrama na 'yan si Tatay e. Nilapitan ko naman si Bunso at inagaw sa kanya 'yung ilang chocolate.

"Wag kang masyado kumain niyan, sasakit ang ngipin mo." Nilagay ko iyon sa paper bag. "Never ko pong gagawin 'yon, kayo naman Tay, may sideline lang po ako sa ngayon."

Kinuha ko na 'yung mga paper bag gano'n din 'yung isang boquet ng flowers sabay takbo ng mabilis paakyat sa kuwarto ko. Iniwan ko na sila ro'n dahil sigurado akong dadami pa tanong nila about kay Darren at kung saan-saan pa.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon