Chapter 77

45.8K 1.5K 40
                                    

Chapter 77

CRYSTAL'S POV

Agad binalita ng mga King sa mga relatives nina Moira at Nana ang aksidenteng sinapit nila kung kaya kinuha sila at dinala sa ibang bansa. Pinutol naman ng mga King ang pakikipag-ugnayan sa kanila dahil kasi sa tingin nila, sapat na 'yung matagal na naging pinagsamahan nila noon.

"CHEERS!" sigawan namin nang nandito kami sa isang exclusive na Bar makalipas ang isang buwan. Kasalukuyan naming sine-celebrate ngayon 'yung monthsary nina Darren at Sophia, Zyren, at Ehdrey.

Nang magpatugtog ng love song 'yung dj niyaya ni Zyren si Ehdrey na sumayaw sa dance floor kaya kinilig kami nina Sophia, ako at si Jamie para sa kanya. Di rin nagtagal nagyaya na rin si Darren na isayaw si Sophia kaya kami nalang ni Jamie ang natira rito.

"Crystal, cr tayo," anyaya niya kaya sumang-ayon ako.

Siya si Jamie Shin, ang girlfriend ni Ezikiel. Nandito na sila ngayon sa Pilipinas para nga ipakilala sa amin at nagkataon nga na monthsary nung apat.

Napakaganda niya at sobrang bait pa dahilan para maging kasundo agad namin siya nina Sophia at Ehdrey. Magbe-bestfriend na kami ngayong apat katulad ng mga King. Bestie ang tawagan namin.

"Let's go," nakangiti kong tugon. Nagpaalam muna kami kina Ezikiel at Ozu tapos sinakbit niya 'yung kamay niya sa braso ko at tuluyan na kaming nagpunta sa comfort room.






OZU'S POV

Niyaya ni Jamie si Crystal na pumunta ng cr kaya kaming dalawa nalang ngayon ni Ezikiel ang natitira rito sa table namin. Sumasayaw pa rin kasi hanggang ngayon sina Darren, Sophia, Zyren, at Ehdrey sa dance floor.

"Dre, kailan kayo magpapakasal ni Jamie?" tanong ko sa kanya sabay inom ng alak. Minsan na rin naman kasi niya sa akin 'yon nabanggit.

"As soon as possible. Nakahanda na nga ang lahat, proposal nalang ang kulang," bunyag niya sabay inom din ng alak.

Napangiti ako ng husto dahil sa nalaman ko. "Ibang klase ka talaga, best friend." Nakipagcheer ako sa kanya hawak ang isang bote ng alak.

"Nga pala, 'yang apat, ano bang balak ng mga 'yan?" Nakatingin kami ngayon sa kinaroroonan nina Zyren, Ehdrey, Darren at Sophia.

"Si Zyren mukhang magpapakasal na rin 'yan kaya bakit hindi pa kayo magsabay dalawa?"

"Really?" gulat niya.


"Yeah. Minsan na rin kasi niya sa aking nabanggit. Mukhang nagpaplano palang siya."

"Nice. Sige, kakausapin ko nalang siya tungkol diyan. Eh, si Darren?"

"Ewan ko sa kanya. Wala namang nababanggit sa akin pero ayaw naman pakawalan si Sophia."

Napailing siya habang nakangiti matapos kong sabihin 'yon.

"Ozu! Ezikiel! Si Crystal hinimatay!" Humahangos na sabi ni Jamie nang makalapit siya sa amin kaya dali-dali akong napatakbo sa CR ng mga babae.

"Crystal!" bulalas ko at agad siyang nilapitan nang makita ko siyang nakahilata sa sahig. Sumunod agad ang mga kaibigan namin sa amin.

"A-Anong nangyari Jamie?" kinakabahan kong tanong. "Pangit! Gumising ka!"

"Nag-uusap lang kami rito nang bigla siyang nawalan ng malay. 'Yun lang," papaiyak na sabi ni Jamie kaya hinimas ni Ezikiel ang likuran niya.

"Ozu, dalhin na natin siya sa hospital," suhesyon ni Zyren kaya agad kong binuhat si Crystal. Sama-sama kaming umalis sa Bar.

Nang marating namin ang Hospital nandito kami sa tapat ng Emergency Room, mga nakaupo kami sa bench habang hinihintay na lumabas ang doctor.

Nananalangin akong sana walang mangyaring masama sa kanya.

"Ozu, uminom ka na muna." Inabutan ako ni Ezikiel ng mainit na kape nang lumabas sila ni Jamie kanina at bumili. Kinuha ko 'yon pero nilapag ko lang din dahil hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Napasandal ako sa upuan sabay pikit ng mga mata.

"Sana naman walang maging problema," sambit ko. Nag-aalala kasi talaga ako.

"Dre, magiging maayos din niyan si Crystal." Tinapik ako ni Zyren.

"Hintayin nalang natin kung anong sasabihin ng doctor," sagot naman ni Darren.

Nang lumabas na 'yung doctor nagsitayuan kaming lahat. "K-Kumusta po 'yung asawa ko? May sakit po ba siya? Ano nang kalagayan niya?" Imbes na sagutin niya ako ay niyakad niya akong pumasok kami sa loob ng ER kaya lahat kami nandito ngayon.

Nakita kong nakahiga si Pangit at natutulog kaya nilapitan ko siya at hinalikan sa noo dahilan para magising siya. "O-Ozu Kang? Nasaan ako?" Bumangon siya.

"Huminahon ka lang Mrs. Kang," sabi ng Doctor sa kanya kaya muli siyang humiga. Kapit kamay lang kaming dalawa habang naghihintay sa sasabihin ng Doctor.

"This is serious condition."


"S-Serious condition?" Nagkatinginan kami ni Crystal at ng mga kaibigan namin dahil sa sinabi ng doctor. Nakaramdam ako ng lungkot nang marinig ko 'yon pero hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Crystal nang muli kaming magkatinginan.


"No. Mr. Kang—what I mean is hindi serious condition na ibig kong sabihin ay may sakit si Mrs. Kang. She's pregnant for one in a half month. Serious condition dahil nung unang pagbubuntis niya ay hindi naging maganda ang kinalabasan hindi ba? Gusto ko lang ipaalam na kailangan niya ng pahinga at hindi na dapat siya ma-stress kagaya ng dating nangyari sa kanya, lalo na at twins pa 'yong nakikita naming magiging anak ninyong dalawa." Nakangiti nitong hayag.


"S-Si Pangit buntis? Dalawa? Kambal ba?" Sunod-sunod kong tanong.

Nang makita ko namang ngumiti si Crystal napangiti na rin ako pero hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko alam kung lulundag ba ako o ano dahil sa tuwa ko ngayon.

"Oh, my gosh! Best friend, congratulations magkakababy na ulit kayo ni Ozu at maaaring kambal pa," sabik na sabi ni Sophia.

"Wow! Ang saya naman no'n, Crystal! Congratulations sa inyo ni Ozu," sabat naman ni Ehdrey.

"Congrats Crystal, I'm so happy for you!" Naiiyak na sabi ni Jamie.

"Dre, congrats!" sabay-sabay namang bati ng mga King sa akin kaya nangigilid 'yung mga luha ko. Tinapik nila ako at nakipagkamay pa.

"Mr. Kang, we need to talk na kayong dalawa lang mag-asawa para sa ikabubuti ng pagbubuntis ng wife ninyong si Mrs. Kang."

"Uh, n-no problem. Guys, exit na kayo," maliksi ko silang pinapaalis.

"Hala! Grabe ka namanmakapagtaboy sa amin Ozu," reklamo ni Sophia pero hindi ko siya pinansin.Patuloy ko lang silang tinutulak palabas.

"Hoy! Ano ka ba? Kung makatulak ka naman sa Beb ko, Pinuno!" saway naman niDarren sa akin.

"Eh, basta, excited na kasi akong malaman kung anong pag-uusapan namin ngDoctor. Masaya lang ako kaya bilis na! Lumabas na kayo. Bye!" Tapos sinarado kona 'yung pintuan. "Yes!" Bigkas ko sabay ngiti. Pagkapunta ko naman sa tabi niPangit hinalikan ko ang kamay niya at hinawakan ko 'yon ng mahigpit.

"Magkakababy na tayo Ozu Kang tapos mukhang kambal pa," mahina niyang sabitapos nagkakangitian kaming dalawa kasi nga 'yung doctor may kinakalikot pa ro'nsa mga gamit niya.






Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon