Chapter 31

48.7K 1.4K 30
                                    

Chapter 31
 

"Uy! Anong iniisip mo riyan Best friend?" Tinapik ako ni Balat matapos niyang ilagay 'yung hawak niyang bottled water sa lamesa na nasa tapat namin ngayon. Tumabi siya sa akin. Nandito kami ngayon sa Shining Company at break time ko.

Siya na 'yung kinuha kong assistant ko rito sa trabaho ko. Di na siya nagdalawang isip pa na 'di tanggapin 'yon since magbest friend naman kaming dalawa. Mas may tiwala ako sa kanya kaysa sa iba. Isa pa, gusto naman din daw niya 'to dahil araw-araw kaming magkakasama rito sa trabaho.

"May problema ba Best friend?" tanong pa niya sa akin.

"Ha? Wala." Umiling ako tapos kinuha ko 'yung bottled water na nilapag niya sa harapan ko. Ininom ko 'yon.

"Ano 'yang iniisip mo? Sabihin mo na. Kilala kita."

Nagbuntong hininga muna ako matapos niyang sabihin 'yon. Wala talaga akong maitatago rito sa Best friend ko. Kilalang-kilala niya talaga ako.

"Kasi... 'yung polo ni Ozu Kang..." Napayuko ako at nagpout sa kanya.

 "Oh, bakit?" Nakatitig lang siya sa akin. Naghihintay ng susunod kong kuwento.

"May bakas ng lipstick. Eh, hindi naman sa akin 'yon."

"Talaga ba? Kung gano'n, nag-iisip ka ng hindi maganda sa kanya? Best friend, dapat may tiwala ka sa asawa mo."

Tumango-tango ako. "Oo, alam ko naman 'yon. 'Yun nga lang kasi ewan ko ba—kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit gano'n."

"Baka naman kasi nagpapadala ka na naman diyan sa emosyon mo. Bakit hindi mo tanungin kung saan niya nakuha 'yon?" Hindi na ako umimik sa suhesyon niyang 'yon. Nanahimik nalang ako.

Mayamaya pa tinawag na ako para sa new photoshoot ko. "Uy, Best friend, ngumiti ka naman." Nilagay niya 'yung dalawa niyang daliri sa magkabilang gilid ng labi ko at pilit niya akong pinapangiti gamit 'yon.

Napabuntong hininga nalang ako sabay ngiti ng bahagya. Siguro naman hindi magagawa sa akin ni Ozu 'yung masamang naiisip ko.

At dahil nga kailangan ko ng magtrabaho nagfocus nalang ako rito kaya sandali kong nakalimutan ang dinadamdam ko.




BALAT'S POV

Ang ganda talaga ni Best friend. Nakangiti lang ako ngayon habang pinagmamasdan siyang magphotoshoot. Nang biglang namang magvibrate 'yung cell phone niya kaya napatingin ako rito. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba 'to dahil unknown number kasi 'to.

Pero wala naman sigurong masama kung sasabihin ko nalang na nasa photoshoot ngayon si Best friend. Pinindot ko 'to.

"Hello? Nas—"

Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapagsalita e nagulat ako nang bigla niya 'yung ibaba. Ang bastos naman no'n sino ba 'yon?

"Oh, bakit? Anong meron?" Tanong ni Crystal nang makalapit siya sa akin. Tapos na siguro 'yung photoshoot niya.

"May tumawag sa 'yo unknown number lang. Sinagot ko na kaso bigla akong binabaan."

"Ah, sige, ako nalang tatawag do'n. Magbibihis muna ako."

"Okay hihintayin nalang kita rito." Inabot ko sa kanya 'yung cell phone niya tapos umalis na siya.




CRYSTAL'S POV

Nagriring na 'yung phonenung unknown number na tumatawag sa akin kanina. Tinatawagan ko siya. "Hello?"ani ko. Pinapakiramdaman ko 'yung paligid niya.

"Ma'am Crystal?"

"Jelly?" bigkas ko nang makilala ko ang boses niya. Siya 'yung P.A ni Ozu. "Hi.Kumusta? Napatawag ka?"

"Ma'am Crystal, si Sir Ozu po kasi may dinala po siyang babae ngayon dito sa office niya."


"What?"

Sa gulat ko bigla kong naibaba 'yung cell phone ko at dali-dali akong nagbihis. At pagkatapos ko namang magbihis nagmadali agad akong lumabas ng company. Naiwanan ko na si Balat do'n nang hindi nakakapagpaalam sa kanya. Habang naglalakad ako halos mabangga ko 'yung mga taong nakakasalubong ko.

P-Paanong nangyari 'to? May babae nga talaga si Ozu?

Kaagad akong sumakay ng kotse ko at nagmadaling pinaandar 'to dahil gusto kong maaktuhan 'yon. Gusto kong makasigurado. Gusto kong ako mismo ang makakita.



NANA'S POV

Agad kong ibinaba 'yung phoneko nang tawagan ko 'yung Pangit na 'yon. Nang mapatingin naman ako kay Ozu nanakahiga ngayon sa sofa dahil nilagyan ko ulit ng pampatulog 'yung inumin niya,tulog na tulog siya. Napangisi tuloy ako.

Pinagmamasdan ko lang ngayon ang mukha niya. "Alam mo Ozu, sayang lang 'yungkaguwapuhan mo kung do'n ka lang talaga sa retokada na 'yon mapupunta. I'm surepagpipyestahan na nang buong media ang pagkatao ng asawa mo bukas," sabay tawako. "At siyempre, pagseselosin muna natin siya ngayon," napangisi ulit ako.

Nang titigan ko naman ngayon ang buo niyang katawan napakagat ako ng bahagya sa ibabang bahagi ng labi ko. Ngayon naman kasi, sinimulan ko ng gumapang sa ibabaw niya. Tinanggal ko isa-isa 'yong butones ng polo niya.







Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!💕

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon