Chapter 65

49.1K 1.5K 102
                                    

Chapter 65


CRYSTAL'S POV

Nakakaexcite 'tong games. Lahat kami ngayon nakatingin sa pag-ikot ng bote. Siyempre kinakabahan din ako kasi puwede rin namang may ipagawa sila sa aming kalokohan ni Ozu kahit mag-asawa na kami.

Nang bigla nang huminto ang bote.

"Darren," sambit ni Ate Mimi sabay tinginan namin kay Darren.

Napa aww siya kasi nga siya 'yung unang natapatan ng bote. Tapos si Ate Mimi iba 'yung mga titig niya, parang may binabalak siya.

"Ako ang magbibigay nang unang utos," hayag niya kaya lahat kami napalunok. Kinakabahan kami kapag ganyan siya. Nagkatinginan tuloy kami sa isa't-isa.

"Pero bago ko sabihin 'yung akin, gusto ko lang ipaalam sa inyo na, kung ano ang dare ng isa, ayon na rin ang dare ng mga susunod na tatapatan ng bote. Gets?" tumango nalang kami.

Ibig sabihin nitomagbibigay na sila ng utos na pinakamatindi.


"Matutulog kayo ngayong gabi ni Sophia sa iisang kwarto."


"Ha?!" sabay naman na sabi nina Darren at Sophia. Napatayo pa nga sila sabay tinginan nila sa isa't-isa.


"B-Bakit 'yon?!" bulalas ni Darren.

"Bakit ako napasama?" angal naman ni Sophia.

"Umupo kayong dalawa. Dare nga 'di ba? Sige, ikaw na Ezikiel," sagot ni Ate Mimi.

Wala nang nagawa 'yung dalawa kaya kita naming napapikit ng mariin si Darren habang napaiwas naman ng tingin si Sophia.

Pagkatingin naman namin kayEzikiel kakaiba rin ang mga tingin niya. Para rin siyang may binabalak.

"Kiss her in her lips in 20 minutes."


"What?!" kaya nagulantang na naman 'yung dalawa.

"T-Teka! Bakit ganyan 'yung mga utos?" natataranta na sabi ni Sophia. Bakas sa mukha niya 'yung tensyon.

"Again, ang utos ay utos kaya maupo na ulit kayong dalawa at walang magrereklamo. Ikaw naman Zyren,"

Nagkatingin na kami ngayon kay Zyren. "Ehem... amh..." Nag-iisip pa siya.

Parang may kinukulbit si Darren sa kanya.

"Okay, since walang sinabi si Ate Mimi na ngayong gabi lang sila matutulog ng magkasama, sa akin, may oras 'yon. Pagtuntong ng twelve midnight, matic puwede na silang maghiwalay ng kuwarto." Matapos 'yung sabihin ni Zyren parang napatitig sa kanya si Ate Mimi. Tapos ito namang si Darren tuwang-tuwa siya kaya nakahinga naman ng maluwag si Sophia.

"Okay, tanggap ko," walang pag-aalinlangan na sagot ni Ate Mimi.

Si Ozu na ang susunod na magbibigay ng parusa kaya nakatingin na kaming lahat ngayon sa kanya.

"Since three days tayo rito, three days din gagawin 'yung utos."

Dissagree na nagkatinginan sina Darren, Zyren, Sophia at Ehdrey sa sinabi ni Ozu. Samantala sina Ate Mimi at Ezikiel tuwang-tuwa sila. Nagthumbs up pa nga si Ezikiel sa kanya.

"Hala! Ang tagal naman," sumabat na si Ehdrey.

"Walang magrereklamo. Gagawin n'yo ang utos."

Pagkasabi no'n ni Ate Mimi sabay hinampas nina Darren at Zyren si Ozu sa braso.

"Hay! Ano ba? Dare nga 'di ba," cool niyang sabi.

"Tch! Palibhasa asawa mo na si Crystal kaya okay lang sa 'yo kung ikaw ang gagawa ng mga utos nila. Humanda ka talaga sa amin pagkatapos nitong three days," pagbabanta ni Darren.

"Sige lang." pang-aasar naman ni Ozu.

"Oops! Tigil na. Si Crystal na ang mag-uutos," ani Ate Mimi kaya nakatingin naman ngayon silang lahat sa akin.

"Ahm..." Nag-iisip pa ako.

"Crystal, walang kaibi-kaibigan, ha? Tignan mo si Ozu," turan ni Ate Mimi kaya tumango nalang ako. Si Ate Mimi talaga.

"Sige, isayaw mo nalang ng sweet dance si Sophia in twenty minutes."

Nahiya akong tumingin kay Sophia na parang sinasabing sorry tapos sabay laki naman ng mga mata niya sa akin na parang sinasabing bakit 'yon?

"Okay, sweet dance, ha? As in sweet, it means, halos magkayakap na kayo." pagpapaliwanag naman ni Ate Mimi at may diin pa talaga 'yung word na sweet kaya 'di na maipinta 'yung mukha ni Sophia.

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon