Chapter 72
SOPHIA'S POVMabilis lumipas ang oras. Last day na namin dito sa Tagaytay kaya nag-impake na ako ng mga damit ko nang biglang may kumatok sa pinto kaya napalingon ako ro'n. Ang usapan kasi alas-singko pa ng hapon aalis e alas-tres pa lang naman ngayon.
Binuksan ko ang pintuan baka kasi si Ate Mimi 'yon ngunit si Darren ang bumungad sa akin dito. Napalihis tuloy ako ng tingin. Bakit ba kasi ang guwapo niya? "Ahm... ano... pasok ka," alok ko sa kanya habang palihim na kinikilig.
'Wag kang magpahalata, Sophia!
Wala pa namang malinaw na usapan kung ano na bang status meron kami. Nung first day lang kasi namin dito saka pa lang kami nagkabati.Kahit naman magkatabi kaming natutulog in three days wala naman kaming ginawa kundi ang mag—okay kiss lang naman.
Umupo siya sa kama ko kaya sumunod ako. "Amh, pasensya na nagliligpit kasi ako ng mga damit ko," sabi ko sa kanya sabay kuha ng mga damit ko at inilagay ko 'yon sa bag na dala ko.
"Uh! Tutulungan na kit—" Naputol 'yung sasabihin niya nang bigla niyang mahawakan 'yung kamay ko nang hindi sinasadya. Nagkailangan tuloy kaming dalawa. Napalihis pa nga ako ng tingin.
"Ah, a-ako nang gagawa niyan," ani ko. Mga damit ko naman kasi 'yon. "Okay lang Darren," dugsong ko pa.
Nang bigla siyang tumayo at pumunta sa likuran ko. Kinakabahan naman ako kasi ano bang gagawin niya sa likuran ko? Napalunok tuloy ako. Pinapakiramdaman ko kung may gagawin ba siya sa akin pero mukhang wala naman. Nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya.
"Sophia..." bigkas niya.
"B-Bakit?" Bahagya akong nautal. Hindi ko pa rin siya nililingon.
"Sa pangalawang pagkakataon... gusto lang kitang tanungin. Would you be my girlfriend?"
Biglang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko matapos niyang sabihin 'yon. Ito na naman ang puso ko—nag-iingay na naman siya. Ibig sabihin, nagco-confess ulit siya sa akin ngayon.Kinikilig tuloy ako na parang gusto ko nang lumipad sa kinatatayuan ko ngayon.
Nang bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko at pumunta siya sa harapan ko.
Pinagmumulahan ako ngayon habang nakatitig sa kanya.
"Do you love me?" Sa tanong niyang 'yon tumango lang ako. Hindi ako makatingin sa mga mata niya ngayon ng deretso. "Then, would you be my girlfriend?" Ngumiti muna ako. "A-Anong ibig sabihin ng mga ngiti mong 'yan?" Napangiti rin siya.
Siguro hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ayoko na kasi sana siyang pahirapan dahil mahal ko na rin naman talaga siya. Ayoko nang pakawalan ang isang Darren Min.
"Yes." Sagot ko sabay lihis ng tingin.
"YES!" Sigaw naman niya nang mapagtanto ang sagot ko. Napayakap siya akin ng mahigpit kaya napangiti ako. "Wohoo! Girlfriend ko na siya! Girlfriend ko na si Sophia!" Halos lumundag siya sa tuwa.
"Uy Darren! Ano ba? 'Wag ka namang sumigaw." Inaawat ko siya kasi nga ang ingay ingay niya talaga. Mamaya marinig siya ng mga kasama namin. Aasarin ako no'n ni Best friend.
"I-I'm sorry, hindi ko lang mapigilan 'yung saya ko. I love you. I love you Sophia Zamora, mahal na mahal kita!" sabi pa niya at muling yumakap sa akin at hinigpitan niya 'yon.
"Oo na, mahal na mahal din naman kita," pagkasabi ko no'n bigla niyang nilapit 'yung mukha niya sa mukha ko. Magkasandal 'yung pareho naming noo at nose-to-nose niya ako. Magkatitigan kami habang nakangiti sa isa't-isa."Simula ngayon hindi na kita pakakawalan pa," sabi niya kaya tumango naman ako. Mabilis kong naramdaman na hinalikan na pala niya ako kaya tinugunan ko na rin 'yon.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Dla nastolatkówBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle