Chapter 49
Author's Reminder: Pagpapahingahin ko po muna ang PangZu hanggang ilang chapter lang naman po. But don't worry babalik din sila. Sa ngayon, DaPhia & ZyMae muna ang magpapakilig sa inyo.
------------------------------------------------------
BALAT'S POV
Naluluha akong nakaharap ngayon kay Crystal. Nandito kami sa Airport dahil paalis na sila ni Ozu papunta ng Paris. Magkahawak kamay lang kami ni Best friend habang kinakausap ni Ozu ang mga King at sina Ate Mimi.
"Best friend," Naluluha ako. "hanggang kailan ba kayo ro'n?" ani ko.
"Ano ka ba? Papunta pa lang kami," biro niya.
Tumango ako. "Kung saan ka masaya Best friend, suportahan taka."
"Ano ka ba! Nandiyan naman sina Ate Mimi at Ate Mini saka ang mga King. 'Wag ka nang malungkot diyan."
"Mamimiss kasi kita, e."
"Mamimiss din kita. Pero magcha-chat naman tayo palagi 'di ba?" Tumango ulit ako. Lumapit si Ozu sa amin.
"Ozu, ingatan mo na 'tong Best friend ko, ha? Kapag may mangyari pa sa kanyang hindi maganda pepektusan na talaga kita." Natawa lang siya sa sinabi ko.
"Oo naman. Makakaasa ka, Balat," aniya."O siya, lakad na. Mauna na kayo, five minutes nalang ang natirira ninyong oras kaya pumasok na kayo sa loob," ani Ate Mimi kaya tumalikod na sila. Ang lungkot ko talaga.
"Best friend, mag-ingat kayo, ah!" Pahabol ko pa. "Ozu, ingatan mo 'yan si Best friend!" sigaw ko ulit sabay nagthumbs up naman si Ozu sa akin.
Mga isang minuto rin ang itinagal ng pagtingin namin sa kanila bago sila tuluyang makapasok sa loob.
"Ayos! Mukhang makakabuo na ulit sila," masayang sambit ni Ate Mini. Masayang-masaya ang mga Ate ni Ozu at ang mga King. Kung sabagay dapat maging masaya na rin ako para kay Best friend. Hindi pa naman huli ang lahat, makakabuo pa sila niyan.
"Balat, may pupuntahan pa nga pala kami ni Mini, baka hindi ka na namin maihatid sa inyo. May biglaang appointment lang kami. Mag-iingat ka, ha? Bye!" Pagkatapos nilang magpaalam at makipagbeso sa akin itong dalawang King nalang ang natitira ngayon rito—sina Zyren at Darren.Wala si Ezikiel kasi may problema pa nga sila ni Moira. Isa pa, hindi naman sila nagkikibuan ni Ozu dahil nga sa pangyayari. Pero sana magkaayos na sila dahil wala namang kasalanan si Ezikiel sa pangyayari kundi si Moira lang at Nana.
Naglakad na ako palayo nang tawagin ako ng dalawang King. Kasama ni Zyren 'yung babae niya sabagay dakilang playboy siya. Samantala si Darren nag-iisa.
"Gusto mo bang sumabay sa amin?" anyaya ni Zyren sabay napatingin naman si Darren sa kanya na parang sinasabing 'wag mong sabihin na sa akin siya sasabay sabay tapik ni Zyren sa kanya tapos no'n umalis na sila ng babae niya.
"O, ano? Tatayo ka nalang ba diyan?!" sigaw ni Darren sa akin.
"Kahit hindi naman ako sumabay sa 'yo 'no! May taxi kaya rito!" pagsusungit ko.
Siguro nung unang pagsakay ko sa kotse niya noon, pakitang tao niya lang sa akin 'yon. Akala ko naman ang gentleman niya. Hindi pala.
"Mauna ka na! 'Di ako sasabay sa 'yo!" Malayo kami sa isa't-isa kaya nilalakasan namin boses namin.
"Ikaw ang bahala!" Tinalikuran na niya ako.Tignan mo 'yon, kung gusto niya talaga akong isabay pipilitin niya ako. Napakasalbahe niya. Walang puso! Padabog akong tumalikod.
"Sumabay ka na kasi, wala kang masasakyan diyan." Pero nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at hawakan sa pulsuhan ko.Akala ko ba hindi niya ako isasabay?
"T-Teka! Easy ka naman sa paghilasa akin, nasasaktan ako."
"Mas maganda nang higpitan, baka kasi mamaya, mawala ka pa." Aniya habang patuloy akong hinihila. Hinawi ko naman 'yong buhok ko sa tainga sabay ngiti. Kinikilig ako!
Pagpunta namin sa parking lot, "Dre, mauna na ako, ikaw ng bahala kay Balat." Kinindatan ako ni Zyren kaya kinilabutan ako. Tumango naman si Darren sa kanya tapos pinaharurot na niya 'yong kotse niya sakay 'yong panibago niyang babae."Oh? Sumakay ka na rin," anyaya ni Darren sa akin. Nanlaki mga mata ko dahil nakasakay na pala siya tapos ako nakatayo pa rito. "Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko na hindi ka marunong magbukas ng pinto nito," mapang-asar niyang sabi kaya nginisian ko siya.
Pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto sumakay na rin ako. Pero 'yung pagkabit naman ng seat belt ngayon ang pinoproblema ko. Gustong-gusto ko na 'tong sirain. "Ay oo nga pala, hindi ka rin marunong magkabit niyan, akin na!"
Nang ikabit niya 'yung seatbelt ko na amoy ko talaga 'yung mabango niyang buhok at pabango. Naloloka talaga ako sa tuwing malapit siya sa akin."Hey! Ang sabi ko, kumapit kang mabuti dahil mabilis akong magpatakbo ng kotse ko kapag nasa highway."
"Ha? Ah, sige," bumalik ako sa ulirat ko.
*****Ilang minuto pa ang lumipas, halos mapapikit ako ngayon habang mahigpit na nakakapit sa seat belt. Hindi nga siya nagbibiro, papunta na yata kami sa langit ngayon dahil sa sobra niyang bilis magpatakbo.
Isa pa, 'yung tugtog niya para siyang sinasapian.
"Puwede bang pakipatay ng tugtog mo?!" Naririndi na talaga ako.
"Ha? Hindi kita marinig! Pasensiya na!" Dalang-dala siya ro'n sa tugtog niya. Nakakaloko mga ngiti niya."Buysit! 'Di nalang sana ako sumabay sa kanya," pabulong kong sabi. Kung alam ko lang na mamamatay ako ng wala sa oras ngayon 'di nalang sana talaga ako sumabay sa kanya.
Napapikit pa ako ng husto dahil mas lalo pa niyang pinaharurot 'yung pagpapatakbo. Hyper na hyper talaga siya.Nang bigla akong tumalsik sa unahan ng kotse niya nang bigla niyang ihinto itong sasakyan. Halos dumikit ang mukha ko sa front mirror. Mukhang papatayin talaga ako nitong lalaking 'to.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle