Chapter 42

48.6K 1.5K 37
                                    

Chapter 42



Kinabukasan...

MOIRA'S POV

Nagkalat ngayon sa iba't-ibang social media at news tv ang pangyayari kay Crystal bukod pa sa pagkatao niya, pagpaparetoke, pagbubuntis niya at pagkamatay ng anak nila ni Ozu na kami ang dahilan at ikinasangkot namin ni Nana.

Nandito kami ngayon ni Nana sa harapan ng mga media. Sa dami ng flash nang camera nasisilaw ako. Kinakabahan din kami dahil nakabantay sa amin si Ate Mimi ngayon.

Napapalunok nalang ako sa takot na baka sa oras na maikumpirma nilang kami ni Nana talaga ang may kagagawan nang lahat, sigurado akong mag-iiba na ang tingin sa amin ng mga tao.

Nagkatinginan muna kami ni Nana at oo inaamin kong nangigilid na rin ang mga luha ko lalo na nang mag-umpisa na ang interview.

"Miss Moira and Miss Nana, kayo raw po ang nagpakalat tungkol sa maling impormasyon na retokada si Miss Crystal Kim na sa kasalukuyang kritikal ang kundisyon ngayon sa ST. Joseph Hospital?" tanong ng unang reporter.


Napalunok naman ako. Hindi ko rin maibuka ang bibig ko pero nakita kong nanlilisik ang mga mata ni Ate Mimi sa amin habang nakatingin ito sa dereksyon namin kaya napaiwas ako at wala nang nagawa pa. Bigla akong pinagpawisan.

"Uh, t-totoo po," nautal kong bunyag. Agad namang nag-react ang mga fans.

"Miss Moira, bakit n'yo po naisipang siraan si Miss Crystal Kim sa kabila ng pagiging magkaibigan n'yo dahil magkaibigan din ang long-time boyfriend n'yong si Mr. Ezikiel Tan at ang husband niyang si Mr. Ozu Kang?"

"Ha? H-Hindi naman sa gano'n. Ahm, hindi naman namin siya siniraan. T-Talagang akala lang namin na retokada siya," pagpapaliwanag ko.

"Eh,'yung tungkol po sa bali-balitang kayo raw po ni Miss Nana ang dahilan kung bakit nawala ang baby nila Miss Crystal at Mr. Ozu Kang totoo po ba 'yon?"

"Ha? K-Kasi..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"Miss Nana, ano pong masasabi n'yo tungkol dito ngayong marami po pala ang nakakuha sa inyo ng video at nagkalat na ito ngayon sa social media 'yung nangyaring pagtulak n'yo ni Miss Moira kay Miss Crystal?"

Sa pagkakataong 'to si Nana naman ang tinanong nila na halos hindi rin niya alam kung anong isasagot niya. At dahil hindi kami makapagsalita sunod-sunod pang mga tanong ang pinakawalan ng mga reporter sa amin.

"Totoo rin po bang hindi na matutuloy ang kasal ninyo ni Mr. Ezikiel Tan dahil sa nangyari?"

"Hiniwalayan daw po kayo ni Mr. Ezikiel? Pakisagot naman Miss Moira."

"Kayo rin daw po Miss Nana hihiwalayan na rin daw po kayo sa bali-balitang Boyfriend n'yo na si Mr. Darren Min?"







*****

St. Joseph Hospital.

DARREN'S POV


Nandito kami ngayon ng mga King sa isang kuwarto habang pinapanuod sa TV ang interview kina Moira at Nana nang biglang patayin ito ni Ozu siyang dahilan para mapatingin kami sa kanya.

Bumalik siya sa kinauupuan niya at nakapikit lang habang si Ezikiel, tila namomroblema at hindi sila nag-iimikang dalawa.

Nagkatinginan nalang kami ni Zyren sabay napabuntong hininga. "Ezikiel, gusto mo bang magcoffee sa labas?" anyaya ko sa kanya na agad niyang ikinasama sa akin.

Samantala nagkatinginan muna kami ni Zyren. Siya ang bahala kay Ozu at sa akin naman si Ezikiel. Kailangan kami ng mga kaibigan namin.

*****

INABUTAN ko siya ng coffee nang balikan ko siya rito sa waiting area. Pareho kaming nakaupo ngayon dito sa bench. Alam kong masakit 'yung nangyari sa kanya, sa kanila ni Ozu. Tumabi ako sa tabi niya at tinapik siya.

"Dre, give up on Moira," agad siyang tumango. "I just do the same for Nana. They need to realize what they have done," tahimik lang siya at 'di nagsasalita. Pareho lang kaming nakatingin sa tanawin.

Mayamaya pa, nakita kong umiiyak na siya. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam ko naman kung gaano niya talaga ka mahal si Moira dahil sa tagal na rin nang pinagsamahan nilang dalawa.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya bilang kapatid. "Let her go, Dre." Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi ko. Pero ito ang alam kong makakabuti para sa lahat.




ZYREN'S POV

'Di siya umiimik. Nakaupo lang siya at nakapikit ang mga mata. "Ozu," bigkas ko nang tumabi ako sa tabi niya. "Why are you still ignoring Ezikiel?" I asked him pero hindi niya ako kinikibo.

Napailing nalang ako dahil alam ko namang hindi siya makakausap ng matino kapag ganyan siya. Sa tingin ko naman hindi siya galit kay Ezikiel kundi sa pangyayari lang at kay Moira.

Napatingin naman ako sa pinto nang biglang may kumatok—si Balat pala. Pumasok siya rito. "Ozu, puwede na raw makita ngayon si Crystal. Nasa room 131 siya." agad umalis si Ozu nang hindi kami nililingon matapos 'yung ibalita ni Balat sa kanya.

Nagkatinginan nalang tuloy kaming dalawa ni Balat sabay iling ko.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon