Chapter 74
SOPHIA'S POV"Dre, dito nalang kami ni Sophia," sabi ni Darren kay Ozu.
Pababa na kami ng sasakyan.
"Best friend, mag-ingat kayo ni Darren, ha? Magkita ulit tayo sa susunod na araw." Nagbeso-beso kami ni Crystal at Ate Mimi. Nagkamayan naman sina Darren at Ozu.Nakatingin nalang ako ngayon sa lumalayo nilang sasakyan nang magtaka akong dito kami sa Mall bumaba ni Darren.
"Darren, anong gagawin natin dito?"
"Ipapakuha ko 'yung kotse ko. Hintayin lang natin dito. Sandali lang, tatawagan ko lang 'yung driver ko." Nakatingin lang ako sa kanya ngayon habang may kausap siya sa phone.Ihahatid niya yata ako pauwi sa amin.
Hanggang sa dumating na nga itong sasakyan niya sakay nung driver niya.
Siya iyong magmamaneho dahil pinagcommute niya 'yung driver niya.
Nang ikabit niya 'yung seat belt ko nagulat ako nang may kasama na iyong paghalik sa labi ko. Pinagmulahan tuloy ako.
Dati naman kasi hindi kami ganito sa tuwing kakabitan niya ako ng seat belt. Nagkakailangan pa nga kami noon o kaya naman inaasar niya ako.
Habang nagmamaneho siya nagkukuwentuhan lang kaming dalawa. Napakasarap talaga niyang kasama. Hindi ka maboboring dahil palagi siyang may joke na dala. 'Yun nga lang bigla-biglang nanghahalik. Mabuti nalang gusto ko rin naman 'yon.
Hanggang sa matagal na kami sa biyahe parang nagtataka ako dahil parang hindi naman ito 'yung daan papunta sa amin."Darren, saan papunta 'to?" nagtanong na ako.
"Just wait, Beb," nakangiti niyang sabi."Beb?" curious ko namang bigkas. Napatingin ako sa kanya.
"Yup, from now on I will call you Beb." Bigla akong kinilig sa sinabi niyang 'yon. May call sign na kami tapos siya pa 'yung nag-isip. Nakakatuwa lang. "Here we go," sabi niya sabay pasok namin sa isang malaking bahay.Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan.
Hindi ko maiwasang hindi magpalinga-linga ngayon habang naglalakad kami dahil hindi ko alam kung kaninong bahay 'to.
Nang makalapit kami sa pool nagulat ako nang makita ko ang pamilya ko na naliligo ro'n.
Sandali akong napahinto sabay turo sa kanila. "W-Wooy!" turan ko. "A-Anong ginagawa nila rito, Darren?"
Tumingin siya sa akin habang nakangiti. "Hindi ba't may usapan kayo ni Ate Mimi na bibigyan ka niya ng bahay? Ito na 'yon! Actually, ako ang may-ari nito. Isa 'to sa property ng pamilya ko at pinilit ko si Ate Mimi na dito nalang kayo patirahin. Pero siyempre hindi ako nagpabayad."
"A-Alam mo ang tungkol do'n, Darren?"
"Hindi Darren, Beb ang itawag mo sa akin,"
"Oh, e 'di, Beb. Alam mo nga ang tungkol do'n, Beb?"
"Isa ako sa mga King ano ka ba!""Anak! Ate!" Napalingon naman ako sa dereksyon ng pamilya ko sabay takbuhan nila papalapit sa amin.
"Aaah! 'Wag kayong lalapit sa akin, basa kayo!" anas ko.
"Anak!"
"Ate! Wohoo! Mayaman na tayo!"
Ano bang sinasabi niya? Nakakahiya kay Darren.
"Tay, Nay, mano po. Bunso, apir!" Napanganga ako sa ginawa ni Darren sa kanila.
"C-Close kayo, Beb?" Agad siyang tumango tapos itong tatlo naman sabay-sabaynilang binigkas 'yung "Beb?"
"Ah, Nay, Tay, Bunso, girlfriend ko na kasi siya."
"Talaga? Sa wakas! Nagkaroon na rin ng boyfriend itong dalaga ko at dahil sa 'yo'yon ijo, kaya maraming salamat." Niyakap siya ng Tatay ko pero todo iwas dinsiya kasi nga basa sila.
"Kuya Darren, ibig sabihin may kuya na talaga ako, ha," sabat naman ni Bunsokaya agad tumango si Darren. Tapos nag-apir ulit silang dalawa. Magkasundo agadsila.
"Darren, ijo, salamat pala sa bahay, ha? Naku! Napakaganda rito at anglaki-laki pa," wika ni Nanay.
"Oo nga, ijo, saka sana ikaw nalang ang mapangasawa nitong anak ko," ani Tataysabay tawa nila ni Nanay kaya pinanlakihan ko sila ng mata."Kuya buntusin mo na lang kaya si ate para di na kayo magkahiwalay." Pagkasabi nito ni Bunso bigla kong tinakpan yung bibig nya.
Nang mapatingin naman ako kay Darren nagbublush siya tapos sila Nanay at Tatay tila napanganga."Ahaha! 'Wag mong intindihin 'yung sinabi ng kapatid ko, Beb," sabi ko sabay laki ng mga mata ko sa kapatid ko.
"Oh siya, pumasok na tayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng makakain n'yo," sabi ni Nanay kaya nang makapasok kami sa loob agad na nagbihis silang tatlo.
Tapos si Nanay naghanda siya ng meryenda habang kami ni Darren nilibot muna namin 'yung bawat sulok ng bahay.
"Ah, Darren, mas—"
"Beb, hindi Darren," putol niya sa sasabihin ko.
"S-Sabi ko nga e Beb." sabay nagpeacesign ako. Hindi pa naman kasi ako sanay.
"Ano nga 'yung sasabihin mo?"Bigla kaming napahinto sa paglalakad. Nandito kami malapit sa magiging kuwarto ko raw pero hindi pa kami tuluyang nakakapasok sa loob. Nandito pa lang kami sa pinto.
"I mean, masyado yatang malaki 'tong bahay para sa amin. Isa pa, pamana sa 'yo 'to ng parents mo bakit dito mo kami patitirahin?"Bigla siyang napangiti sa sinabi ko tapos no'n hinawakan niya 'yung dalawa kong kamay tapos hinila niya ako papasok sa magiging kuwarto ko.
Hindi niya sinagot 'yung tanong ko.
Pagpasok namin sa loob nagulat naman ako at napaluha sa mga nakita ko dahilan para yakapin ko siya.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle