Chapter 37
EZIKIEL'S POV
Nandito ako ngayon sa isang boutique para sunduin si Moira dahil namimili na siya ngayon ng gown niya kasama si Nana. Nang bigla namang tumawag si Darren at sinabi niya sa akin ang tungkol sa kumakalat na balita ngayon tungkol sa totoong pagkatao ni Crystal.
Pero nakakapagtaka lang at may nagpakalat no'n. Pinanatili naman naming lihim ang lahat ng tungkol do'n.Bago ako makipagkita sa mga King pupuntahan ko na muna si Moira para ipaalam sa kanyang babalikan ko nalang ulit siya rito.
MOIRA'S POV
"Moira, ang daming magagandang gown ang bagay sa 'yo rito," turan ni Nana.
"Oo nga. Hindi ako makapamili," ani ko. Nang bigla naman kaming nilapitan ng isang gay na designer. Hindi siya 'yung may-ari ng boutique pero alam naming kaibigan niya 'yon.
"Hi!" bati niya kaya napatigil kami sa pamimili ng gown at in-entertain namin siya. "Hindi ba't ikaw si Miss Moira Ko at ikaw si Miss Nana, 'yung mga sikat na model?" Tumango nalang kami habang nakangiti sa kanya.
"Nabalitaan n'yo na ba 'yung totoong pagkatao ni Miss Crystal Kim? Hindi ba asawa siya ni Mr. Ozu Kang 'yung best friend ng long time boyfriend mong si Mr. Ezikiel Tan, Miss Moira? Retokada raw 'yon? Totoo ba?"Natawa kami ni Nana dahil sa mga narinig namin mula sa kanya.
"Oo, totoo 'yon. Kailan lang din namin nalaman." Nana.
"Talaga? Oh my gosh! Kung gano'n, fake lang ang ganda niya? Siya pa naman din 'yung number one ngayon sa ranking ng Modeling Industry sa Shining Company 'di ba?"
"Yup.""Ay, naku! Nakakahiya 'yon."
Sa sinabi niyang 'yon tumango-tango nalang kaming dalawa bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
"Sige, salamat sa information. Ipapakalat ko 'yung totoong balitang 'yan," dugsong pa niya kaya lalo kaming nagkangitian ni Nana.
"Sure. Aasahan namin 'yan ah," ani ko.Pagkaalis nung gay nag-apiran kami ni Nana sabay tawa.
"Grabe, mas lalong sumisikat ngayon 'yung Pangit na 'yon."
"Kaya nga. Tama lang siguro na malaman na 'yon ng lahat dahil ang tagal na pala niya tayong niloloko, 'di ba? Tama lang 'yung ginawa natin."
"Yup!"
"Moira? Nana?" Nagulat kami nang boses iyon ni Ezikiel kaya agad namin siyang nilingon."E-Ezikiel?" Gulat kongbigkas.
Sana hindi niya narinig 'yung mga napag-usapan namin ni Nana. Halos mapayukonaman si Nana ngayon dahil kakaiba ang mga tingin sa kanya ni Ezikiel. Mukha siyanggalit."N-Narinig mo ba 'yong... napag-usapan namin?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot, kundi, bigla siyang umalis kaya hinabol ko siya. "Ezikiel! Sandali!" Sigaw ko. Bakit kailangan pa niyang marinig 'yon?
"Ezikiel! Please, wait for me!" Hinawakan ko siya sa braso niya nang maabutan ko siyang papasakay sa kotse niya."Ezikiel, mag-usap tayo! Please, please!" Halos magmakaawa ako sa kanya at kung kailangan kong lumuhod gagawin ko dahil baka mamaya maisipan niyang hindi ituloy ang kasal naming dalawa. "Please, Ezikiel, kausapin mo ako!" Nagkanda-iyak ako sa pagmamakaawa ko sa kanya.
"Don't touch me! How did you do that, Moira?!" sigaw niya sa akin pero hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya."Bakit mo sinisiraan si Crystal?! Hindi totoo 'yung balitang 'yon! Don't tell me, ikaw ang may kagagawan nang lahat ng 'to?"
"B-Babawiin ko. Ipapakalat kong hindi totoo 'yon. Please, 'wag ka nang magalit sa akin!"
"So, ikaw nga ang may kagagawan no'n?! This is stupid, Moira! Why did you do that? Bakit ka nagpakalat ng maling impormasyon?!"
"K-Kasi 'yung I.d na nakita ko nung nag-inuman tayo sa Restobar last week, nasa cr kami no'n pareho. Walang ibang pumasok do'n kundi kaming dalawa lang."Nagmadali akong kuhain 'yung I.d sa bag ko.
"I-Ito 'yung I.d. Si Melanie 'yan 'yung dating binubully ng mga King. P-Palagay ko si Crystal at Melanie ay iisa. Isa pa, inutusan ko 'yung detective ko na alamin ang totoo. Doon ko nalaman na hindi nagkakamali 'yung kutob ko."
Halos mataranta ako sapagpapaliwanag ko sa kanya.
"Iisa lang talaga silang dalawa, maniwala ka sa akin Ezikiel. Pinapaikot langkayo ng Pangit na 'yon lalo na si Ozu! Please, please! Maniwala ka sa akin!"Lumuhod na ako sa harapan niya at nakahawak ako ngayon sa mga binti niya. Sananaman maniwala siya sa mga paliwanag ko."Sa ginawa mong 'to Moira, hindi ko gugustuhing pakasalan ang babaeng katulad mo!" Pagkasabi niya no'n unti-unti lumuwag 'yong pagkakakapit ko sa binti niya.
Sumakay na siya ng kotse at tuluyan na siyang umalis habang naiwanan naman ako ritong mag-isa habang nakaluhod sa lupa.Unti-unti namang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Nilapitan naman ako ni Nana para alalayan ako pero hindi 'yon ang kailangan ko, kundi si Ezikiel. "Hindi!" sigaw kong malakas.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle