Chapter 10
Dahan-dahan kong binuksan 'yung pintuan dahil kanina pa ako nakatok hindi naman siya sumasagot.Pagpasok ko sa loob natutulog pala siya kaya nilapitan ko na. Umupo ako sa tabi niya habang nakangiting pinagmamasdan ang kabuuan nang mukha niya.
At nang makita ko naman na nilalamig siya kinumutan ko siya.Nang pagmasdan ko naman ang buong kapaligiran ang daming nagkalat na mga damit namin dito kaya naisipan kong ligpitin 'yon.
CRYSTAL'S POVNaupo ako sa kama nang magising ako. Napakasarap ng tulog ko rito nang mapagtanto kong wala na 'yung mga damit namin ni Ozu na kanina ko pang nililigpit.
Nagmadali akong hanapin ito kung saan lalo na sa aparador nang sa pagbukas ko nito, nagsambulat lahat ng mga damit namin at nabalewala lahat ng mga pinaghirapan ko kanina dahil hindi maayos ang pagkakalagay no'n.
Masama kong tinignan ang mga damit habang nasa isip ko si Ozu. Sigurado akong may kinalaman siya rito.
Nang bigla akong may marinig na sumisigaw mula sa ibaba kaya nagmadali akong tumakbo pababa.
OZU'S POV
Nakakainis magprito ng itlog dahil ayaw magpaluto! Mababaliw na ako sa gutom. Nandito ako sa harapan ng kalan at sinubukan kong magluto pero ang hirap talaga.
Naglagay na ako ng kung ano-ano rito sa katawan ko at sa mukha ko para lang hindi ako matalsikan nitong stupid oil na 'to.Pero halos maubos ko na 'tong isang tray ng itlog dahil hindi ko talaga ma-perfect 'yung pagluluto ko. Nasasayang lang dahil kung hindi ito gutay-gutay, nasusunog naman.
"Damn it! Gutom na ako!" sigaw ko ng malakas.
"Ozu Kang! Bakit ang lakas ng apoy?!"Dumating si Pangit at dali-dali siyang pumunta rito sa harapan ng kalan at pinatay niya 'yon.
"Ano ka ba! Susunugin mo ba 'tong bahay natin?" Nagalit siya kaya napayuko nalang ako at 'di na umimik pa.
CRYSTAL'S POV
Nagulat din ako sa inasta ko nang makita kong napayuko na lang si Ozu at 'di na umimik pa. Nakonsensiya tuloy ako.
Nakalimutan kong wala naman siyang alam sa pagluluto.
"Sana ginising mo ako," mahinahon na ako ngayon sa pagsasalita. "Nagugutom ka na ba?" tanging tango lang ang isinagot niya.Naaawa tuloy akong tignan siya. May mga talsik siya ng mantika sa mukha at ibang bahagi ng katawan niya kahit pa may kung ano-ano na siyang nilagay do'n.
Dahil sa pangyayari naisipan ko na siyang ipagluto ng mga paborito niyang pagkain. Pasulyap-sulyap siya sa akin habang busy ako rito sa kusina.
Nang matapos ako hinain ko na iyon sa harapan niya kaya magkatapat na kami ngayong dalawa. Ang nakakatuwa lang do'n para siyang bata na tuwang-tuwa.
"Puwede na ba akong kumain?" sabik niyang pagkakasabi kaya tumango agad ako.
"Oo naman," nakangiti rin ako sa kanya.Gutom na gutom talaga siya kaya naaawa ko siyang pinagmamasdan. Pero ang sarap niyang tignan habang kumakain kaya napangiti ako ng husto.
"Pangit," aniya habang hindi malunok-lunok 'yung kinakain.
"Teka, kukuhaan kita ng tubig," agad akong kumuha ng tubig at binigay ko agad sa kanya 'yon. "Kapag kumakain ka 'wag ka na munang magsalita," pangaral ko sa kanya kaya nang makainom siya tumango naman siya.
"Gusto ko lang kasing tanungin kung bakit hindi ka pa kumakain? Ayaw mo bang sumabay sa akin?"
"Ha? Sige kakain na rin ako," muli ko siyang nginitian.Kahit busog pa ako dahil kumain kami kanina ni Balat sumabay pa rin ako sa kanya.
"Nagustuhan mo ba 'yung mga niluto ko?" nagkathumbs up agad siya at 'di magkanda ugaga sa pagpili ng kakainin niya. Natutuwa tuloy ako.
Votes & Comments are highly appreciated.
Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
أدب المراهقينBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle