Chapter 56
Moira's Point of View
"Ugh! Sino may sabi na 'yong pangit na 'yon ang maging modelo rito sa Shining company?!" Inis na sigaw ni Nana.
Samantala nag-iisip naman ako kong anong dapat naming gawin. Nandito kami sa labas kong saan pinupulot namin 'yong mga gamit namin na pinatapon dito.
"Aaaah! Nakakainis!" Angal ko sabay bitaw sa mga pinulot kong mga gamit ko. Bakit ba kailangan kong magtiis na kuhain 'yong mga gamit na 'to? "Hoy! Nana! Ano bang tinutung—"
Biglang dumaan si Darren sa front door nitong Shining Company dahilan para mapatulala ako dahil sa bago niyang looks. May dala siyang Stuffed toys na malaki at may chocolates pa.
Tinuturo ko si Darren habang papasok siya sa loob. "Nana, 'd-diba si Darren 'yon?" Aniko at nakita ko 'tong si Nana na nakatulala na rin pala at nakatingin kay Darren.
"Anong nangyari? Bakit nagbago nang looks 'yon?" Wika ko. Nang biglang tumakbo si Nana papasok sa loob kaya sumunod na rin ako.
Balat's Point of View
Pose rito, pose ro'n. Ginagaya ko lang din naman kong ano 'yong mga pose na nakikita ko sa ibang model sa magazine at kay Best friend. Kailangan kong mas galingan para naman matalo ko 'yong dalawang bruha—sina Nana at Moira.
Pero na-distract ako nang biglang may pumasok na lalaki rito. Oo, natulala ako at nawala sa sarili at 'di nakapagpose ng maayos nang makita siyang nakangiti sa akin.
Napanganga tuloy ako. Para siyang nag-i-slow motion habang naglalakad papalapit sa akin. Mukhang nalaglag na rin yata 'yong mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Ang guwapo ng looks niya ngayon. Bagong gupit siya.
Mimi's Point of View
Bakit nandito si Darren? Parang may spark sa pagitan nila ni Balat. Bakit gano'n? Isa pa, bakit may stuffed toys siyang dala at may chocolates pa? Nanliligaw ba siya kay Balat?
Bigla akong napa-evil smile nang may pumasok sa isipan ko na mas magandang plano. Mukhang magandang pangyayari 'to. Lalo na at nakita ko si Nana na nakasilip sa pinto at masama ang tingin na medyo naiiyak na nagseselos.
Siguro dahil wala na 'yong attention sa kanya ni Darren. Napangisi tuloy ako. Nilapitan ko 'yong Manager at sinabi kong bigyan muna nang break si Balat kaya pumayag ito at inaayusan na muna nila.
Lumapit din naman si Darren sa akin nang makita niya ako. "Woah! Anong dahilan at napadpad ka rito, Darren?" Tanong ko sa kanya habang si Balat hindi pa nakakalapit sa amin.
Hindi siya sumagot pero ngumiti lang siya na parang iba talaga 'yong intention niya. "Siguro para kay Sophia 'yan 'no?" Tukso ko sa kanya pero hindi talaga siya nagsasalita. Pangiti-ngiti lang siya.
BINABASA MO ANG
Campus King meets Miss Pangit (Book 2)
Teen FictionBook 2 of First Generation. Highest Rank Achieved: #4 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda. Sa pagpapatuloy ng kwento nina Crystal and Ozu. Book Cover By TenMiracle