Author's Note: This story is inspired by true story.
Enjoy Reading po.
~*~
February 13, 2003
Alas dose y medya ng tanghali, pagkatapos naming mananghalian ni Zandy ay nakatambay lang kami dito sa classroom at naghihintay ng panghapong klase. Ang iba naman naming kaklase ay may kanya-kanya ring pinagkakaabalahan, may mga nagkukuwentuhan lang, ang iba naman ay may hawak na gitara at masayang nagkakantahan.
Ako naman ay mas piniling magbasa ng mga aralin namin. Nakaupo kami ni Zandy dito sa first row at abala siya habang hawak ang kanyang cellphone at halatang may katext.
Kinalabit ako ni Zandy at nang tingnan ko ay ang lapad ng pagkakangiti.
"Cassey, nasa labas na naman 'yong masugid mong manliligaw." sabay nguso ni Zandy sa labas.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Hoy? Hindi man lang pinansin. Hayun oh nakatingin sa'yo at nakangiti pa." Pangungulit pa rin niya.
Hindi ko pa rin siya pinansin at nakatingin lang ako sa binabasa kong aklat.
Matagal ko na siyang kaibigan, noong nag-transfer ako dito sa probinsiya ng Marinduque ay siya na kaagad ang una kong nakapalagayan ng loob kahit pa kabaliktaran siya ng ugali ko na tahimik lang at mahiyain, dahil ubod siya ng daldal at hindi nauubusan ng kuwento, pero mabait naman siya at maalalahanin.
Siya rin ang nagtuturo sa akin ng mga bagay na hindi ko pa alam dito sa probinsya lalo na sa dialect nila.
Hinihila niya ang manggas ng suot kong uniform at hindi talaga ako tinitigilan hanggat hindi ko siya pinapansin.
"Ano ka ba Zandy kaya lang nandiyan sila sa labas ay dahil may klase sila sa kabilang classroom." sagot ko sa pangungulit niya habang nakatingin pa rin sa aklat na binabasa ko.
"Sus! Nag-aabang ng klase eh mamaya pang ala una ang time ng afternoon class natin pero araw-araw ay lagi siyang nakaabang d'yan sa labas para makasilay sa'yo." kinikilig at pang-aasar ni Zandy.
"Hayaan mo nga siya sa buhay niya sa kung ano ang gusto niyang gawin." naiinis kong sagot. "Kahit mag-pacute pa siya hindi ko siya papansinin dahil ayokong magpaligaw at alam mo iyan Zandy." dagdag ko pa.
Biglang inagaw ni Zandy ang aklat na hawak ko.
"Hep hep hep! Mag-pacute? Meaning cute siya sa paningin mo? Sabi na eh, kunwari ka pa eh, cute ang tingin mo kay kuya."
Tumingin ako sa kanya at tinaasan ko ng kilay. "May sinabi ba akong cute siya?"
Pinagtawanan lang ako ng mabait kong bestfriend. Tumawa pa talaga muna siya bago magsalita.
"Wala! Hindi direct to the point pero sa laman ng sinabi mo nacucute-tan ka sa kanya. Aminin mo na, namumula ka na oh." pinisil pisil pa niya ang pisngi ko habang nagsasalita.
Inagaw kong muli ang aklat. "Tumigil ka na nga at huwag ako ang pagtripan mo." iwas ko sa pang-aasar niya dahil pakiramdam ko namumula na nga ako. Hindi kasi ako sanay or should I say na ayoko ng inaasar ako at tinutukso sa mga lalaki.
"May assignment ka na ba sa English?" pag-iiba ko ng topic para tigilan na niya ako.
"Naku! lagot, wala pa besh pahiram ako ng notes mo." natataranta niyang sagot at kinuha na ang notebook ko na nakapatong sa desk at nagpakaabala na sa pagkopya ng assignment.
Naiiling na lang ako na natatawa sa kaibigan ko.
Kung ano-ano kasi ang inuuna.
Habang abala siya sa pagsusulat ay napasulyap ako sa labas at nakita ko nga si Jasper na nakatingin nga sa akin at nakangiti pa.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
No Ficción"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...