~*~
"Daddy may lakad ako bukas ha, reunion ng barkada, three years na hindi ako nagpakita sa kanila."
Ipinaalam ko sa kanya kung ano ang lakad ko ngayon. Diba ganito naman talaga ang magkakarelasyon, gusto ng bawat isa kung ano ang nangyayari sa iyo araw-araw. Lalo na LDR kami kaya updated kami palagi.
"Okay Mommy ingat ka sa lakad."
"Opo. Gusto ka nga nila makilala. Pati si mother hinihintay ka dito sa bahay para makilala ka na hindi pa siya nakakauwing San Mateo kasi gusto ka niya makilala eh."
"Ah ganun ba. Pasensya na wala pa kasi akong rest day."
"Iyon na nga lang ang sabi ko Daddy eh."
"Hayaan mo at makakapunta rin ako diyan sa inyo. Gusto ko rin makilala ang nanay mo"
Gusto ko na rin siyang ipakilala aa pamilya ko. Alam ko naman kasing seryoso na siya sa akin.
~*~
Masaya ang naging reunion naming magbabarkada, kainan at kuwentuhan lang at asaran at kamustahan. Ang mga inaanak ko na ngayon ko lang ulit nakita ay hindi ako kilala bilang ninang nila kaya maghapon ko lang silang kinulit at nakipaglaro para pag-uwi ko ay kilala na nila ako at kapag bumalik ulit ako sa kanila ay kilala na nila ako bilang ninang nila.
Hindi uso sa amin mag-inuman, mga behave kasi kami at mababait. Magkakasundo lang kasi kami sa ganoong bagay nahindi mahilig uminom.
Never pa nga naman talaga kaming uminom mula college. Palibhasa kasi siguro ay pare-pareho kaming mga educators. Magakakaiba nga lang kami ng Major.
"Daddy bahay na ako. Kararating lang." Text ko agad sa kanya dahil alam ko na gusto niyang ina update ko siya na bagay na ikinatutuwa ko kasi ramdam ko na concern siya sa akin.
"Okay Mommy. Pauwi pa lang ako. Text ako mamaya kapagkauwi ko ng bahay ha."
"sige Daddy, ingat ha."
Kumain na ako at nanunuod ng TV habang hinihintay siyang makarating ng bahay nila at magtext.
Habit na namin na magtext at mag-usap kapag nakauwi na siya ng bahay bago matulog.
Agad kong binuksan ang cellphone ko nang tumunog ito.
"Kamusta nga pala ang lakad mo kanina.""Okay naman Daddy , masaya kanina at next month ulit kami mag-ge-get together."
"Ah maigi naman at nag-enjoy ang Mommy ko kanina. Oonga pala Mom hindi ako papasok bukas eh!"
"Bakit hindi ka papasok Daddy? Masama ba ang pakiramdam mo? O rest day mo ba bukas? Sunday bukas tapos Monday night shift ka na"Pag-aalalang tanong ko sa kanya
"Gusto kong pumuntang Laguna bukas ay."
Lumawak ang pagkakangiti ko sa sinabi niya. May balak pala siyang pumunta dito bukas.
"Anong gagawin mo sa Laguna Daddy?" painosente kong tanong, kinikilig eh!
"Gusto kita makita bukas at makapunta na diyan sa inyo."
"Yes naman Daddy ko! Thanks at pinagbigyan mo na ako na makakapunta ka na dine. Maipapakilala na kita sa pamilya ko. Dito ka sa kuwarto matulog Monday ka na umaga umuwe."
"hehehe! Excited mommy ko ah. Tabi ba tayo matulog?"
"hahaha! Hindi tayo pwede magtabi matulog Daddy, may bantay. Nandito si mudra. Hahaha!"
"Hahaha! Joke lang naman baka makalusot lang. Paano ba yan mommy sabik na ako sa iyo. :-)"
"Ako rin naman Daddy eh."
"Sulitin na lang natin ang oras bukas sa sa date natin."
" Oo. Ipapasyal kita dito sa amin."
Umaapaw na naman sa kaligayahan ang nararamdaman ko. Unang pagkakataon na may pupuntang lalake dito sa bahay.
Kaya kinaumagahan, kaming lahat sa bahay ay naging abala.
Nagluto si mother para pagdating ni Jasper ay sabay-sabay na kami kumain. Naglinis ako ng bahay at naging maliksi ang bawat kilos. Excited eh. First time na pupunta ang daddy ko kaya kailangan ay handa.
Ang paghihintay namin sa kanya ng tanghalian ay hindi na natupad dahil alas dos na ng hapon siya nakarating.
Sinundo ko siya sa SM Calamba dahil hindi pa siya sanay kung paano pumunta dito sa amin.
Habang nasa tricyce kami ay hinawakan ko ang kamay niya at napansin kong nagpapawis ito.
"Kabado ka ata Daddu eh. Nagpapawis ang mga kamay mo oh!"
"Oo medyo kabado nga. Kinakabahan ako sa nanay mo baka hindi ako magustuhan para sa iyo."
"Ay naku huwag kang kabahan. Mabait iyon at hindi ka aayawan noon at saka lagi kitang ikinukuwento."
Ngumiti siya sa akin at tumahinik na ulit siya. Naramdaman kong hinigpitan pa niya lalo ang pagkakahawak niya sa akin.
Natatawa ako sa hitsura niya, para siyang pusang hindi mapakali at halata talaga na kabado siya.
"Kamusta po tita." Pagbati ni Jasper kay mother at nagmano.
"Anong tita, nanay na itawag mo sa akin." Sabi ng nanay ko na halatang masaya dahil sa wakas ay may naipakilala na akong lalake sa kanya.
Pinaghain ko si Jasper ng pagkain dahil hindi pa siya nagla-lunch.
"Kain ka na muna."
Habang kumakain si Jasper ay hinayaan ko sila mag-usap ni mother para makampante siya.
"Ipasyal mo si Jasper dito sa Calamba para masanay siya dito sa Laguna." Sabi ni mother.
Nagkatinginan kami ni Jasper at napangiti sa isa't isa. Solve na ang plano namin at binabalak na aalis at magdedate.
Kaya umalis na rin kami agad dahil sinabi ko pati na pupunta pa sa si Jasper sa tropa niya sa Cabuyao at doon na makikitulog.
"Magaan ang loob ko kay mother mo." Sabi niya habang naglalakad kami palabas ng subdivision.
"Hindi ka na kabado?" napangiti ako sa kanya at hinawakan na ang kamay niya ng makalayo na kami sa bahay.
"Hindi na. Magaan kausap nanay mo, makwela at makuwento."
"Ah oo ,'yon lang madrama rin minsan. Narinig ko sinabihan ka niya na magpakasal na tayo para mag-karoon na ng anak."
Tumingin siya sa akin at napangiti. HHWW na naman kami.
Inaya ko muna siya sa loob ng simbahan at nagsimba muna kami.
Humiling na naman ako kay Lord at nagpasalamat.
Isa sa ipinagpasalamat ko ay ang pagbibigay Niya sa akin ng isang Jasper Pizarra at maranasan na mahalin at magmahal.
Hiling na sana ay balang araw ay matupad at sana ay si Jasper na nga talaga. Hindi ako magsasawang hilingin iyon kay Lord araw-araw.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Щоденники та біографії"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...