Chapter 2

1.3K 190 137
                                    

~*~

Pagkatapos ng pagtanggi ko sa kanya ay napansin ko sa kanya na hindi na siya masyadong naglalapit at nagpapansin.

Kaya sabi ko sa sarili ko tama lang iyong ginawa ko dahil nakita ko na ang totoo na hindi naman siya sincere at seryoso.

Medyo nalungkot ako nang mapansin kong umiiwas na siya. Pero ano pa nga bang aasahan ko sa isang tulad niyang gwapo. Kundi ang magpaasa sa mga babaeng trip niya.

Iyan kasi ang tingin ko sa kanya kaya hindi ko siya gusto kahit crush ko siya.

Tama lang ang disisyon ko na huwag na makipaglapit sa kanya at mabasted sya.

(Jasper's POV)

"Brad..tulala ka na naman." Untag sa akin ni Jomel, kaklase at isa sa barkada ko.

Hindi ko namalayang nakalapit na pala sila sa akin habang nakaupo ako dito sa study area.

"Jomel ikaw pala. Asan sila Zander at Bryan?"

"Andun sa canteen. Katulong na naman sa paglilinis at paghuhugas. Nabasag kasi nila ang  baker sa laboratory kaya pinaglilinis na naman ni Ms.Nilo.

"Ah mabuti hindi ka napasama." Walang gana kong sagot at nakatingin lang sa kawalan. Parang sabog lang at mukhang adik. May nakikitang ako lang ang nakakakita.

"Para kang sabog brad. Si Cassey pa rin ba?"

Napangiti ako bigla nang marinig ko ang pangala ni Cassey.

"Oo brad. Ayaw niya sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko, mahal ko siya pero ayaw niya sa akin. Sinubukan kong makipaglapit pero tinapat niya ako na ayaw niya."

"Itagay na natin iyan huwag kang magmukmok diyan." Pagpapalakas ng loob ng kaibigan ko.

"Sige bukas sa bahay. Punta na lang kayo. Absent na muna tayo."

"Yohooo! Tama iyan brad. Isama ko na rin sina Zander at Bryan para makatikim ng lambanog at hindi puro parusa. February 13 pa naman na bukas malapit na ang araw ng mga puso. Icelebrate natin ang puso mong sawi. Hahahaha!"

Natatawang sabi ng kaibigan ko na alam kong pinapasigla lang ako at idinadaan sa pang-aasar ang pagdamay sa akin.

Icelebrate ang pusong sawi.

Parang echo na paulit-ulit kong naririnig sa isip ko. Tama nga naman kasi, sawing-sawi nga naman kasi ako dahil ang sakit malaman na yung taong gusto ko ay ayaw naman sa akin.

Saklap pre. Ang saklap!

~*~

KINAUMAGAHAN, Feb.13,2003 nasa bahay lang kaming lahat na magkakabarkada at tamang tama wala sila mama.

Hindi na kami pumasok. Mga pasaway muna kami ngayon, minsan lang naman ito kahit hindi.

"Brad, unang tagay para sayo. Para sa puso mong sawi at sugatan!." Inabot sa akin ni Zander ang basong may lamang lambanog.

Ininom ko at nalasahan ang mapait na lasa ng alak. Kasing pait ng puso ko. Madrama na kung madrama.

Masakit mabasted at ayawan ng babaeng mahal mo.

"Anong plano?" Tanong ni Bryan habang sinasalinan ang baso.

"Kakalimutan o ipaglalaban?" Sabad ni Jomel habang ngumunguya ng mani na pulutan namin.

"Hindi ko alam mga brad. Kakalimutan ko na lang si Cassey dahil ayaw naman niya sa akin. Wala na akong magagawa kahit mahal ko siya." Mahaba at madrama kong pahayag.

Ang mga lalake kapag nakainom ay lalong nagiging madrama.

Nasabi ko 'yan dahil ganyan ako ngayon. Naglalabas ng nararamdaman.

"Pero brad alam mo sabi ng lolo ko. Oo ng lolo ko." Halata na may tama na si Zander. "Sabi niya kapag mahal mo ipaglaban mo. Ipagsigawan mo." Itinaas niya ang hawak na baso at tinungga ang laman nun.

"Ipaglaban!" sigaw ng mga tropa ko na halatang may tama na rin.

Nahihilo na rin ako at halatang may tama na rin.

"Oo mga tol. IPAGLABAN! IPAGSIGAWAN" nakisigaw na rin ako sa kalokohan ng tropa ko.

"IPAGLABAN!" Sabay-sabay naming sigaw habang nakataas ang mga kamay na akala mo may rally at may ipinaglalaban.

Tumayo ako at dinala ang bag. May gagawin akong isang desisyon. Dahil kailangan.

"Jasper, saan ka pu-pun-ta ha? Iiwan mo kami dito? Tanong ni Bryan na nauutal pa. Hindi ako sumagot at umalis na.

Napangiti lang ako sa plano ko na ipaglaban ang pagmamahal ko kay Cassey.

Pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat masunod ka lang.

~*~

(Cassey's POV)

"OKAY Class, I will leave you for a while. Just copy and answer the following solution on your answer sheet." Paalam ni Mrs. Tamara, ang Math teacher namin.

10:00 a.m na at katatapos lang ng recess namin.

"Cassey paturo naman ng solution." Tawag sa akin ng kaklase ko.

"Sige. Ganito lang yan para makuha mo ang sagot." Turo ko sa kanya at abala ako sa pagsagot nang tawagin ako ni Zandy.

"Cassey! Cassey!" Hinihingal niyang sabi nang makalapit na tila galing sa pagtakbo.

"Oh bakit Zandy? Bakit parang tumakbo ka. Galing ka lang naman sa CR ah." Natatawa kong sabi sa kanya at bumalik na sa upuan ko sa bandang likuran na katabi ng bintana.

"Kasi si..." hindi na niya naituloy ang sinabi niya dahil sa labas ng class room namin ay may biglang sumigaw.

"CASSEY! MAHAL NA MAHAL KITA! MAHAL KITA CASSEY! SAGUTIN MO NAMAN AKO."

Shocks! Si Jasper nasa labas ng classroom at sumisigaw. Nagulat ako. Biglang nakaramdam ng takot at nahiya dahil lahat ng classmates ko nakatingin lang sa akin. Pati ang kabilang section naglabasan na rin.

"CASSEY? MAHAL KITA! MAHAL MO BA AKO? Nasa loob na si Jasper at naglalakad papalapit sa akin.

Hindi ako makakilos, hindi ko alam ang gagawin ko kung tatakbo ba ako. Naumid ang dila ko. Nakatingin lang lahat ng classmates ko at mga usyusero sa labas.

"Ma'am asan ka na po". Hiling ko na lang na sana dumating na si Ma'am dahil natatakot na ako kay Jasper dahil halata ko na sa kanya na lasing siya.

Lumapit pa lalo si Jasper at nacorner ako.

Hinarangan niya ang dadaanan ko sa balak ko sanang paglabas. Napasandal tuloy  ako sa bintana.

"Jasper. Tigilan mo yan!"

Finally dumating na si Mrs. Tamara at nasa labas siya ng room sa tapat ng bintana.

"Ma'am. Sorry po. Mahal na mahal ko po si Cassey." Mahinahon na ang boses niya at tila nagmamakaawa na.

"Cassey mahal kita. Mahal mo ba ako? Sagutin mo na ako Cassey." Pag-uulit niya habang nakatingin sa mga mata ko.

Nakatingin lang ako kay Mam at hindi ako makapagsalita.

Gusto kong tumakbo palabas iyon lang ang gusto kong mangyari o kaya ay bigla na lang maglaho na parang bula.

"Sige na Cassey sagutin mo na si Jasper." Utos ni Ma'am sa akin.

~*~

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon