Ang buhay guro ay laging busy kaya walang oras magkalovelife at hindi ko naman hinahanap iyon. Kuntento ako sa buhay ko kahit single. Hindi ko pinapansin ang mga tanong ng barkada o kamag-anak na kung kailan daw ako mag-aasawa. 27 years old pa lang naman ako.
Ganun pa rin naman ang takbo ng buhay. Boring para sa iba.
Misyon ang tawag ko sa trabaho ko at hindi isang trabaho lang.
Masarap na may naibabahaging kaalaman sa mga bata na makakatulong sa kanila. Masarap sa pakiramdam na nakakatulong sa kapwa.
Buwan rin ako kung mag open sa face book ko kaya ang mga message ni Jasper ay tuluyan ng natabunan.
"Hi Mam.Kamusta?"
"Namiss lang kita. Sa Laguna ka pa rin ba?"
"Busy si Ma'am Cassey?"
"Happy New Year po Ma'am."Mga message niya na hindi ko agad nababasa at hindi ko narereplayan.
Huling chat namin ay last year 2014 pa at ngayon ay 2015 na.
Maliban nga pala sa pag message niya ay madalas rin siyang mag comment sa mga profile pic ko tuwing magpapalit ako ng profile pic s FB.
Hindi ba at may gf na siya? Siguro hindi niya lang talaga ako nakakalimutan at libangan niya sa abroad makipag chat para bawas homesick. Yan ang tumatak sa isip ko kaya hindi ko na lang siya pinapansin.
~*~
Fast forward tayo.
Year 2016.Nanunuod ako ng t.v. nang tumunog ang messenger apps ko sa cellphone. Nagmessage sa akin ang isa sa co-popster ko.
Naisipan kong magbura ng mga old messages at habang nagbubura ako ay nakita ko ang mga unread messages ni Jasper.
Binasa ko at naisipan kong magreply.
"Ngayon lang nakapagreply.natabunan na ang message mo. Sorry."
"Ah okay lang naman iyon Maam. Alam ko naman na busy ka."
Nagmessage rin sa akin si Ate Zoila. Ang ate ni Paul. Nangangamusta at gusto niya na magkita man lang kami habang nasa Lucena siya. Sabi ko na susubukan ko at hindi ako nangako.
Nabanggit rin niya na gusto rin akong makita ni Paul na nasa Lucena na rin ngayon.
Kinapa ko ang sarili ko kung may nararamdaman pa ba ako sa kanya. Excitement ang naramdaman ko.
"Cassey ano ka ba naman. Ang ex ay hindi na binabalikan.Ex na nga eh." Pagalit na sabi sa akin ni Ellise isa sa barkada ko na alam ang lahat ng pinagdaanan ko.Nabanggit ko kasi sa kanya na gusto ko makipagkita kay Ex.
"Hayaan mo na pinag-iisipan ko pa naman kung itutuloy kong makipagkita sa kanya."
"Kung si Kuya Crush na lang ang pinapansin mo hindi ang ex na wala ng value." Dagdag pa rin niya at nadamay pa si kuya crush. Si Jasper.
Imposibleng mapansin ko iyon baka nga may asawa na iyon dahil nagkagf na siya. Naikuwento ko rin kasi sa kanya na madalas magchat si Jasper.
Go with the flow.bahala na si Lord. Naramdaman ko pa rin yung sakit, iyong pakiramdam na iniwan ka na lang bigla. Siguro kaya gusto ko makipagkita para sa sinasabing "Closure" Sometimes having no closure is the closure.
May 23, 2016 at 5:51 pm. Online ulit aq sa minsan ko lang buksan na account.
At pagbukas ko may message na naman from Jasper.
"Hi mam. Kamusta na po?"
"Hi rin po."
"How are you na po Ma'am Cassey?"
"Heto single pa rin hehe."
"hmmm Okay lang 'yan Ma'am. Hindi ka naman nag-iisa eh. Pareho tayo. Hehe"
"Hmm.Ikaw single? Eh diba may asawa kana?" taka kong tanong dahil ang akala ko may asawa na nga talaga siya.
"Iyon din ang akala ko eh. Ayun bigla na lang nawala."
"Ah. May mga tao o bagay talagang mawawala na lang bigla kahit ayaw natin." Nakarelate kasi ako sa sinabi niya na iniwan na lang bigla.
"Malay mo tayo pala ang meant to be."
"Naku naman huwag mo nga akong pakiligin ulit." OO kinilig ako sa biro niya. It's a joke though pero kinilig ako.
"Hehe wayback High School life ah. So inamin mo rin na kinikilig ka rin sa akin noon." tanong niya na halatang napangiti ko ata siya sa sinabi ko.
"Oo naman diba sinabi ko na sayo dati na crush kita noon. Hindi ka ata busy ah. Wala ka sa work ngayon?"
"Wala. Andito na ako sa Pasig ngayon, nag-aapply ulit sa abroad.
"Ah nandito ka na pala sa Pinas." Akala ko nasa ibang bansa pa rin siya nakabalik na pala siya.
"Oo, Hindi na ako nagrenew. Gusto kitang Makita ay."
"haha. Naku naman." Natatawa na lang ako sa mga pambobola niya.
"Hehe bakit wala namang masama doon.Titingnan lang naman eh."
"Hmmmpp alin ang titingnan mo?"
"Ikaw kung gaano kasexy at kaganda sa personal."
"Nang-aasar ka ha."
"hehe.Hindi naman. Namiss lang kita. Maganda ka naman talaga ay." Biglang bawi sa pagpuri at hindi pa rin kumukupas ang pambobola niya.
"Huwag mo sanang masamain." Dagdag pa niya na humihingi ng despensa.
"Haha hindi ko naman minamasama. Sige pumunta ka dito sa Laguna." Panghahamon ko sa kanya. Tingnan ko kung pupunta nga siya.
"Namiss ko lang pati umakyat ng Banogbog. Nanggaling ako doon dati."
"Huh kelan ka nagpuntang Banogbog?" Tanong ko sa kanya. "Sige goodnight na.Next time na lang ulit."
"Uhmm out ka agad? Send mo muna number mo."
SEEN.Log-Out. Hindi ko na nabasa last message niya. Naghanda na ako para kumain at maligo para makatulog.
May ini-stalk kasi ako kaya rin madalas ako online at hindi dahil kay Jasper ha!
Online na ako ulit at nabasa ko na last message niya kanina na hinihingi number ko.
"Oh Yes.Im Back. Here's my number 09124333554." Ibinigay ko na number ko katwiran ko bigyan ng chance. At saka single naman siya, at andito na siya sa Pinas. At saka humahanga pa rin ako sa kanya aminin ko.
"Thanks.Hinintay nga kita eh, ano bang ginawa mo?"
"Kumain at naligo. Sana makatulog na, maaga na naman bukas ang pasok."
"Naligo ka ng gabi lalong hindi ka makakatulog niyan."
"Sige goodnight" Last message niya at hindi na ako nakapagreply pa ulit.
Tama bang bigyan ko ng second chance si Jasper? At saka bakit parang bumabalik ang pagka crush ko sa kanya noon?
Hindi naman na siguro masama kung susubukan ko si Jasper ngayong nasa tamang edad na kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/100733433-288-k676344.jpg)
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...