Chapter 31

470 104 13
                                    


IKALAWANG araw ng pagbabakasyon ko sa kanila at araw na ng Linggo.

Abala siya at nagpakaabala rin ako. Naglinis ako ng bahay nila. "Amoy lalake eh." Biro ko sa kanya kahapon dahil pansin ko na hindi nga nasasayaran ng linis ang bahay nila dahil siya lang mag-isa nang nakaraang mga araw dahil nasa Pasig ang mama at papa niya at ang kapatid naman niya ay nagbakasyon sa Mindoro.

"Aba magtaka ka kung amoy babae pero lalake ang nakatira." Balik niyang biro sa akin.

"Sabi ko amoy lalakeng hindi naliligo." Pang-aasar ko pa ulit sa kanya.

"Hahaha.. wala nang ligo-ligo kapag napagod ay tulog agad."

NAGLABA ako ng ilan sa mga damit ko at nilabhan ko na rin ang labahan niya. Feeling asawa lang.

Nagpunta na ako kina Ate Donna pagkatapos ng mga ginawa ko at nakinuod sa kanila dahil gusto kong manuod ng ASAP.

"Andito ka pala." Sabi niya na sumunod pala sa akin.

"Oo makikinuod ng Asap."

"Anong ulam nyo? kami ay makikikain."Tanong niya sa Ate niya na naghahanda na ng pagkain sa mesa.

"Dito na kayo kumain Cassey."

"Sige po ate. Jasper kunin mo na lang yung kanin sa bahay."

Habang kumakain kami ay may nagtext kay Ate Donna.

"Oh pauwi na pala sila mama mamayang gabi dito."

Napansin ko nag-iba ang mood ni Jasper. "Bakit daw sila uuwi na agad? Akala ko ba ay hanggang pasko na sila doon."

"Naiinip na daw doon at walang ginagawa."

Nakikinig lang ako sa usapan nilang magkapatid.

"May pantawag ka ba?Tatawagan ko  si mama at itatanong ko kung nabili yung pinapabili ko." Halata sa tono ni Jasper na tila naiinis. Ewan ko kung bakit siya naiinis.

"Wala akong pantawag." Sabi ng ate niya.

"May pantawag ako, tawagan mo na lang gamit cp ko." Sumagot na ako dahil lalo siyang naiinis na hindi niya matatawagan ang mama niya.

"Sige mamaya pagkakain."

Nag-iba talaga ang mood niya. Napansin ko talaga. Hindi ko siya tinanong kung bakit. Ayoko mangahas na magtanong.

Humiga na siya sa papag na nakapuwesto sa harap ng TV at nanuod na ulit pagkatapos niyang makausap ang mama niya sa CP. Hindi ko siya pinapansin kunwari ay abala ako sa pakikipaglaro kay Dindi pero inoobsrbahan ko ang kilos niya.

Nakita ko na nakatulog na siya at pinahiga ko na rin si Dindi para patulugin at nakatulog rin ako nang makatulog na si Dindi. Tatlo kaming nakahiga sa papag at nasa gitna namin  ang pamangkin niya.

Ang Ate naman niya ay abala sa pagluluto ng meryenda.

"Aba nakatulog ka rin pala." Bungad niya sa akin ng nagising na ako.

Hapon na pala at umuwi na kami sa kanila para mag-asikaso ng mga gawain doon.

Pagkatapos naming maghapunan ay nanuod kami ng movie na Train To Busan para kaming nasa loob ng sinehan sa lakas ng sound system nila, dumadagundong ang bahay.

"Oonga pala ano yung tinutukoy mo kagabing nakakapagsisi." Naalala kong itanong sa kanya ang bagay na narinig ko mula sa kanya dahil lasing siya kagabi at kainuman ang tropa at pinsan niya.

"HA?" Tanong niya na nakatutok sa palabas.

"Yung sinabi mong Ang gwapo kong lalake..nakakapagsisi... na ang tinutukoy mo ay huwag kukuha ng babeng mahina."

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon