Chapter 23

447 113 10
                                    

~*~

Naging abala ako sa program namin sa School kaya hindi ako makatext at makatawag sa kanya ng madalas. Nakakapagtext lang ako kapag gabi na at pauwi na  kaso alam kong tulog na siya dahil sa probinsya maagang natutulog ang mga tao doon.

Apat na taon din naman akong nanirahan sa Marinduque noong High School.

Mula nang umuwi siya sa kanila sa probinsya ay pakiramdam ko lalo siyang napalayo sa akin.

Hindi na siya madalas magtext at hindi na niya nasasagot ang mga tawag ko. Kapag nasasagot naman niya ay saglit ko lang siyang nakakausap at agad siyang magpapaalam na may gagawin pa.

Kaya naman nagpasya ako na alamin kung ano ba ang dahilan ng pagkakaganoon niya. Gusto ko siya makausap ng personal. Pupunta ako sa kanila at alam ko naman ang papunta sa kanila ang hindi ko lang alam ay ang saktong bahay nila.

"Brad, kamusta? Pwede ko bang malaman ang  saktong lugar nyo sa inyo? Pupunta ako sa Friday ng gabi kailangan ko makausap ang kuya mo." Text ko sa kapatid niya na nasa Taytay at nagsend din ako sa messenger kaso hindi siya nakapagreply agad.

Nagchat na lang ako sa kapatid niya na nasa probinsya rin.

"Hi, thanks sa pag-accept." Panimula ko sa conversation namin dahil na-accept niya agad ang friend request ko sa Facebook.

"Welcome po. May mga mutual friends tayo kaya in-accept po kita. Sino nga po sila?"

"Ah. Magpapakilala na ako, GF ako ng kuya mo." Direktang sagot ko agad sa kanya at hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Ikaw po pala ang sinasabi nilang kaporeber ni Kuya."

"Hehe. Oo ako nga, kaya ako nag-chat sayo kasi para itanong ang eksaktong address nyo dyan balak ko kasi isurprise visit siya."

"Ate eto number ko 0912800............" Ibinigay na niya ang number niya at naglog-out na siya.

Nagtext ako para marecieve niya text ko. Maya-maya ay tumawag na siya.

Nagulat ako sa tawag niya kaya medyo kabado nang sagutin ko.

"Hi. Hello nasa work ka ata."

"Opo nandito ako sa office, breaktime lang."

"Kamusta ang kuya mo? Makikiusap sana ako na huwag mo sabihin sa kanya na pupunta ako ah?"

"Oo ate, hindi ko sasabihin. Para sa ikasasaya ni kuya."

"Salamat. Pwede mo ba ako ipagpaalam kay Mama mo na pupunta ako diyan?"

"alam na po ni Mama sinabi ko na agad kanina, kay Papa lang hindi, maingay kasi iyon baka masabi kay kuya."

"Ah salamat. Salamat sa pakikipagsabwatan sa akin sis."

"Ok lang po iyon. Sige po. Update na lang po kayo kapag on the way na."

"Walang pagsidlan ang galak sa tuwa" caption ko sa selfie ko na naipost ko sa Facebook "ngiti ng binibining kinikilig at excited."

Napangiti naman kasi talaga ako dahil pakiramdam ko sumasang ayon ang pamilya niya sa plano ko kahit hindi ko pa sila nakikilala ng personal.

KINAUMAGAHAN after ng klase ko ay lumabas na ako ng School para gumayak sa pagbyahe papunta sa kanila. 5:30pm na ako nakasakay ng Bus papuntang Lucena kaya mga 10:00 PM na ako nakarating ng Dalahican Pier. Samot saring ala-ala ang nanumbalik sa isip ko nang pagkatuntong ko doon. Excited at masaya. Isa't kalahati pa akong naghintay bago makasakay ng barko.

Dalawang oras ang byahe sa barko kaya mga bandang alas tres na ng madaling araw ako nakarating ng Marinduque at may isang oras at kalahati naman ang byahe papunta sa bayan ng Sta.Cruz kaya madilim pa ang paligid.

Kahit madilim ang paligid ay naaninag ko ang tanawin mula sa van. Tanawin na nagdudulot sa akin ng kasayahan dahil nasilayan ko na naman ang maraming puno ng niyog, mga bukid at mga lumang bahay.

Nakarating ako sa bayan at nagpasyang magpalipas ng oras sa loob ng simbahan mga bandang 4:00 AM mabuti na lang at bukas na ang ito dahil may prosisyon na ginaganap ng umagang iyon.

Nagdasal ako at nagpasalamat sa maayos at ligtas na byahe ko. Isang oras rin akong namalagi sa loob ng simbahan.

5:00 AM na pero napakadilim pa rin sa buong paligid pero may mga mangilan-ngilan ng tao sa paligid at nagtitinda ng kung anu ano.

Naglakad na ako papuntang palengke at pinagmasdan ang paligid at mga gusali. Ganoon pa rin, may kaunting pagbabago lang sa mga nadagdag na mga gusali.

Nag-iba na rin ang hitsura ng palengke na may iilan ng tindahan ang bukas.

Lumapit ako sa nakaparadang tricycle at nagpahatid na sa brangay Matalaba, 5:30 na pero madilim pa rin talaga dahil napapalibutan ng maraming puno ang paligid.

"Bakit kasi nakalimutan ko itanong kay Meryl kung ano ang pwede kong palatandaan kapag bababa na ako ng tricycle." Nakakhiya man mangbulahaw pero tinawagan ko na  siya at nagising siya sa tawag ko at sinabi ang buong detalye papunta sa kanila.

"Hi, Morning, pasensya na sa istorbo ah." Nakangiti kong bati sa kanya dahil sinalubong niya ako.

"Ayos lang yun. Tulog pa si Kuya." Nakangiti niyng sabi at nauna nang naglakad papunta sa kanila.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon