~*~Shocks! Utos na ni Ma'am. Anong gagawin ko?
Susundin ko ba siya o tumakbo na lang palabas?
Nakatingin ako kay Ma'am at sinusuri kung tama ang narinig ko.
"Cassey sagutin mo na siya." Ulit niya kaya nakatitiyak ako na tama nga ang mga naririnig ko.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang utos ni Ma'am sa akin.
"Oo Jasper sinasagot na kita." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko dahil sa takot.
"Yes Cassey. I love you. Girlfriend na kita. Mahal na mahal kita Cassey."
Yayakapin niya sana ako mabuti na lang biglang nagsalita si Ma'am.
"Now Jasper, okay na kayo ni Cassey, pwede ka na bang umuwi?''
"Yes Mam!" Masiglang sagot niya kay Mrs.Tamara
"Bye Cassey, I love you." Umalis na siya at lumabas ng room.
Nanginginig ang tuhod ko. Ang buong kalamnan ko sa kaba, takot at kahihiyan. Hindi ako makatingin sa mga classmates ko na nakangiti at ang iba ay nakangisi pa sa akin.
Yung iba naawa dahil sa nangyari.
Pinapunta ako ni Ma'am sa canteen para doon muna magtago dahil baka biglang bumalik si Jasper.
Nang marinig ko iyon ay bigla akong lumabas kasama si Zandy at nagtago sa ilalim ng lamesa.
Hindi ako umalis sa ilalim ng lamesa hanggat hindi ako nakakasiguradong nakauwi na nga siya dahil narinig ko sa isang estudyante na hindi pa raw nakakauwi si Jasper at nasa guidance office pa raw.
Maliit lang ang school namin kaya kalat agad sa buong campus ang ginawa niya sa akin.
Kaya kahit hindi ako magtanong nalaman ko kung anong nangyari sa kanya.
Napaguidance pala siya at nagmamakaawang huwag daw siyang isumbong sa kanila dahil magugulpi daw siya ng kuya niya.
Ang lakas ng loob na gumawa ng eskandalo at ako pa ang napagdiskitahan takot naman pala maparusahan.
Kahit nasa klase na ay hindi pa rin nawawala ang takot ko. Natrauma na kumbaga.
Mga pasaway kong kaklase niloloko ako na nandyan daw si Jasper sa labas kaya bigla akong mapapatago kung saan ako pwedeng magtago.
Hanggang sa uwian ay hindi matapos tapos ang kantiyaw sa akin ng mga estudyanteng kilala ako.
"Naks may boyfriend na siya".
"Wow! Instant BF"
"Uyyyyy! May lovelife na si Cassey!"
"Isusumbong kita sa nanay mo Cassey may bf ka na"
Ilan lang sa mga naririnig ko sa kanila na hindi ko na lang pinansin dahil nahihiya ako.
OO nahihiya ako dahil ang alam nilang lahat na GIRLFRIEND NA AKO NI JASPER AT BOYFRIEND KO NA SIYA.
Natakot ako na malaman sa amin na may bf na ako.
Kaya nagpasya ako na kakausapin ko si Jasper bukas na bukas rin.
Hindi tama ang nangyari at kailangan kong itama.
Haharapin ko ang takot ko sa kanya at kailangan ko siyang makausap.
~*~
FEBRUARY 14, 2003. Araw ng mga puso. Pero itong puso ko ay hindi kayang magdiwang dahil takot at kaba ang nararamdaman ko.Dahil ngayong araw ang pakikipag-usap ko kay Jasper.
"Zandy sabihin mo kay Jasper na magkita kami sa study area mamaya para makausap ko siya at saka samahan mo ako mamaya ha."
"Oo Cassey, sasamahan kita huwag kang mag-alala." Pagpapalakas ng loob niya sa akin. Maasahan ko talaga si Zandy sa ganitong sitwasyon. She's my bff talaga.
"Thanks besh."
Pinilit kong magfocus sa klase kahit pa ang totoo ay distracted ako dahil kay Jasper.
Nang matapos ang huling klase namin ay nagmadali na kami ni Zandy na pumunta sa study area.
Naabutan namin na naghihintay na pala si Jasper at kasama niya ang isa sa tropa niya.
Umupo na kami ng best friend ko.
Napatingin ako sa paligid.
Oras ng recess kaya maraming estudyante sa paligid namin na ang ilan ay halatang mga usyosero/usyosera lang naman at gustong makasagap ng balita.
Para kasing instant celebrity kami sa school dahil sa pangyayari kahapon.
Gusto ko na may kasama sa pakikipag-usap kay Jasper dahil natatakot ako na baka magwala na naman siya at magsisigaw. Na-Trauma na ko sa kanya.
"Cassey ano bang pag-uusapan natin?" Nakangiti niyang tanong. Maayos na siya at halatang masaya.
Ang sarap niyang tingnan habang nakangiti na akala mo model ng toothpaste.
Napailing ako sa naiisip ko. Hindi ako nandito para kiligin sa mga ngiti niya.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Jasper. Aaminin ko na crush naman kita pero hindi sapat iyon para makipagligawan sayo kaya nabasted kita." Panimula ko.
Matapang akong tumingin sa mga mata niya.
"Kahapon sinagot kita. Kaya binabawi ko na ngayon. BREAK NA TAYO." Finally nasabi ko rin nang hindi ako nauutal
"Pero Cassey." Halata sa boses niya ang lungkot. "Mahal kita."
"Bakit mo ako mahal?" Tanong ko sa kanya na nakatingin pa rin.
"Basta mahal kita. Ang hirap ipaliwanag. Basta mahal na mahal kita Cassey."
Haawakan niya sana ang kamay ko pero agad kong tinabig ang kamay niya.
"Sorry Jasper, break na tayo." Huling sabi ko sa kanya at umalis na kami ni Zandy.
Hindi ko na siya nilingon dahil alam kong nasaktan ko na naman siya.
Araw pa naman ng mga puso pero ang puso niya ay parang pinatay ko na.
"Sorry Jasper. Priority ko ang pag-aaral at ayoko sumuway sa mga magulang ko."
"Girl umiiyak si Jasper." Bulong sa akin ni Zandy.
Hindi ako sumagot at hindi ako tumingin dahil ayokong makitang umiiyak nga siya.
Bata pa ako kaya hindi ako naniwala sa kanya na mahal niya nga ako. Hindi niya nga nasagot kung bakit niya ako mahal.
Sapat nang dahilan iyon para maniwalang hindi naman niya talaga ako mahal at napagtripan niya lang ako kahapon.
Dumaan ang mga araw na hindi na ako lumalabas ng room. Kahit recess.
Tuwing uwian na lang ako lumalabas dahil ayokong makita niya ako at para makaiwas na rin.
Mula ng pakikipagbreak ko sa kanya hindi na rin siya lumalapit sa akin.
Dumaan ang bakasyon at nagbakasyon ako sa mga magulang ko na nasa Laguna. At nagsabi ako na gusto ko na magtransfer sa Laguna.
Pumayag naman sila dahil para malapit na ako sa kanila.
Malapit na ang pasukan pero hindi pa rin naasikaso ang paglipat ko kaya napagpasyahan na sa probinsya pa rin ako magpatuloy ng pag-aaral.
Bahala na kung magkrus man ang landas namin sa School.
Iiwas na lang ulit ako sa kanya.
~*~
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...