~*~
Kinaumagahan ay itinuloy na namin ang pagsisimba sa Quiapo bago kami umuwi.
Masaya ako. Kakaibang saya. Pakiramdam ko ay tamang panahon na nga para sa aming dalawa ni Jasper.
"Anong ipinagdasal mo?" Tanong niya pagkalabas namin ng simbahan.
"Hmmm.. sabi ko kay Lord kung ikaw na nga ba talaga ay sana ikaw na nga ang taong makakasama ko habang buhay." Matapat kong sabi sa kanya dahil iyon naman talaga ang ipinagdasal ko. " Eh ikaw ganoon din ba ang ipinagdasal mo?" Tanong ko rin sa kanya dahil gusto kong malaman.
"Hindi ko ipinagdasal na sana ikaw na nga."
"Huh? Bakit naman."
"Kasi hindi ko kailangan ipagdasal na sana ikaw na nga dahil alam kong ikaw na nga, ang ipinagdasal ko ay Siya na ang bahala sa relasyon na mayroon tayo ngayon."
Pakiramdam ko namumula na naman mga pisngi ko. Ayun naman pala. Higit pa sa ipinagdasal ko ang ipinagdasal niya.
"Ahh! Speechless ako." Hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad na kami papuntang fast food restaurant para maglunch.
"Kailan ang balak mo umalis?" Tanong ko tungkol sa pag-aabroad niya ulit. Dahil bago maging kami ay nag-aasikaso siya ng pag-aapply niya papuntang ibang bansa.
"Nagdadalawang isip na ako kung aalis pa."
Napatingin lang ako sa kanya na ang mga mata ay nagtatanong ng bakit?
"Bakit?"Nahulaan niya ang gusto kong itanong. "Ayokong may maiwan, ayokong may alalahanin habang nasa ibang bansa. Ngayong tayo na nga talaga ay parang ayoko na umalis pa. Nangako kasi ako sa sarili ko na kapag nagka-gf ulit ay hindi ko na iiwan. Magsasama kami sa hirap at ginhawa." Seryoso niyang pahayag.
Kinilig ako sa mga sinabi niya. Seryosng-seryos na nga talaga siya sa akin dahil future na ang iniisip niya para sa amin.
"Hindi naman kita pipigilan kung gusto mo mag-abroad ulit. Kaya ko naman maghintay. Hihintayin kita."
"Hahahhaha." Natatawa siya habang napapailing.
"Bakit ka natatawa?"
"Ganyan-ganyan din siya noon. Ganyan rin ang mga sinabi niya." Sagot niya na ang tinutukoy ay ang ex niya na iniwan siya at hindi na nahintay.
Sa mga sinabi niya iisa lang ang naisip ko, kulang pa ang tiwala niya sa akin na kaya ko nga maghintay. Mukhang mahihirapan ako na makuha ang tiwala niya sa ganoong aspeto. Challenging para sa akin. Kaya ko ito. Mahal ko na siya.
"Sige kung ano ang gusto mo susuportahan kita. Ayoko rin an umalis ka pa, mas gusto ko rin na nakakasama ka."
Patapos na kami kumain ng may tumawag sa kanya. Tinatawagan na pala siya ng pinsan niya at kailangan na niyang umuwi.
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Ihinatid na muna niya ako sa sakayan.
"Daddy, ingat rin sa pag-uwi. I miss you agad." Text ko sa kanya nang makasakay na ako ng Bus.
"Ikaw rin Mom ingat ah. Pahinga ka agad pagkauwi. I miss you too."
"Opo, magpapahinga talaga dahil may pasok na ako bukas."
"Oo pahinga na agad. Huwag na magpupuyat ang mommy ko."
"Hayyy namimiss kita lalo, sige iidlip muna ako dito sa bus." Huling text ko sa kanya at itinago ko na sa bag ko ang cellphone ko.
Mahal ko na nga siya. Ang tanong kalian pa? Kailan ko naramdaman na mahal ko na siya?
Importante pa ba kung kailan? Basta ang alam ko nagising ako isang araw na namimiss ko siya at hinahanap hanap ang pakikipagtext niya at pagtawag?
Love is unexplainable kusa mo na lang mararamdaman, may kakaibang saya ang bumabalot sa pagkatao mo.
"Mom nandito na ako sa bahay ng pinsan at kapatid ko. Asan ka na? Update mo ako ha."
Nabasa ko sa text niya nang tingnan ko ang cp ko.
"Malapit na ako sa bahay, matrapik lang dahil umulan ng malakas."
"Okay.Pahinga ka pagka-uwe.Andito mga pinsan ko at tropa mag-inuman kami."
"Sige huwag magpapakalasing ha."
"Oo Mom ko." Nasanay na talaga siyang tawagin akong mom.Okay lang ang sarap naman pakinggan kasi pakiramdam ko mag-asawa na nga talaga kami.
Madilim nang makauwi ako ng bahay. Kumain na kami ng mga pinsan ko at naghanda na ako ng uniform at mga gamit ko dahil first day ng pasok bukas sa school. Kailangan ko na magpahinga dahil napagod talaga ako.
Napapangiti ako mag-isa habang nakahiga na sa kwarto. Naaalala ko kasi na magkatabi kami matulog noong nakaraang gabi ng sabado.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya bumalik ang isip ko sa realidad.
"Kumain ka na mom? Tulog ka na ba? Text ni Jasper at napangiti na naman ako.
"Oo kumain na ako Daddy. Nakahiga na ako. Tapos na ba kayo?"
"Oo tapos na kami mag-inom pupunta kami sa labasan para kumain ng lugaw."
"Ah maigi iyan pampahulas."
"Namimiss na kita agad Mom. Hintayin mo ako ha sabay tayo matulog." Naglalambing siya oh.
"Ikaw rin naman Daddy namimiss ko kaagad. Nakakaadik ka kasi.haha." Nahawa na ako sa kalandian niya.
"Maya ka na magtext sila muna asikasuhin mo. Okay lang naman ako dito."
'Sige huwag mo muna ako tutulugan ha?"
"Opo Daddy." Sagot ko kahit inaantok na ako at maaga pa ang pasok ko bukas.
Alas Onse na at gusto ko na matulog kaya nagtext na ako sa kanya na mauuna na ako matulog.
"Sige Mommy mauna ka na matulog, pahinga na."
"Sensya na Daddy ah,antok na talaga ako. Goodnight."
DUMAAN ang mga araw at nalaman ko na lang na magtatrabaho na pala siya dahil nag-apply siya ng trabaho sa may Taytay Rizal at doon muna siya sa kapatid niya.
Napahanga niya ako sa katwiran niya na gusto niya munang magtrabaho doon dahil ayaw niyang masabihang tambay. Ayaw niyang malaman ng mga kakilala ko na ang bf ko ay tambay.
Nadagdagan na naman ang paghanga ko sa kanya dahil nakikita ko talaga na seryoso na siya sa buhay.
Gabi-gabi ko ipinagpapasalamat na dumating siya sa buhay ko. Masayang-masaya ako sa lahat ng pangyayari. Naisip ko na sana huwag matapos ito.
Sa paglipas ng panahon mas nakikilala namin ang isat-isa. Kahit may trabaho siya hindi siya nakakalimot magbigay ng oras sa akin. Isang bagay na kahanga-hanga. Hindi siya nagbago ng pakikitungo sa akin.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...