Chapter 16

545 131 15
                                    

~*~

Kapwa namin nararamdaman na gusto namin na magkasama kami palagi, kaso hindi naman pwede dahil nandito ako sa Laguna at siya ay nasa Taytay naman.

Pareho kaming may trabaho. 

"Alam mo Daddy bawat araw nadadagdagan ang pagmamahal ko sa iyo." Isang araw na text ko sa kanya bago pumasok. Totoo naman kasi ang nararamdaman ko sa kanya.

Parang luyrics sa kanta ng "Til I met You", iyong "everyday I love you more each day."

Ganito pala talaga ang umiibig ng tunay! Palagi kang masaya at magaan sa pakiramdam.

"Ako rin naman Mom ganoon rin." Kahit pala aiya ay ganoon rin. Mutual feelings talaga kami.

May connection kami sa isa't isa na sana ay hindi na mapatid ang connection na ito.

Sana ang pagmamahal na nararamdaman namin sa isa't isa ay dahil sa pana ni kupido.

At sana ay ito na ang plano ng mapagbirong tadhana!

Handa naman akong masaktan kung sakali sakali man dahil alam ko rin naman na darating sa bawat relasyon ang masaktan ka.

Pero sa ngayon ay makikiayon muna ako sa utos ng tadhana.

Kahit LDR kami ay may oras pa rin kami sa isa't isa na magkausap at magkatext. Tuwing breaktime niya ay magkatext kami ganoon rin ako. Masaya ang bawat araw. Magaan sa pakiramdam na alam mong nagmamahal ka at minamahal ka.

"Mars ano na kaila mo ba ipakikilala ang bf mo sa amin?" text ng kumare ko na isa sa barkada ko rin.

Excited kasi sila makilala kung sino ang nagpalambot sa puso kong naging bato ng matagal na panahon.

"Makikilala nyo rin siya Mars. Wala pa lang sapat na oras para makapunta siya dito dahil minsan lang siya magka rest day."

"Ipakilala mo na iyan sa amin para makilatis."

"Hahaha! Oo mars. Marami ang gusto siyang makilala."

"Okay basta sa sabado ha tuloy ang bonding natin magbabarkada. Magpakita ka naman sa amin tatlong taon ka na hindi pumupunta dito Los Banos eh."

"Oo mars, sure na sa sabado. Nakapag organize na si Benjie para sa reunion natin. Katext ko rin at ka-chat ang ibang barkada."

"Ok mars. See you. Love you. Kailangan mars ikaw na ang susunod na ikakasal sa GCM (pangalan ng gurpo namin)" ang sweet talaga ni Mars Ellise. Siya ang pinakakalog sa aming magbabarkada kaya siya rin ang unang nag-asawa sa amin.

Speaking of kasal. May traditional kasi sa grupo naming magbabarkada. Well actually hindi naman intentional tradition, nagakataon lang kaya ganoon na after two years ay may ikinakasal sa grupo namin. Two years interval kumbaga. Nagakkataon lang naman at hindi sinasadya, kaya ngayong taon nag-aabang sila sino sa aming mga singles ang ikakasal.

2009 Ikinasal si Mars Jessa sa schoolmate niya dati na nagtagpo at nagkakilala sila dito sa Laguna. Destiny ika nga.

2012 Ikinasal si Mars Ellise sa high school sweetheart niya na isang sundalo.

2014 ikinasal naman si Mars Honey sa kapatid ko. Take note barkada ko hipag ko hehe.

2016??? Nag-aabang sila kung sino ang kasunod na ikakasal kaya turuan kaming mga natitirang mga  single kung sino ang next.

"Kailangan hindi masira ang tradition ng GCM." Sabi nila kaya ako ang puntirya nila na dapat daw ako na ang next dahil sa aming apat na natitirang single ay ako  daw ang may  karelasyon.

Hopefully!

Ako na nga sana ang next in line to become a bride. Nakikita ko na ang sarili ko sa future na kasama si Jasper.

Sabi diba ng mga matatanda na kapag naiimagine mo na ang sarili mo na kasama ang boyfriend mo sa hinaharap ay aminado ka na siya na nga talaga ang gusto mong maging katuwang sa buhay at habang buhay.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon