"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya.
Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Salamat!
#Saranghae
~*~
Casassey's POV:
Hindi ko na natagalan ang awkward moment kanina habang kasama ko si Jasper doon sa bahay ng Kuya niya.
Napapikit ako habang kumakanta siya ng Born Again este, Born For You. Napangiti ako kanina nang marinig ko sa kanya ang salitang Born Again, tanda niya pa pala kung ano ang tawag ko sa kantang 'yon.
"Grace pahiram ako ng t-shirt ni Jerick ha alam ko naman na hindi kakasya sa akin ang blouse mo dahil mas payat ka sa akin."
Humiram ako ng damit ng asawa ni Grace para makapagpalit ng damit at makatulog ako ng maayos mamaya.
Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Grace na inaayos na ang higaan sa kuwarto nila, ang dalawa naman niyang makukulit na anak ay mga naglalaro pa sa sala.
"Ate, dito ka na lang sa kuwarto namin, tabi na kayo ng mga bata. Sila Jerick at Kuya Jasper ay dyan na lang sa sala, si Ian kasi ay sa kabilang kuwarto. Minsan po si Kuya Jasper ay kasama ni Ian matulog sa kabilang kuwarto pero mas madalas ay dyan siya sa sala at naglalatag na lang ng kutson."
Pinahiga na ni Grace ang mga anak niya at pinapatulog.
"Sige makikitabi muna ako sa inyo matulog." Kinuha ko ang isang kumot at unan at naglakad palabas ng kuwarto nila. "Pero dito muna ako sa sala hihiga, manunuod muna ako ng Goblin."
Inilatag ko ang kumot at nahiga sa sahig. Nanunuod ako ng korean drama na Goblin kaso wala doon ang isip ko kundi na kay Jasper.
Hindi ko siya maintindihan kanina, ni hindi ako tinitingnan, nagpaparinig siya pero hindi naman ako pinapansin.
Aalis ba siya na hindi man lamang kami magkakausap?
Naputol ang pagsesenti ko nang tumunog ang cellphone ko.
Si Ian pala ang nagtext.
"Huwag ka na daw umuwi ha sabi ni Piolo. Diyan ka na lang sa kuwarto ko matulog, ako ay sa may sala na laang."
"Ang bait naman ni insan eh. Hahaha. Iyang si Piolo ay galit ata sa akin ni hindi ako pinapansin kanina."
"Anong galit? Hindi ah. Nagpapabebe lang ito. Kung ano-ano na nga ang sinasabi dine ay."