~*~
Alas dyis na at nag-aya na akong mag-check in na kami sa isang Hotel. Inaantok na rin naman ako at pagod dahil malayo ang byahe ko kanina.
Maraming exclusive Hotel na malapit sa Luneta at doon na lang kami naghanap ng mapaglilipasan ng gabi para kinabukasan ay makapagsimba pa kami sa Quiapo dahil hindi na namin nagawa kanina.
Tahimik kami pareho nang makapasok na sa loob ng room. Pinagmasdan kong maigi ang kabuuan nito, malinis at maayos ang mga gamit na nandito. May flat screen T.V. na pwedeng panuoran, may telepono sa gilid ng kama at naramdaman ko kaagad na malamig ang paligid dahil na ka-on na kaagad ang aircon.
Inilapag ko ang backpack ko sa ibabaw ng tokador , nakita ko dito na may nakapatong na dalawang towel at sabon at shampoo.
"Ah Jasper pahinga ka na muna. Magpapalit lang ako ng damit sa c.r." Ako na ang unang nagsalita para mabasag ang katahimikan sa pagitan namin.
Habang nasa loob ako ng comfort room ay narinig ko na binuksan niya ang t.v.
"Kaya mo ito Cassey!" kausap ko na naman ang sarili ko at inaalis ang kabang nararamdaman ko.
Paglabas ko ng shower room, nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kama at nanunuod.
Nakasando na lang siya at nakaboxer.
"OMG! Oxygen please. Personal kong nakikita ang mga biceps niya. Ang macho niyang tingnan." Hindi ko maiwasang hindi kiligin sa nakikita ko.
"Ah Jasper, mag-shower ka na rin para presko ang pagtulog mo." Untag ko sa kanya at tumingin naman siya sa akin at ngumiti.
"Ano ba itong napasok ko. Mamaya samantalahin niya ang pagkakataon."
"Teka baka siya pa ang pagsamanatahan ko. Joke lang ha! Nawawala ang pagkadalagang Filipina eh."
"Sige Mom!" Tumayo na siya sa pagkakaupo at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa upuan.
Ako naman ay umayos na ng higa sa kama.
Hindi mawala ang kaba ko. Pero kaya ko itong plano ko.
Kakaisip kay Jasper na kasalukuyang nagsa-shower ay nakaidlip ako.
Hindi ko na siya namalayan na nasa tabi ko na pala siya at nakaupo.
"Nakatulog na si Mom ah!" Narinig kong sabi ni Jasper.
Nagkunwari muna ako na natutulog pa.
Siya naman tahimik lang na nanunuod, ayaw niya ata ako maistorbo sa pagtutulug-tulugan ko.
"Tapos ka na pala." hindi rin ako nakatiis sa pagpapanggap ko. Ikaw ba naman ang hindi matuliro eh katabi mo at kasama sa isang kuwarto si Piolo!
"Oo. Pahinga ka na diyan. Pagod ka sa byahe ay."
"Hindi. Ayos lang ako. Kuwentuhan muna tayo bago ako matulog." Umayos ako ng upo at magkatabi na kami.
Nagpalipas kami ng ilang oras sa pagkukuwentuhan. 'Yong feeling na ayaw mo na matapos ang oras na iyon.
Gusto mo tumigil na lang sana ang oras.
"Cassey, itatanong ko lang. Bakit mo ko hinamon sa ganitong bagay?"
Paktay! Gusto niya malaman ang plano ko at ang hamon ko sa kanya.
"Uhmmm! Kasi ano, kasi Jasper." Kainis di ko mapigilang mautal sa harap niya.
"Go ahead Cassey! Sabihin mo rason mo. "Para makapagpigil ako sa gusto kong gawin sa iyo."
Bigla akong napatingin sa kanya at nanlaki ang mga mata ko.
"Bakit Jasper?At ano ang gusto mong gawin sa akin?" Tinaasan ko pa siya ng kilay at tinarayan.
"Ganito lang naman ang gagawin ko sa iyo!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya.
Alam ko na hahalikan niya ako.
Pero bago pa niya maituloy ang balak niya ay ihinarang ko na ang palad ko sa bibig ko at saka siya itinulak.
Bigla siyang tumawa sa ginawa ko sa kanya.
"Joke lang naman Cassey. Hindi ka mabiro. Sige ituloy mo na ang sasabihin mo."
"Ay sayang joke lang pala! Pabebe pa kasi ako eh!" Natatawa ako sa sarili ko kasi gusto ko naman talaga at kunwari lang na ayoko.
"Okay seryoso na! Sa totoo lang kasi Jasper, kabado ako at dahil hinamon kita gusto ko panindigan. Huwag mo sana isipin na gawain ko ito. Sa'yo lang. First time ko ito na pumasok sa ganitong lugar."
Hindi ako makatingin sa kanya at nahihiya. Pero heto na kami eh. Nandito na, kaya ituloy ang plano.
"Ang totoo kasi Jasper ay gusto ko patunayan na karapat dapat ka nga sa akin. Ayokong magkamali na naman kaya susubukin kita ngayong gabi kung kaya mong magtimpi at irespeto ako."
"Whew! Nasabi ko rin. Sana maunawaan niya ako."
"Oo naman Cassey. Huwag kang mag-alala, hindi ako lalagpas sa limitasyon na ibinigay mong pagkakataon. Handa ako maghintay at may respeto ako sa iyo, ayokong sayangin itong chance na ito."
"Salamat Jasper. Matulog na tayo." Hihiga na sana ako kaso bigla siyang humarap sa akin.
Nagkatitigan na naman kami.
Unti-unti na naman niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Joke na naman ba niya ito? Pero bakit parang mas gusto kong gawin niya ang joke niya.
Napapikit ako. At namalayan ko na lang na naglapat na ang aming mga labi.
May sariling utak ata ang mga labi ko dahil kusang tumugon sa mga halik ni Jasper.
Nagpaubaya ako sa nangyayari.
"I love you Cassey" bigla niyang bulong sa akin.
"I love you too Jasper."
Pinahiga na niya ako sa tabi niya at pinaunan sa pinapangarap kong mga braso niya.
Ang sarap MAKULONG! Makulong sa matitipuno niyang braso.
Magkayakap kaming natulog at hindi na namalayan ang paligid.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...