Chapter 21

504 117 13
                                    

~*~

Nagkaroon ng anak si Jasper sa ex niya. Gusto na niyang makita at makasama ang bata kaso itinatago ng ina sa kanya.

Naramdaman ko tuloy nang mga oras na iyon 'yonh lungkot niya.

Natanggap ko siya kahit may 8 years old na siyang anak at nangako ako sa sarili ko na gusto ko siya tulungan para makita ang bata na sa pictures pa lang niya nakita.

"Mommy, ang sarap siguro kung pagkarating ko ng bahay galing sa trabaho ay ikaw ang madadatnan ko sa bahay, tanggal agad siguro ang pagod ko." Minsang paglalambing niya sa akin.

Kaya naman ang pagpunta ko sa bahay nila Jasper sa Taytay Rizal ay naulit dahil gusto ko tuparin ang imagination na sinasabi niya. Gagawin ko ito dahil hindi sa gusto lang niya kundi dahil gusto ko rin.

M.A. nga kami diba? As in mag-asawa, pero hindi nga lang legal kaya may mga bagay na hindi pa namin ginagawa na tanging mag-asawa lang ang may karapatang gawin iyon.

Alam niyo na iyon kung ano man iyon.

Basta hanga ako sa respeto ni Jasper. Sa sarili ko lang ako walang tiwala. Hahaha.

AUGUST 4 2016, araw ng Friday at wala kaming pasok kaya sabi ko pupunta ako sa kanila at Monday na ng umaga ako uuwi.

Gusto ko kasi gawin kaya gumagawa ako ng paraan na maipadama ko sa kanya ang pagmamahal ko.

Ipinagluto ko siya ng sinigang dahil alam kong mahilig siya sa may sabaw at sipunin siyang tao kaya kailangan niya ng maasim.

Para lang kaming mag-asawa na kung kumilos, sabay kami kumain. At magkatabing natutulog.

Araw ng linggo ay hindi siya pumasok dahil gusto niya ako makasama. Nasa bahay lang kami maghapon. Hindi rin naman ako mahilig gumala mas kuntento ako na nasa bahay lang, home body ika nga nila.

"Ang lalim ata ng iniisip mo Daddy." Puna ko sa kanya ng makita ko siyang nakatitig sa kisami.

"Oo Mom. Nag-isip ako kasi gusto ko na muna umuwing probinsya. Pauwiin mo na muna ako Mom."

"Oo naman, bakit naman kita pipigilan. Saka para makalanghap ka ng sariwang hangin doon, lagi kang sinisipon dito. Mapolusyon kasi dito sa Maynila."

"Baka tapusin ko na lang hanggang katapusan ang trabaho ko bago ako makauwi."

"Basta kung ano sa tingin mo ang mas makakabuti ay hindi kita pipigilan Daddy. Sabi mo nga kailangan ka rin sa inyo dahil maraming kailangan gawin doon at kailangan mo matulungan sila papang mo."

"Gusto kita isama pag-uwi ko. Pwede ka ba sa katapusan.?"

OMG! Nagulat ako sa sinabi niya. "Oo naman, gusto ko sumama sa inyo." Naexcite ako dahil after 12 years makakabalik ako ng Marinduque.

Akala ko hindi na ako makakabalik doon dahil wala naman nang dahilan para bumalik ako doon pero ngayon ay may dahilan na.

"Tiyak na matutuwa sila kapag isinama kita. Kasi ikaw pa lang ang maisasama ko sa bahay."

"Maniwala naman sa iyo na wala ka pang nadadalang babae doon, sa gwapo mong iyan Daddy oh!" Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinisil dahil nanggigigil talaga ako sa gwapo niyang mukha.

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Totoo nga ang hinala ko sa kanya na pihikan nga siyang tao pagdating sa babae.

"Sinabihan nga ako ni Papa noon na mag-asawa ng teacher para kahit bakasyon ay may sweldo pa rin." Bigla siyang tumawa ng malakas at napapailing. "Mga tao sa amin ay ang mga asawa ay teacher pero mga tambay."

Sa sinabi niyang iyon I got his point. Ayaw niyang mapasama sa sinasabi niyang tambay kaya pala nag-apply agad siya noong maging kami na.

"Masanay ka sana sa mga tao sa amin ha, malakas mang alaskador ang mga tao doon."

"Mapang-asar ganun ba?"

"Oo. Pinupulaan ang mga nagiging asawa kapag inuuwi doon. Kung ano-anong pamumuna, mga walang magawa ay!"

Natatawa siya na naiinis dahil sa ugali sa kanila.

"Bakit ano naman sa tingin mo ang ipipintas nila sa akin?" Gets ko yung punto ng usapan namin.

Pakiramdama ko na naalangan siyang isama ako dahil tiyak na may ipupuna sa kanya. Ayoko mag-assume ng kahit ano pero basta alam ko at ramdam ko kung ano.

Bigla akong nanahimik. Kinuha ang headset at nakinig ng music sa cellphone. Kunwaring nagtetext rin.

Napansin niya ang kilos ko.

"Nainis ata si aling maliit ah."

Hindi ko siya pinansin. Tahimik lang ako.

"Hahahaha..naasar ga ang bata."

"EH paano paulit-ulit mong sinasabing mapang-asar sila. Iba kasi dating sa akin ng mga kuwento mo at sa reaksyon mo ay parang nahihiya ka talaga na isama ako kaya hindi na lang ako sasama para hindi ka mapintasan ng mga tao doon." Mas iniisip mo pa ata ang sasabihin nila. Dagdag ko sa isip ko pero hindi ko na isinatinig.

"Hindi naman sa ganoon Mom. Sa totoo lang kasi naaalangan ako sa iyo dahil teacher ka." Sabi niya at nakuha ko rin yung pinupunto niya.

Nawala na ang inis ko. At kumain na kami ng dinner.

Kailangan ko pa lang mag-adjust, ako pala ang dapat na gumawa ng paraan para maiparamdam ko sa kanya na hindi dapat siya maalangan.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon