~*~
Nakatanaw lang ako ngayon sa dagat, pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng barko.
Unti-unti ring nawawala sa paningin ko ang mga ilaw sa mga kabahayan at napapalibutan na lamang ng tubig ang buong paligid.
Nakasalpak sa tainga ko ang earphone at nakikinig ng mga kantang paulit-ulit kong pinapakinggan.
Nandito ako ngayon sa barko at papunta na sa Marinduque.
Habang papalayo nang papalayo ang barko ay pakiramdam ko na papalayo na rin ako ng papalayo kay Jasper.
Iyong pakiramdam na papunta ka sa napakalayong lugar!
Alam kong wala na si Jasper sa kanila at nasa Pasig na ngayon kaya mas pinili ko na magbakasyon dito dahil para mapalayo na rin sa kanya dahil baka hindi ako makapagpigil at mapuntahan ko pa siya doon.
“Ate, nakaalis na si Kuya dito. Papunta na siya sa Pasig, hinihintay na lang ang ticket niya dahil baka 2nd week ng April na raw siya makaalis. Dala na niya mga gamit niya. Iyong motor niya ipinasok na niya dito sa bahay dahil wala naman ng gagamit.”
Binasa ko ulit ang text ni Meryl sa akin noong isang araw.
Medyo nalungkot kasi hindi meant to be na magkita kami doon.
Pero what if kung nagjojoke lang si Meryl, na pagdating ko sa kanila ay nandoon pa si Jasper at hinihintay ako?
What if nag-aabang pala siya na lumapit ako.
What if? Hay!Puro what if.
Past 11 na ng gabi ako nakarating sa bayan ng Sta.Cruz sa Marinduque. Maraming tao sa paligid dahil naghahanda para sa Holly Week. Para sa Moriones Festival.
Hindi na nagtext si Meryl dahil baka nakatulog na kakahintay sa akin.
Pagdating ko sa kanila ay mga aso ang sumalubong sa akin at tinatahulan ako. Tahimik na ang paligid at wala nang taong gising.
Pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad ako papunta sa bahay nila.
Nakita ko ang iniwang bakas ng bagyo noong nakaraang December.
Mga nakatumbang puno at ang wasak na kubo nila.
Kumatok ako pero walang tao sa sala.
Hindi naka lock ang pinto kaya pumasok na ako sa loob.
Nakakabingi ang katahimikan, mga kuliglig at palaka ang naririnig ko nang gabing iyon.
"Wala na nga siya dito." Bulong ko nang makita ko ang motor ni Jasper na nasa loob ng bahay.
Naupo ako sa sofa nila at narinig ko na bumukas ang pintuan ng kuwarto nila.
“Ate andito ka na pala, hinihintay ko po ang text ninyo ay.” Bungad ni Meryl nang makita ako sa sala.
![](https://img.wattpad.com/cover/100733433-288-k676344.jpg)
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Non-Fiction"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...