"Pasensiya ka na Mommy kung hindi ako madalas magtext sa iyo, kay daming gawa dito at madalas ako sa laot eh." Sabi ni Jasper habang nakatitig sa mga mata ko.
Nasalamin ko sa kanya yung lungkot, nalulungkot rin siya sa estado ng relasyon namin ngayon.
"kahit hindi man ako magparamdam sa iyo ay miss na miss kita mommy ko..uhmmmm..pakiss nga ulit." Hinalikan niya ako sa noo at sa labi.
"Okay lang naman naintindihan kita, nakakalungkot lang kasi."
Niyakap ko siya ng mahigpit.
Nang biglang may kumatok sa pintuan.Dumating ang cute na cute niyang pamangkin. Inasikaso ko muna yung bata at pinaghanda ng kakainin, dumating na rin ang ate ni Jasper.
"Anong oras ka nakarating?" tanong ni ate Donna.
"Mga 7:am na po. Galing po kayo sa bayan ate?
"oo at kasama ko yang makulit na iyan at nagpabili ng lugaw."
"Ah kaya pala kanina tumatawag ako sa inyo walang sumasagot pero bukas ang pinto."
"Iniiwanan naming bukas ang pinto sa kusina andito naman si Jasper eh. Dindi kumain ka muna dito ah. Sige Cassey magluto muna ako sa bahay."
"Sige po.Bantayan ko muna si Dindi." Tuwang tuwa na akong nakipagkulitan sa pamngkin ni Jasper dahil napakabibo kausap.
"kain ka lang Dindi ah ubusin mo lugaw mo para lumaki ka kaagad."
"Oh akala ko matutulog ka.?" Tanong ni Jasper pagpasok sa kusina ng Makita ako na gising pa.
"Mamaya na andito si kulit eh."
Inubos na ni kulit ang lugaw niya at nagpaalam ng uuwi na kaya natulog na ako sa kuwarto.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras ako nakatulog. Nagising ako ng gisingin na ako ni Jasper.
"Mag-aala-una na.kain na muna tayo ng tanghalian." Sinundan ko na siya sa kusina at tinulungan mag handa ng pagkain.
"Wow, paborito ko. Pancit. (Pansit o Mickey na doon lang sa kanila matatagpuan) , namiss ko to. Ito madalas ipaluto ko kay Lola nung high school lalo na pag sardinas ang lahok."
Nagluto pala siya kanina nang hindi ko namalayan dahil sa lalim ng pagkakatulog ko.
Pakiramdam ko ay para na kaming mag-asawa nga talaga.
Alagang-alaga niya ako at inaasikaso. Pansin ang sigla sa bawat kilos niya.
Pagkatapos naming kumain ay natulog na ulit ako.
Siya naman ay abala na ulit sa labas.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
No Ficción"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...