Chapter 48

495 97 74
                                    

~*~

"Assumera lang ba ako? Nag-aassume at umaasa? Pero hindi eh. Ramdam ko pa rin talaga na mahal pa niya ako."

Bulong ko na naman sa sarili ko habang nagmumuni-muni na naman at nakikinig ng mga heart broken songs.

Kahit bakasyon na ay nakikitira pa rin ako sa kapatid ko lalo na at wala akong kasama sa bahay sa Calamba dahil nagbabakasyon ang pinsan ko sa amin sa Rizal.

"Siguro macoconfirm ko lang na mahal niya pa talaga ako kapag nagkita na ulit kami.Kaso kaylan pa?Baka hindi na kami magkita dahil malapit na siyang umalis."

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

One message receive:

" Ate Cassey, umuwi ngayon dito si Kuya Jasper kasama ang tatlo ko pang pamangkin na lalake. Wala pa raw ticket niya sa plane baka mga May pa." Text ni Meryl.

"Hahaha.Hindi talaga kami pinagtatagpo ng tadhana. Kung kalian wala na ako diyan ay umuwi pala siya."

Text ko kaagad kay Meryl.

Hay naku, tadhana nga naman, masyado ka nang mapagbiro eh.

Bahay, School, School, Bahay lang ulit ang routine ko. Kaya sana mag June na para maging abala na ulit ako.

Kapag nasa bahay ako ay Kdrama ang pinagkakaabalahan kong panuorin.Mga Korean Drama at naadik ako sa "Legend of the Blue Sea" at nakarelate na rin na kung saan ay lahat ay gagawin alang-alang sa taong minamahal mo.

Mabuti na lang at may outing ang School naming papuntang Vigan,Ilocos Sur isa sa pangarap kong lugar na pasyalan.

"Hi Grace, pasyal ako dyan sa Taytay pagkagaling ko sa Ilocos at sa Baguio ha.Papasyalan ko man lang ang inaanak ko." Text ko kay Grace na hipag ni Jasper.

Matagal ko na talagang planong pasyalan sila sa Taytay Rizal, ayoko lang magkrus ang landas naming ni Jasper doon noon. Dahil kapag wala siya sa Pasig ay nasa Taytay siya.

"Sige po ate Cassey.Hintayin ka po namin dito."

"Basta pupunta ako dyan kapag wala si Kuya Jasper mo ha."

"Ah ganun po ba, sige po nasa Marinduque naman siya ngayon."

"Pahingi akong number ni Ian."

Hiningi ko ang number ni Ian na pinsan nila para makikamusta.Alam ko na may alam na rin iyon.
Pagkarecieve ko sa number ni Ian ay tumawag kaagad ako.

"Brad.Si Cassey ito. Kamusta ka na? Hahaha. Hiningi ko kay Grace number mo."

"Ay Ma'am ikaw pala iyan.Ayos naman kami dito. Heto at kararating lang."

"Wala diyan si Piolo diba, kaya baka pumasyal ako dyan next week."

"Ay wala nga dito si Piolo. Sige Ma'am Sarah dala kang pasalubong. Hahaha."

"Sarah ka diyan. Hahaha. Sabagay ay siya si Piolo ako si Sarah G. Hahaha."

Biglang naputol ang tawag mahina siguro ang signal. Mahina naman kasi talaga ang signal sa kanila sa Taytay. Tumawag ulit ako.

"Hello, napuputol eh. Mahina signal mo." Nasa loob ako ng Puregold at nagogrocerry kaya medyo hindi ko siya marinig.

"Ian pakilakas boses mo ha.Hello.."

"Hello Ma'am. Ok na ba naririnig mo na ba ako?"

"Ayan medyo okay na, naka headset naman ako kaya malinaw kitang naririnig.Kamusta na si Piolo diyan? Alam ko na may alam ka sa sitwasyon namin"

Nagtanong ako para makakuha na naman ng impormasyon para maconfirm ang gut feeling ko na mahal pa rin ako ni Jasper.

"Ah si Piolo tahimik lang naman iyon hindi nagkukuwento iyon. Kapag nalalasing naman ay nagdadrama dramahan na tila iiyak."

"Kaya nga ako nagtatanong sayo kasi alam ko na madalas kayo magkasama sa inuman session ninyo dyan."

"Hindi naman ako nagtatanong tungkol sa inyo pero oo alam ko nangyari sa inyo ngayon.
Kasi nung December tinanong ko sa kanya na bakit wala ka, hindi siya umiimik. Hindi ko na lang kinulit at baka masapak ako. Hahah. Dito naman kada malalasing ay lagi niyang kinakanta yung pusong ligaw. Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw" Mahaba niyang kuwento at bigla pang kumanta.

Pusong Ligaw.

Alam ko ang kantang iyon. At Alam ko ang kahulugan nun.

"Ah hanap ng puso niyang ligaw. Sino naman kaya ang hanap ng puso niyang ligaw.Hahaha."

Baka naman kasi hindi ako o hindi para sa akin iyong kanta.Baka kay ex niya na si Liza.

"Ay ewan rin.Hahaha."

"Osige. Text na lang ako kapag makakapasyal na ako diyan."

Nagpaalam na ako sa kanya at umuwi naman na ako sa bahay ng kapatid ko.

~*~

May 21, 2017 Araw ng Linggo.

Habang nakahiga ako at nagbabasa ng wattpad ay nagmessage bigla si Axel.

Ang pamangkin ni Jasper.

"Ate Cassey, sorry po hindi ko po nabili ang ipinapabili nyo po sa akin dito sa Marinduque.
Si Tito po kasi kailangan na po daw naming bumalik sa Pasig ngayon."

Napabangon ako bigla sa message niya at nagreply agad ako.

"Nasa byahe na kayo ngayon?"

"Asan na kayo?Nasa barko na ba?"

"Bakit daw kailangan nyo nang umuwi?"

Sunod-sunod ang tanong ko sa kanya.

Nabigla kasi ako sa balita niya kasi.

Baka dahil dumating na ang ticket niya at malapit na ang flight niya.

"Hindi ko po alam kay Tito. Basta nagmamadali na eh. Andito na po kami sa barko. Sorry po talaga hindi ko na nabili ang bilin nyo po."

"Ah okay lang.Saka na lang ako bibili pag balik ko doon."

"Sorry po talaga. Sige po ate ibalik ko na po itong cellphone kay Tito, nakigamit lang po ako ng cellphone sa kanya. Log out na po ako."

Paghingi pa rin niya ng sorry dahil hindi niya nabili ang pinapabili ko sana at balak ko na lang kunin kapag nagpunta ako sa Pasig.

"Okay.Sige mag-iingat kayo.Madaling araw na ang dating ninyo sa Pasig. "

Nagtext rin si Meryl nang gabing iyon na ihinatid na niya sa pier si Kuya Jasper niya at ang mga pamangkin nila.

Pabalik nang Pasig.

At dumating na raw ang ticket ni Jasper pero hindi pa alam kung kaylan ang flight.

Tama nga ang hinala ko na dumating na ang ticket niya.

Bigla akong hindi mapakali sa balitang iyon.

Palapit na talaga nang papalapit ang pag-alis niya.

Ngayong week rin pati ang plano kong pumasyal sa Taytay. Paano ako pupunta kung naandoon siya.

Oras na ba para magkita kami at makita ko man lang siya bago siya umalis?

Anong gagawin ko?

Isip ng plano Cassey!

~*~

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon