Chapter 15

587 130 16
                                    

~*~

Isang buwan na kaming hindi nagkikita dahil sa schedule niya. Nagkakaroon lang siya ng rest day ay tuwing Sunday kapag dayshift siya ng umaga. Kaya nagset kami ng araw kung kelan ulit magkikita.

"Mommy sabik na ako makita ka." Paglalambing niya minsan dahil alam ko na gusto niya na ulit na magkita kami.

Nagkakatext kami bago siya matulog sa umaga pagkauwi niya galing night shift at hindi ko ipinagkakait ang oras ko sa ganoong sitwasyon. Minsan lang kami magkatext sa loob ng isang araw kaya kapag nagtext siya magrereply agad ako at palagi ko namang inaabangan ang text niya, nasanay na kasi ako sa habit namin na lagi magkatext o magkausap.

"Ako rin naman daddy eh. I miss you too."

"Date tayo sa bukas Mommy. Same place." Same place na tinutukoy niya ay ang Luneta.

"Sure Daddy.  Isang buwan na tayong hindi nagkikita pati."

"Excited na naman ako alam mo ba iyon. Anong gagawin mo sa akin Mom pag-nagkita tayo?" Pilyong tanong na naman niya.

"Hahaha! Bakit ikaw ano ba ang gusto mong gawin sa akin?" Balik kong tanong sa kanya.

"Malalaman mo na lang kung ano ang gagawin ko sa iyo kapag nagkita tayo."

Hmmm..Ano nga ba? Gusto ko lang siya makasama, makausap at mayakap muli.

Dumating ang araw ng Sabado at araw na naman ng pagkikita namin. Pangaawang beses na date na naman ito.

I love sabado talaga kasi tuwing Sabado at Linggo ang kami pwedeng magkita.

Habang nasa byahe ako papunta sa meeting place namin ay may naisip ako.

Same time, same place. Meaning pinuntahan ko ulit siya kung saan siya nakapuwesto noong una naming pagkikita.

Magkausap kami sa phone habang papalapit sa kanya. Nag-iba ako ng daan para hindi niya muna ako makita at gusto ko muna kasi siyang mapagmasdan.

"Asan kana Mom?"

"Malayo pa hintayin mo lang ako diyan sa puwesto mo." Sabi ko na ang totoo ay malapit lang ako sa kanya at malaya ko siyang pinagmamasdan.

Nakasando siya ng yellow stripe. Kahit nakasando lang siya ang gwapo at ang macho niyang tingnan. Lalo tuloy ako na-inlove sa asawa ko.

"Dream On Cassey! Pinapantasya mo na naman si Jasper!"  Saway na naman ng maharot kong utak.

Nakita na niya ako kaya nabuking ako na nakatingin sa kanya.

Nagtatawanan kami habang papalapit sa isa't isa.

"Hi. Kamusta? Namayat ka ata ah?" Bati ko agad sa kanya nang nagkalapit na kami.

Naglakad kami habang nag-uusap.

"Kakatrabaho lalo na pag night shift. Ikaw namayat ka rin ata ah." Ewan ko kung nang-aasar ba siya o napansin niya ngang namayat ako ng kaunti. Kaunti lang naman. Nagda-diet eh!

"Ah mejo diet hehe." Hinawakan niya ang kamay ko. At inaya ako na maghanap ng mauupuan.

Umikot lang kami sa buong area ng mapunong lugar ng parte ng Lunetang iyon pero wala kaming makitang pwedeng maupuan o dahil ayaw naman talaga naming maupo at nag-eenjoy sa paglalakad habang magkahawak ng kamay. HHWW lang. Holding Hands While Walking na naman kami!

Tumigil kami sa may gilid ng puno. Dahil wala naman kaming maupuan. Nakatayo lang kami habang nag-uusap.

"Wow hindi ka na ata naiilang ngayon sa akin ah.' Puna ko sa kanya na natatawa paano kasi panay ang hawak niya sa kamay ko at akbay.

Niyakap niya ako sa likod. "Oo inalis mo na ang pagkailang ko." Sagot niya at hinalikan ang ulo ko. "Maigi rin palang maliit ang gf dahil nayayakap ko ng ganito." Pang-aasar na naman niya sa height ko. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.Matangkad kasi siya. Pero kinikilig lang ako sa gesture niya.

Sabik nga siya at namiss niya nga ako talaga.

Medyo maliwanag pa kaya maraming tao sa paligid. Mga may kapwa kapareha din na katulad namin na walang pakialam sa paligid.

Ako 'yong taong ayoko sa PDA o Publc Display of Affection pero noong oras na iyon pakiramdam ko wala akong nakikitang iba kundi kaming dalawa lang. Ganun siguro talaga kapag nagmamahal. Sa kanya ka lang nakapokus.

"halika doon tayo sa may hindi masyadong matao." Aya niya sa akin

Naglakad kami na magkahawak pa rin ang mga kamay at sa may Quirino Grand Stand kami napadpad sa tapat ng Manila Ocean park. Alas sais nang gabi pero medyo maliwanag pa rin.

Naglatag kami ng sapin sa damuhan na ibinebenta ng mga parokyano sa Luneta.

Nakaupo lang kami noong una. Walang pakialam sa paligid, kung sabagay naman ay hindi matao at malayo ang agwat namin sa ibang taong nagdedate din doon.

Kuwentuhan lang kami ng mga bagay-bagay. Kamustahan sa mga pangyayari nang nakaraang araw.

Humiga na siya at pinahiga niya ako at nakaunan sa braso niya. Nakatingin kami sa langit na unti-unti nang sumusungaw ang mga bituin dahil nag-aagaw dilim na.

July 18, 2016 nang araw na iyon. Pangalawang beses ng aming pagkikita.

Simple lang ang lugar at paligid, pero kahit simple lang ay nagiging espesyal dahil sa kasama ko ang taong nagpapasaya sa akin at ang taong mahal ko.

Hindi mahalaga kung maganda ba o bongga ang lugar ng date nyo ang importante masaya ka dahil kasama mo ang taong nagpapasaya sa iyo.

"Alam mo Mom parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin na tayo na, na akin ka na nga talaga." Sabi niya habang sinusubuan ko siya ng chocolate na dala ko.

"Bakit naman?"

"Parang isang panaginip kasi. Ikaw akin ka na ngayon." Natatawa niyang sabi. "At saka kahit two months pa lang tayo pero pakiramdam ko parang ang tagal na ng relasyon natin."

"Well kahit ako hindi rin makapaniwala, imagine todo iwas ako sa iyo dati. Isnabera. Hindi ka pinapansin. Pero ngayon heto tayo oh magkasama." Pag-amin ko rin sa kanya.

"At saka iyon rin ang nararamdaman ko Daddy parang ang tagal tagal na natin. Siguro kasi matagal naman na talagang magkakilala ang mga puso natin at ngayon lang natin sila napagbigyan." Dagdag ko pa na halatang humuhugot  pero totoo 'yong sinabi ko.

Nagkatinginan lang kami sa isat-isa at ngumiti siya sa akin.

At that moment, biglang nagputukan ang mga fire works sa bandang harapan namin dahil nakaharap kami sa Manila Ocean Park at may firworks display.

Mas lalong naging romantic ang paligid. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay naming pinanuod ang iba't ibang kulay ng fireworks. Nakaka-inlove lang lalo ang paligid.

Sobrang ganda ng timing ng mga fireworks. Napaka amazing!

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon