Chapter 28

441 108 15
                                    

LUMIPAS ang dalawang buwan na ganyan ang sitwasyon at palapit nang palapit ang araw ng sembreak na kung saan ay uuwi ulit ako sa kanila sa probinsya para doon magbakasyon at mas makausap ko siya.

"Hi sis, feeling excited.Malapit na sembreak." Text ko kay Meryl,sa kapatid niya.

"Oonga, malapit na." Reply niya agad sa text ko.

Natutuwa naman ako na kahit alam ko na minsan ay busy rin siya ay may mga pagkakataon na nagreresponse agad siya sa akin.So Supportive sister to her brother.

"Kamusta pala sila Mama?" oha! Nakiki-Mama na rin ako sa mama nila. Ang awkward naman diba kung sabihin kong 'Tita'.

"Ah sina Mama nasa Pasig ngayon, kahapon  lang lumuwas."

"Ha?Talaga nasa Pasig sila.Hanggang kelan sila sa Pasig?"

"Buong sembreak, o baka hanggang pasko na sila papa at mama doon."

"Hala, wala pala sila diyan pag-uwi ko.Bigla naman ako nalungkot." Totoo yun na nalungkot ako na hindi ko pala makakasama parents ni Jasper. Feeling close na kasi ako.

"Andito naman kami ni Kuya.Haha."

"Sabagay andiyan nga naman kayo."

"Pero aalis ako ng Nov.24 sa Nov. 30 na balik ko."

"Ay hindi na pala kita diyan maabutan pag-uwi ko diyan."

"Oonga eh."

"Masosolo ko pala kuya mo diyan.hahaha." Bigla akong kinilig ng bongga na masosolo ko nga naman si Jasper. As in kaming dalawa lang sa bahay nila.

"hahaha. Sinadya ko talaga yun para magsolo kayo sa bahay."

"Hahaha.May ganun palang rason oh!" May pagkapilya rin pala si Meryl.

"OO, kayo lang ni Kuya kung hindi pa naman kayo magkadevelopan ewan ko na lang sa inyo."

"hahahah. Don't worry sis, I'll make sure na magkakausap kami ng Kuya mo regarding sa pag-iwas factor niya sa akin.

Nagpaalam na ako sa kanya at pinili nang matulog kahit alam kong hindi naman ako nakakatulog. Ewan ko ba hirap ako makatulog. Lakas ng tama ng Insomia ko, o yung feeling na parang may nag-iisip sayo o assuming lang ako.

Kinaumagahan naisipan ko i-message sa FB ang bunso nilang kapatid para makausap ko sa phone si Mama.

"Hi bhe pwede ko ba makuha number mo? Tatawagan ko lang si mama nyo.May ipagpapaalam lang ako.Tnx." Chat k okay Ara, ang bunso nila.

"Eto po ate number ko. 092809*******" reply agad niya kaya nagtext agad ako.

"Hi, ate Cassey ito. Nasa Pasig pala kayo. Text mo ako ha kapag pwede ako tumawag at hindi busy si Mama mo."

"Ah sige po ate. Papunta kami sa Taytay ngayon.text kop o agad."

Pauwi pala silang Taytay Rizal, doon nakatira ang panganay nilang kapatid at ang bunso sa lalaki nilang kapatid na tinirahan naman ni Jasper noong nasa Taytay pa siya kung saan ay nakarating na ako twice.

"Okay bhe.salamat."

Makalipas ang ilang minuto ay  nagtext na siya na tumawag na raw ako.

"Hello po." Bati ko kaagad pagkasagot ni Mama  sa CP.

"Oh ineng, kamusta.Kelan ka uuwi sa bahay? Tanong agad ni mama.Inaasahan niya na uuwi talaga ako.

"Ah sa Nov.28 po may pasok pa po kasi ako."

"ikaw na ang bahala sa bahay at si Japser lang mag-isa doon.Siya lang nag-aasikaso sa mga baboy.Naiisip ko nga siya at walang katuwang doon."

"Opo ako na po bahala.Hayaan nyo po tutulungan ko si Kuya doon. (Kuya minsan kasi tawag ko kay Japser.)"

"Naiinip na nga kami dito mas gusto namin sa probinsya hindi ma-polusyon."

"Hanggang kelan po ba kayo diyan?"

"Kung makakaya ay baka hanggang pasko na."

"Ah ganun po ba.Sayang naman po at wala po kayo doon pag-uwi ko."

"Hindi pa naman sigurado kung hanggang kelan kami dito."

"Ah sige po. Ingat po kayo diyan at enjoy. Tawag na lang po ulit ako."

Nagpaalam na ako sa Mama ni Jasper. Magaan ang loob ko sa kanya kahawig kasi siya ng lola ko at makuwento pati siya at masarap kausap kahit minsan ay paulit-ulit na ang kuwento.


Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon