~*~
Mas naging abala ako sa School dahil malapit na ang bakasyon. Pero kahit na ganoon ako ka busy ay pagdating ng gabi at ako na lang ang gising at tahimik na ang paligid ay siya pa rin ang nasa isip ko.
Siya pa rin ang naaalala ko.
Lumala lalo ang insomnia ko.
Hindi makatulog.
May mga panahon na 5:00am na ako nakakatulog tapos papasok ng 11:00 am.
Kaya madalas rin akong may sakit.
After ng Valentine's Day ay nakitira muna ako sa kapatid ko sa Los Banos, kaya araw-araw ay isang oras at kalahati ang binabyahe ko.
Nakakapagod talaga pero kahit anong pagod ng katawan ko ay hindi pa rin ako nakakatulog kaagad.
"Lord, heto na naman po ako sa harap Ninyo at nananalangin na tulungan po Ninyo ako na pawiin ang kalungkutan ko. Alam ko po na pagsubok lamang ito. Kayo na po ang bahala sa kung anumang relasyon mayroon kami ni Jasper ngayon. Kayo na po ang bahala sa kanya lalo na kapag nasa Saudi na siya."
Ilan lang sa mga dasal ko at paulit-ulit na panalangin.
Nandito na naman kasi ako sa loob ng simbahan.
Araw-araw akong nandito at nagdarasal.
Mas gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag idinudulog ko sa Panginoon ang mga dalangin ko at saloobin.
At heto na naman ako sa loob ng simbahan.
Pagkatapos magdasal ay tatayo sa may pintuan.
Parang baliw na nasisiraan.
Bakit?
Kasi nakasalpak na naman sa tenga ko ang earphone at pinapakinggan ang kantang "Kay Tagal Kitang Hinintay" na Wedding Version habang dahan-dahang naglalakad palapit sa altar.
Nangangarap!
Umaasa na darating ang araw na mangyayari sa akin ito na maglalakad papalapit sa altar habang naghihintay si Jasper.
Wala namang masyadong tao sa loob ng simbahan dahil weekdays. Kaya okay lang na gawin ko itong kabaliwang ito.
Pagkatapos kong gawin ang kabaliwan ko ay lumabas na ako ng simbahan.
Naglalakad na ako palabas nang mabangga ko ang isang matandang babae na nagtitinda ng kandila.
"Lola pasensya po. Sorry po. Hindi ko po sinasadya."
Paghingi ko ng paumanhin.
"Ah ayos lang iha." Hinawakan niya ang braso ko at saka siya ngumiti.
"Sorry po talaga."
"Iha, magkakabalikan kayo, huwag kang mag-alala." Bigla niyang sinabi nang paalis na sana ako.
"Ha? Ano pong ibig ninyong sabihin?"
Naguguluhan kong tanong dahil hindi naman niya ako kilala.
"Ang taong mahal mo ay mahal ka rin, nagtatago lamang siya ng damdamin niya dahil sa takot. Pero darating ang panahon na sa simbahan rin kayo tutuloy. Maikakasal rin kayo."
Fortune teller ata si Lola. Kaso hindi ako naniniwala sa mga hula eh.
"Salamat po Lola sa hula ninyo. Sige po. Alis na po ako."
"Sige iha. Mag-iingat ka. At darating ang araw na magiging masaya rin kayong dalawa."
Medyo kinilabutan ako kay Lola, tanghaling tapat pero ang galing niyang maghula na hiwalay kami ni Jasper.
Well wala naman masama sa hula pero kasi mas naniniwala ako sa plano ni Lord. Gagawin ko na lang gabay ang sinabi niya mas magtitiwala pa rin ako sa will ni Lord.
Pero sana nga kami na nga talaga ni Jasper.
Sana...
Sana...
Sana..
~*~
"Hi Mars Zandy! Nandiyan ka pa ba sa Marinduque? Diyan kasi ako magbabakasyon."
Kausap ko sa cellphone ang bff ko since High School.
"Ay nandito na kami ni bebe ko sa Novaliches. Sayang naman wala na ako doon."
"Nakabalik na pala kayo diyan. Papasyal sana ako sa inyo eh."
"Sayang nga. Kamusta kayo ni Jasper?"
"Hahahaha. Hay naku ganoon pa rin Mars."
"Nakaalis na ba siya?"
""Hindi pa, baka raw mga April pa sabi ng Mama niya at ni Meryl."
"Ah! Baka kapag naandoon na siya ay iapproach ka na niya. May lakas na siya ng loob."
"Sana nga Mars. Ganoon nga ang mangyari. Belated happy birthday nga pala sa iyo."
"Salamat. Sayang talaga eh. Punta sana tayo sa Maniwaya Beach. Enjoy ka na lang sa bakasyon mo doon ha."
"Thanks Mars. Marami na nga raw bagong beach resort doon. Manunuod pati ako ng Moriones Festival."
"Si Bestfriend mong si Paul hahaha. Madalas maglike at magcomment sa mga post mo sa FB ah."
"Hay naku hayaan mo siya. Bitter lang iyon. Inamin niya na may feelings pa raw siya at umasa noon."
"Wow. First love never dies."
"Hahaha. Bahala siya sa life niya. Siya ang nang-iwan noon. Nakamove on na ako sa kanya, matagal na kaya wala na siya sa sistema ko."
"Okay, sabi mo eh! Pero paano kung magkita kayo doon. Malapit lang bahay nila Paul kina Jasper ah?" Pag-uusisa pa rin ni Zandy kay Paul.
"Okay lang naman na magkita kami wala naman na sa akin iyon at para maipakita ko sa kanya na wala na siyang aasahan pa sa akin. Friendship na lang ulit ang kaya ko maibigay."
"at saka kung magkita nga kami o magkrus ang landas namin doon ay maigi na rin para makapag-usap. After 12 years ay magkikita at magkakausap rin kami para magkaroon ng final closure hahaha." Dagdag ko pa.
"Kunsabagay kung si Jasper naman na talaga ang mahal mo, 'wag na dapat umeksena si Paul. Dahil siya nga naman ang nang-iwan dati."
"Kaya nga, lagi na lang akong iniiwan." Hugot na may kasamang realtalk.
"Sige Mars. Bye na muna. Tawag na lang ulit next time kapag hindi busy.
Si Paul. Nang minsan kaming nagkachat ay umamin siyang may nararamdaman pa siya sa akin. Sinabi niya iyon after kong sabihin noon na boyfriend ko na si Jasper.
Wala naman na siyang aasahan pa. Namatay na yong nararamdaman ko sa kanya noon.
Iyong puppy love na tinatawag.
Si Jasper na ang taong mahal ko at handang mahalin habang nabubuhay ako.

BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
Документальная проза"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...