~*~
Year 2012 pangalawang taon ko na sa Private School bilang isang Elementary teacher.
"Teacher Cassey tapos ka na ata gumawa ng test paper ah." Sabi ng co-teacher ko habang nagpapalipas kami ng oras sa classroom niya at naghihintay ng uwian.
"Hindi pa Teacher Daisy, itinigil ko lang muna dahil sumasakit na ang batok ko." Sagot ko sa kanya habang nakatingin sa laptop at nag-online ako sa Facebook.
One Notification
Jasper Pizarra wants to be your friend
CONFIRM? or IGNORE?
I decided na i-confirm ang friend request niya at nag-messsage ako.
"Hahaha. Buhay ka pa pala. Charot lang. Oh kamusta ka na?"
"Oy grabe ka naman. Syempre naman buhay pa ako. Ah buti ka pa Mam na, malaki talaga naitutulong ng internet ano. San ka na ngayon?Kamusta na rin?" Mahaba niyang reply.
Hindi ko na siya nireplayan at nag log-out na ako. Ang sama ko pa rin ba sa kanya? O umiiwas pa rin ako? Takot pa rin? May Trauma? Ayy ewan ko na rin.
"Cassey text mo naman ako 09075266279." Message niya na hindi ko nabasa agad.
Hindi rin naman kasi ako mahilig mag face book. Minsan lang mag-online dahil na rin sa busy ako sa pagtuturo.
Pero ngayong exam lang ng mga bata ay nakakapaglaan ako na makapag online at magcheck ng messages.
"Hi Mam Cassey, lang klase?" Nabasa ko agad message niya pagka log-in ko agad sa FB
"Hi, exam day lang kasi kaya halfday lang mga estudyante kaso daming i-tsek na test paper kaya now lang nakapag-FB.'' Nasa mood ako makipag-chat sa kanya.
"Ahh, ibang level ka na talaga ngayon ah. Ano grade pala hawak mo?"
"Elem at High School. Ay hindi naman."
"Uhm saan ka pala sa Laguna Ma'am?"
"Oo nandito pa rin ako sa Laguna, sa Calamba. San ka pala ngayon?"
"Diyan sa puso mo."
"hehe Pasig ako ngayon Mam."
"Haha. Marunong ka na rin ngayon ng pick-up line ah." Natatawa kong reply sa kanya. Napangiti ako sa sinabi niya hindi pa rin siya nagbabago, maloko pa rin.
"Haha. Boom. Punta sana ako diyan sa Laguna birthday ng best friend ko si Jomel. Tanda mo pa ba siya? Diyan din siya sa Laguna."
"Oo kilala ko siya at naging classmate ko siya noong fourth year High School, saan ba siya dito sa Laguna?"
"Sa Cabuyao daw siya nakatira."
"Ah. Sige bye na. Uwi na kasi ako." Bigla kong paalam sa kanya kasi uuwi naman na talaga ako dahil gabi na.
"Uhmm nagpaalam agad. Sige text na lang. Ingat." Reply niya na hindi ko na ulit nabasa pa.
Hindi na ako nakapag online pa ulit kaya ang message ni Jasper ay hindi ko na nabasa pa dahil natabunan na sa inbox ko.
Naging abala ako sa maraming bagay lalo na sa pagrereview ko para sa LET exam (Licensure Exam for Teachers).
School, bahay, Bahay School lang takbo ng buhay ko. Ang tanging bisyo ko lang ay ang pagiging avid fan ni Sarah Geronimo. Mas naging aktibo ako sa fans club, lalo na may pera na ako dahil may work na kaya nakakapunta na ako sa mga mall shows niya, concert sa Araneta at nakakabili na ng albums.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay
No Ficción"NO BOYFRIEND POLICY!" Ang pinaninindigang policy ni Cassey Laroza, isang masipag na mag-aaral at transferee mula sa Maynila kaya nang mag-aral sa probinsya ay marami ang humahanga sa kanya. Marami rin ang nais na manligaw pero pambabasted lang ang...