Chapter 34

478 103 13
                                    

MALAKAS ANG ULAN. Kung kelan pauwe na ako saka umulan ng umulan. Parang ayaw ata akong pauwiin.

Mabuti na lang wala pa rin pala kaming pasok ng Nov. 2 kaya nagpatanghali na ako ng uwi.

"Parang iiyak ka ata Jasper." Pang-aasar ko sa kanya nang nasa sala kami at nanunuod siya ng balita.

"Hindi ah!"Pagtanggi niya kahit halata naman sa mga mata niya na malungkot siya.

"Eh ang lungkot ng mata mo eh.Tapos parang nanginglid pa ang luha."

Hindi siya umimik,

"Ayoko pang umuwe." Sabi ko sa kanya at sumandal sa braso niya.

"Ikaw ang bahala." Sabi niya na napangiti.

"Kung pwede lang.... kung pwede lang dito na lang ako sa inyo."

Napansin ko na malungkot pa rin siya. Ako rin naman ay malungkot rin dahil aalis na ako at sa December pa ulit bago ako makabalik dito.

NAGPAHATID na ako sa kanya sa bayan nang tumila na ang ulan.

"Ma, uuwe na po ako salamat po sa padala nyo at nilutong malagkit."

"Mag-iingat ka ineng, balik ka nalang dito sa December."

"Opo."

Naglakad na kami pababa.. "May nakalimutan ba ako?"

"Meron." Sagot ni Jasper. 

"Teka, Ano iyon?"

"Yung picture frame na may picture naatin.Hahaha" 

"Hala!Nakita mo na  agad sa damitan mo? Gusto ko pa naman na kapag nakita mo yun ay nakaalis na ako.hayss." itinago ko sa ilalim ng damit nya ung frame.

"eh paano magtatago rin lang kita pa rin."

"Hahaha..Sayo na yun,para sa'yo, para kapag namimiss mo ako titingnan  mo lang yun."

Hinatid na niya ako sa bayan ng Sta.Cruz, pinasakay na niya agad ako sa Van dahil marami nang pasahero at paalis na ang sasakyan.

"Ingat ka ha, text text na lang." Paalam niya na tinanguhan ko lang at nakatingin lang ako sa kanya habang paalis na siya.

Nakakaiyak ang ganoong tagpo na magkakahiwalay na naman kami.

Hayss! Napabuntong hininga na lang ako.

Text text na lang... umeecho pa rin sa isip ko ang sinabi niya. Napapailing lang ako, as if naman na magtetext nga siya,well hopefully.

BALIK school, balik trabaho, balik sa dati ang relasyon namin.

"Kamusta naman ang mga magulang ni Jasper?" tanong ng aking ina na magbabakasyon sa bahay ng ilang araw.

"Maayos naman sila, mabait at maasikaso."

"Wala pa ba kayong plano ni Jasper?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang kasal. Hay naku ang mga magulang naming ay atat na magpakasal kami pero kaming dalawa ni Jasper ay wala pang plano. Nakakpressure sila sa totoo lang.

"Yung magulang niya nagpaplano na" Sabi ko na lang para manahimik si ina. At naikuwento ko yung plano ng magulang ni Jasper.

"Kelangan pumunta sila dito para mas mapag-usapan ng maayos iyang plano na yan."

"Baka sa Dec. dumaan sila dito pag-uwe nilang Pasig." Sabi ko na lang kahit alam ko sa sarili ko na hindi naman siguradong makakapunta nga sila Mama.

Naging excited si ina kaya hinayaan ko na siya.Masaya lang daw siya na ikakasal na ako.

"Sabi nila kung okay lang daw na simpleng handaan lang at doon na lang sa probinsiya ganapin."Dagdag ko pa.

Kay Tagal Kitang HinintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon