IKA'Y MAHALAGA

2.4K 42 14
                                        

Alang alang man sa ating pagsasama
Hindi ko kayang aminin sa'yo ang nararamdaman kong nakakakaba
Dahil walang sino man ang makakapagsabi
Kung anong pwedeng mangyari
Ngayon, bukas at sa kahit anong hinaharap
Alang alang sa kung ano man ang may meron tayo ngayon
Walang may makaka alam kung magkakaroon pa rin tayo no'n bukas, walang sino man ang makakatakas
Kasi kaibigan, pagkakaibigan
Yan lang ang meron tayo at yan sati'y namamagitan
Kaya hindi ko kayang ilabas sa aking mga bibig
Baka mawala ka kasi sa aking mga bisig
Kaya sa ngayon palagi kitang sinasabihan na "ika'y mahalaga"
Hindi ko kayang sabihin ang totoo pero handa akong umasa
Handa ako kaso natatakot ako baka hindi ako aasa kasi ika'y mawawala
Mawawala sa buhay ko na nagsisilbing sandigan mo
Kaya sabi ko ulit sayo "Mahalaga ka"
Kahit na ang gustong sabihin ng puso't isip ko "Mahal na mahal kita"
Tama, mahal na mahal na kita
Mula simula't sapol ikaw lang ang nilalaman ng puso kong palihim na humahagulgol
Ito lang ang meron tayo
Kahit na ang gusto ko ay umangat pa ang meron tayo
Yung tinatawag nilang may "tayo"
Hindi ko kaya, kasi hindi ko kayang mawala ka
Kaya mag aantay ako, mag aantay.....
Magkasama tayong umuupo
Hindi alam kung anong inaantay ng bawat isa,
Habang ako'y nag mumuni muni
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko
Bigla nalang kasi kitang narinig na may binitawang mga katagang kumumpleto sa aking mundo
"Mahal kita" ilang beses ko inulit ulit ang bawat pantig, tama ba? Ma-hal Ki-ta?
Sobrang saya ang aking nadarama
Kaya sinigurado ko na "Mahal? Mahal mong bestfriend?"
Bigla akong natakot sa kung ano man ang ibig sabihin ng mga sinabi mo
Ngunit napalitan ito ng saya nung nasilayan ko ang mga kakaibang ngiti sa iyong mukha
"Mahal kita at sa aki'y ikaw din ay mahalaga"
Hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha sa aking pisngi na matagal ng gustong kumawala
Kumawala na ang mga luha na puno ng saya
Kasi alam ko na hindi ka sa'kin mawawala
At ngayon alam ko na sa sarili ko kung sino ang makakasama ko hanggang sa pagtanda.

USAD (FILIPINO POEMS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon