Sa pagbukas ng talukap ng aking mga mata
Agad kong naramdaman ang init na kumakapa
Sinag ng araw agad sakin ang tumambad
Kaya napangiti ako buong puso kong inilahad
Tumayo ako kasabay ng paglagay ko ng aking dalawang kamay sa ibabaw
Ninanamnam ang panibago na namang buhay
Ganito ang gusto ko, simple lang
Pagkagising, walang inaalala kung ano pa bang kulang
Pumunta ako sa salamin
Tinititigan ko ng mabuti ang aking buong pisikal na anyo
Hindi ko alam kung bakit ako nag bago
Nung iniwan mo ako
Parang hindi na rin ako ang nasa loob ng aking pagkatao
Napangiti ako ng mapait
Agad kong naalala kung paano mo ako ipinagpalit...
Kinuha ko ang kape na aking itinimpla
Dama ko ang init sa aking palad na namumula
Amoy palang sobrang nakakatakam na
Kaya humanap ako ng pwesto at nadako sa harap ng bintana
Sinisimsim ko na ito at langhap ko ang sarap sa aking lalamunan
Hindi ko alam na ang luha ko ay kanina pa pala na nag uunahan..
Nakita ko ang isang bulaklak sa kung paano ito bumulwak
Napakaganda, napakasariwa sa mata
At dito ko napagtanto na,
May mga panahon talaga na kung oras mo ng ilabas ang totoong ikaw, Wala talagang may makakapagpigil..
Kailangan mong ilabas ang totoong ikaw
Hindi para sa kanila
Kundi para sa sarili mo
Para mapatunayan mo kung ano at kung sino ka talaga
Kung tanggap ka niya o hindi pa
Dahil kapag ipinakita mo na ang totoong ikaw doon lumalabas ang tunay na ganda
Hindi mo na kailangang itago pa dahil kung mahal ka niya
Ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin at gugustuhin niyang tumira sa kaniyang puso't isipan..
Kaso noong ipinakita ko na ang totoong ako
Hindi niya ako tanggap
Hindi kasi ako yung tipo na mahinhin
Hindi ako yung hangad niyang mamahalin
Hindi kasi ako yung tipo na isang kalabit mo lang bubukaka kaagad
Hindi ako yun kaya mas pinili kung tumiklop
Hindi kasi ako yung tipo na mahahalikan mo lang ng basta basta
Pasensiya kana ha?
Hindi kasi ako yun, hindi ako masaya na maging ganon...
Ikaw pala yung nakatago
Hindi mo inilatag ang kung anong nasa likod ng mga ngiting matamis mo...
Napabalik ako sa aking diwa
Napatingin ako sa kaliwang banda
May nakita akong bulaklak pero wala na itong sigla
Ang kaniyang talulot ay hindi na nagkakaroon ng kulay dahil ito'y nabubura
Napagtanto ko,
Hindi sa lahat ng pagkakataon maibabalik pa ang lahat
May limitasyon, may katapusan
Kung nagbago ka dahil hindi ka niya tanggap
Problema mo na yun
Wala kang masisisi...
Nakita ko sa kung paano nahulog ang tuyong talulot
Agad ko itong pinuntahan at pinulot
Napahagulgol ako,
Hindi pa huli ang lahat..
Siguro kung mahulog man akong muli sisiguraduhin kong hindi ako agad matutuyo
Aalagaan ko sa kung paano nagkakulay ang aking mundo
Kaya alam ko na ang mali ko
Sana hindi ako nagbago.

BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoetryBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017