TINGIN MULA SA MALAYO

428 13 1
                                        

Hindi dapat, hindi nararapat
Hindi ko inaasahan na sa bawat tingin mo
Magkakaganito ako..
Hindi dapat, hindi mo naman ako kilala
Pero sa buhay kong ito ikaw lang ang palagi kong inaalala
Kapag dumadaan ka
Agad na sisilip, palihim na namimilipit
Namimilipit sa kilig..
At sa bawat kilig na yon may kasabay pang tunog ng mga kuliglig na sumasayaw sa kinang ng aking mga imahinasyon..
Hindi inaasahang pag ibig..
Pag ibig na nga ba?
Hindi dapat kasi hindi nararapat..
Bawat ngiting binibitawan mo
Palaging sinasalo ng mga mata ko
Alam ko sa sarili kong gusto kita pero..
Hindi nararapat..
Hanggang tingin nalang palagi
Hindi magagawa ang gustong mangyari kasi 'di maaari..
Gusto kita pero di mo ako kilala..
Nakikita ko ang bawat galaw mo pero ni kahit minsan hindi mo'ko natuunan ng pansin
Gusto kita pero, di dapat
Hindi pwede, titingin tingin nalang ako mula sa malayo
Inaantay ang bawat galaw
Kung anong kasunod na bibigkasin
Kung ano ng pinaplano mo
Gusto kita, pero hindi pwede, hindi nararapat..
Kasi sa bawat araw na nahuhulog ako
Walang chansa na sasaluhin mo'ko
Sa bawat paghangad ko na ako'y iyong mapansin
Ganun din ang takbo ng araw na palubog na..
Mas nagiging malinaw ang lahat..
Oo, gusto kita pero 'di dapat..
Kasi ako'y estudyante lang na palihim na naghahangad
Samantalang ikaw, ang guro na may iniibig na tapat
Gustuhin man kita, pero tama na
Di dapat, 'di nararapat at kahit kailan hindi magiging sapat.

USAD (FILIPINO POEMS)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon