Sa lahat ng pinagdaanan kong nakakahapo, ngayon pa ba ako susuko?
Ipinaglaban kita ngunit mukhang hindi mo yun nakita
Kasi ang bawat talukap ng iyong mga mata ay nakasira
Lahat ng pwedeng gawin ay nagawa ko at kaya ko pa
Kahit na nga ang puso ko ay naibigay ko na
Pero hindi mo yun tinanggap,
Hindi inangkin pero hindi ako susuko ng dahil lang sa mga ipinapakita mo sa'kin
Kasi parehas lang tayong biktima ng pag ibig
Kahit na pakinggan mo pa ang bawat pintig na gustong iparinig...
Ng puso ko
Pero hindi ako susuko, hindi, hindi ako susuko
Hindi ako susuko lalo na ngayong alam ko na ang katotohanan
Katotohanang inilihim sayo ng kaibigan mo, na kaibigan ko
At ng dahil don,
Pilit kinalimutan kung ano nga ba ang pag-ibig
Pilit kinalimutan kung paano magmahal at ang pakiramdam ng minamahal
Pilit kinalimutan ang lahat ng nakaraan kahit na alam ko na ang lahat ng yun ay nakatatak na sa isipan
At mas masakit.....
Kasi kung gaano man kalalim ang pagtitig mo sa kaniya
Ganun din kababaw ang paglisan niya
Kung gaano mo man siyang gustong yakapin
Gagawa siya ng paraan upang maalis lang sa'yong mga tanawin
Kung gaano mo man siya gustong kausapin
Ganun din kabilis ang pag iwas niya sa'yong mga tingin
At kung gaano mo man siya gustong halikan
Ni sa realidad nga ay hindi ka niya mangitian, ni hindi ka nga niya matignan
Pero tandaan mo hindi ako susuko, Ipaparamdam ko sa kaniya kung paano magmahal muli
Ipapaalala ko sa kanya kung paanong kumapit sa tali
Tali na nag uugnay saming dalawa
At ang dahilan kung bakit hindi pa ako bumibitaw kasi alam kong kakapit pa siya
Taling unti unting numinipis at humahaba na naghuhudyat na malapit na siyang maputol
At ang paghaba ng distansya sa pagitan naming dalawa na nagsasabing ang tadhana ay tutol
Pero tandaan mo hinding hindi kita susukuan
Ipaparamdam ko sa'yo kung ano nga ba ang kahulugan... ng pag ibig..
Hanggang sa ika'y mapagod at magpahinga sa aking mga bisig
Ng dahil lang sa kasinungalingan ng kaibigan natin
Ang dating nagmamahalang hindi mapaghiwalay ay bigla nalang bumigay
Pero alam ko sa sarili kong hindi ako nagloko, hindi ako salawahan
Pero pilit na sinasaksak sa kokoti mo na niloko kita ng iyong kaibigan
Pero hindi, siya tong nanira, para lang saki'y ika'y makuha
Pero hindi siya nagwagi kasi nawala na sa bokabularyo mo ang salitang magmahal muli
Kasi akala mo ikaw tong nasaktan, pero hindi, ako tong nag tiis at palihim na naghahangad na sana ay bumalik tayo sa dati
Kaya pilit pinaparamdam
Lahat ng pwedeng maramdaman habang ika'y nagsusulat pa ng liham
At sana hindi mauwi sa wala lahat ng aking mga ibinigay
At sana kumapit ka muli sa tali at hindi na ako basta basta nalang ibibigay
Na hindi pa naririnig ang paliwanag ko't salaysay
Basta basta nalang nang iiwan at hndi na muling naghintay
Pero kahit ano mang mangyari, hinding hindi ako susuko sa'yo
Nawala man ang dating tayo..
Tandaan mo, akin ka hanggang sa dulo.
BINABASA MO ANG
USAD (FILIPINO POEMS)
PoesieBigo ka ba? ENJOY READING! Book Date started April 5, 2017