PULSO

201 7 0
                                    

Pagkagising, isang maputing lugar ang bumukad sakin
Nasisilaw
Ilang beses kumurap pero parang walang naaninag
Hanggang sa bumukas ang pintuan.. at nakita kita
Magkasunod na tunog ng kamatayan ang sati'y namamagitan
Nakita ko sa mga mata mo kung gaano ka nasasaktan
Dahil sa unang beses na hindi ko alam na ito pala ang aking kahihinatnan..
Walang nagsasalita
Dama ko ang sakit na nagmumula sa aking kamay
Sa bawat tubig na tumutulo na agad dumadaloy papasok sa kamay ko
Sa bawat patak ng tubig
Hindi ko napapansin na sinasabayan na pala ito ng mga luha ko
Sabay tingin sa pulsuhan kung saan ko sinubukang gitlian
At hinangad na sana'y matapos na ang nakakapagod kong buhay
Hindi ko kinaya..at mukhang hindi ko pa kaya.....
Ilang buwan bago nangyari ang lahat ng ito
Masaya pa tayo
Buo pa ang mga ngiti sa labi
Kompleto pa ang araw ng bawat isa na nagsilbing hele
Sabay sa agos ng alon
Sabay lumaban sa lahat ng pagkakataon
Walang bumibitaw sa magkahawak kamay na paglalakbay
Nakahawak sa bewang at naka akbay
Hanggang sa isang araw
Ang nag aalab nating pag-iibigan ay unti unting nanlalamig
Nag iba na ang tono ng iyong himig
Sa bawat minuto ng aking pagka sabik
Ilang segundo lang ang namamagitan, nawawala kana saglit...
Hindi ko alam kung bakit nag iba ang takbo ng pakikitungo mo
Hindi ko alam kung bakit umiiwas kanalang bigla kahit wala naman akong ginagawang masama
Wala naman akong naaalala na may ginawa akong mali
Na may inasal akong hindi kaaya aya
Na may nasabi akong hindi mo gusto
O baka siguro nga may iba kanang gusto
Natitipuhan..
Kaya ka naging ganyan..
May tiwala ako sa'yo
Pero sa pagkakataong ito kailangan ko ng proweba para maging kampante ang kung ano man ang sinasabi ng aking puso't isipan
Kailangan kong matyempohan kung ano mang nag papabagabag sa aking kalooban
Kailangan ko ng lakas pero parang wala na ako non kasi ikaw ang nagsilbing lakas ko
Na kapag ika'y malayo at hindi ko nakikita nawawalan na ako ng gana..
Ilang beses kitang sinundan
Hindi kita tinantanan
Dumaan ang araw
Hindi nako napapakali
Hindi nga ako nagkamali..
Nandito ako sa di kalayuan
Nagmamasid,
Kasabay pigil sa aking paghikbi
Napakapit ako ng mahigpit sa aking kinatatayuan
Nakita ko ang tamis sa mga ngiti mo na hindi ko na nasisilayan pang muli sa tuwing kaharap mo'ko
May kislap ang iyong mga mata
Habang hawak hawak mo siya..
Habang hinahawakan niya yung mukha mo
Habang sabay kayong tumatawa
Habang hinahaplos mo yung tiyan niya
Hanggang sa hinalikan ka niya sa labi
At yun na ang hudyat para hindi na ako makisali
Makisali sa buhay mo... kasi parang ang saya mo na..
Pag uwi ko ng bahay na sabay nating pinatayo
Kung saan ang bawat sulok nito ay saksi sa pagmamahalan nating dalawa
Kung saan bumuo tayo ng ating mga alaala
Kung saan sabay tayong naghangad ng mga pangarap natin na dapat sabay nating aabutin
Ay makakasaksi sa kung paano ako naging miserable
Kung paano ako nasaktan hanggang sa aking pagsuko
Hawak hawak ko ang litrato mo kasabay pag iisip kung itutuloy ko pa to
Mahigpit
Nanginginig
Matulis, matalim ang aking hawak habang nakaharap sa salamin
Sabay tingin sa sarili kong hindi ko na makilala pa
Ipinikit ko ang aking mga mata
Kasabay ng pag dampi ng kutsilyo sa aking pulso
Unti unti ko ng nararamdaman ang literal na sakit
Kasabay ng pag-alaala ko at pagbitaw sa iniwan mong sakit
Nagdurugo na'ko..
At patuloy na nag durugo sa bawat sunod sunod na pag patak ng dugo mula sa aking pulso
Sunod sunod na hikbi
Hanggang sa natumba na'ko
Unti unti ng nagdidilim ang aking paningin
Unti unti ng lumalabo ang aking naaninag
Pero bago pa tuluyang sumira ang aking mga pagod na mata
Nakita ko ang isang yapak...
Bumalik ako sa aking katinuan nung ika'y nagsalita
"Bakit mo nagawa yon?"
Tumingin ako sa'yo, deretso sa mata
Walang kurap
Puno ng galit at poot
Binalik ko yung tanong
"Paano mo nagawa sakin yon?"
Hindi ka umimik, kasabay iwas ng tingin
"Mahal kita alam mo yun! Kaya bakit?!"
Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili
Hindi ko na alam pa
"Bago pa naging tayo, andiyan na siya"
Sagot mong nakakalula
Tumigil ang takbo ng aking mundo
Parang sinaksak ako ng paulit ulit
Pinatay ako at muling binuhay upang patayin muli
Nasira na ng tuluyan ang aking kaibuturan...
Napagtanto kong sobra sobra na'to
Kaya habang wala kapa dito sa tabi ko
Sinubukan kong abutin ang nakalagay sa mesa
Katabi ng mga prutas na matatamis
Kasing tamis ng pagsasamahan natin noon..
Wala na rin namang saysay ang pagtira ko dito sa mundo kung hindi naman tayo ang tatapos sa storyang to
Kaya mas mainam ng mamaalam nako hanggang hindi pako napupuruhan sa larong to
Bakit ba kasi ako'y naagapan niya?
Sana hindi nalang siya dumating sa oras kung saan hindi ko na siya kailangan pa
Kaya sa pagkakataong ito
Pasensya na kung hindi ako kasing tibay ng iba
Sisiguraduhin kong hanggang dito nalang ako..
Didito nalang ako..
Sabay pagpatak ng dugo mula sa aking pulso
Napangiti nalang ako ng mapait
Sa huling pagkakataon nasilayan kitang muli
Gulat at tumatakbo papalapit
Kahit masakit sasabihin ko tong muli
"Mahal na mahal parin kita pero hindi ko na kayang masaktan pa."
Paalam.

USAD (FILIPINO POEMS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon